"Wala ka bang balak na ipa silicon strip yan peklat mo?" tanong ni Abby habang nasa isang beach resort sila at nagkayayaan silang magkakapatid na mag family outing. Napatingin naman si Alodia sa sariling peklat habang nag papahid ng sunblock sa katawan. "Hanggang ngayon hindi namin alam kung napaano ang mga peklat na yan?" tanong pa ni Abby, ngumiti naman si Alodia. "Dala lang ito ng mga katapangan ko." "witwit!" sipol naman ni Avery ng mula sa kabilang cottage lumabas nanaman sila Athena at Kuya Dean. "Mukhang kailangan ko ng mag diet." wika ni Abby ng makita si Kate at Athena na parehas na naka string bikini tulad din ni Alodia. Habang sila ni Avery naka rash guard na mula braso hanggang sa bukong-bukong nila. "Mga tao pa ba kayo? Bakit wala kayong mga stretchmark." ani Abby na nak

