ARKISHA Sabay sabay kaming dumating sa simbahan kung saan gaganapin ang kasal nina Tala at Paham. Si Apo Regina na ina ni Tala ang punong abala sa piging, ang mga magulang naman ni Paham ang namahala sa reception at maging sa mga pagkain na pinagtulong-tulungan nilang lutuin mula pa kaninang madaling araw. Kahit na may mga anito sila at altar sa puso ng gubat ay mga nabinyagan pa rin sila ng simbahan dahil halos lahat sila rito ay mga Katoliko. Pinanatili lang nila ang mga anito dahil para sa kanila ito ang gabay nila mula pa noong unang panahon. Isa ako sa mga abay ni Tala, puting wedding gown ang suot niya ngayon habang kami ay kulay lila ang mga damit na mabilisang ipinatahi pa sa bayan. Ang buong tribo ng Dagem ay nandito upang saksihan ang kasal ng dalawa dahil ang pamilya ni Tal

