ALEXANDER Ilang oras na kaming nag-iikot sa buong Sagada kakahanap sa maaaring puntahan ni Arki at ng lalaking kasama niya sa litrato. Ayon sa informant ko ay kuha ang litrato kahapon ng umaga sa Mt. Kiltepan. Pagkatapos no'n ay hindi na nila nahanap pa ang kapatid ko dahil bigla raw itong nawala kasama ang isang lalaki na kahawak-kamay umano nito. Nagtanong-tanong na kami ngunit wala umanong nakakita sa dalawa. "Where the hell did she go? Nakakalat na rin ang mga tauhan natin pero hindi nila matunton at mahagilap sa kahit saang inns and hotels dito!" napatalon ako mula sa kinauupuan nang pukpukin ni kuya Austin ang dashboard ng sasakyan ko. Masuwerte ang kambal at nakahiwalay sila ng sasakyan dahil kung hindi, umaatikabong ratrat ang mangyayari sa loob ng sasakyan dahil puro kalokohan

