"Pansamantalang sa bahay ka muna mag stay, mas safe ka dun. Mataas ang security ng village namin hindi makakapasok ang sino na lang." wika ni Aira habang inaayos ang gamit ni Ken, tahimik naman si Ken na tumango habang naka yuko. "Itaas mo yan ulo mo, asan na yun mayabang at walang manners na Ken na nakilala namin noon." ani Aira na lumapit sa hospital bed ni Ken after ng halos dalawang linggo nito sa hospital. "Hindi ang ganyan ang hitsura ang kailangan namin ngayon. Ipakita mo sa amin yun Ken na ipinakilala mo sa amin, yung marahas, mayabang at mataas ang bilid sa sarili. Asan na ang lalaking yun?" Turan pa ni Aira na hila sa damit ang binata na nag-angat ng ulo na deretsong napatingin sa mata ng ina ni Alodia. Nahabag naman ang kalooban ni Aira ng makita ang lungkot sa mga mata ni Ke

