KABANATA 24

1854 Words

Naiwang nakabukas ang bibig ko at hindi agad natanggap ang kamay niyang iniaabot sa akin dahil sa kabiglaanan. Isang pagtapik sa aking balikat ang nagpabalik sa'kin sa kasalukuyan. Alanganin kong tinanggap ang kamay niya at ngumiti ng maliit. "Masaya akong makilala ang babaeng bukambibig ng kapatid ko," mas lumapad ang pagkakangiti niya kaya mas lalo akong natulala, isang bagay ang tumatakbo sa isip ko... 'Bakit parang ang bait bait niya? Paano ako magagalit at magseselos kung para siyang anghel sa mga mata ko?' Ang pagkausap ko sa sarili ay naputol nang magsalita si Anya, "Arki natuklaw ka ba ng ahas at kanina ka pa nakatulala riyan?" humahagikgik na wika niya at muling tinapik ang balikat ko. Iningusan ko siya at muling tumingin kay Mutya na hindi nawawala ang ngiti sa mga labi. Ma

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD