Pabagsak na naupo si Ken sa sofa ng maka-uwi siya sa bahay ni Collin na pansamantala niyang tinutuluyan, wala naman siyang ibang pupuntahan. Kaya dun na lang siya nag stay inihilig niya ang ulo sa sandalan ng sofa habang iniisip si Alodia at ang mga sinabi nito. Madilim ang buong kabahayan dahil walang kuryente dun dahil putol at wala naman kaso sa kanya yun dahil tulog lang naman ang ipinupunta niya roon. Malayo din ang poste ng kuryente kaya kaya bahagya ng masinagan ng liwanag ang bahay. "Being evil cannot be learned because wickedness flows through a person's veins." napa-upo ng deretso si Ken ng marinig ang familiar na boses na yun na dudukutin na sana niya ang phone ng bigla isang baril ang tumutok sa noo niya at may humawak sa walang kamay niya na ikinagulat ni Ken. Hindi niya maki

