ALEXANDER "Any news on Arki?" Napalingon ako nang magsalita si kuya Austin, salubong ang kilay nito at kuyom ang mga kamao. Napalunok ako dahil frustrated na ito sa tatlong linggong paghahanap namin kay Arkisha. Nalaman ng mga tauhan ni kuya Austin na sa Sagada nagpunta si Arki kasama ang mga kaibigan niya kaya naman binaliktad na nila lahat ng hotels, inns, at mga transient house na maaari niyang puntahan ngunit wala kahit anino ng kapatid ko. That brat is hiding so good na kahit mga trackers ay hindi siya makita. Her last known movement is when she rode a public vehicle going to Kalinga, but based on our investigation, she never got to Kalinga. Walang mga CCTV cameras sa lugar kaya hindi namin alam kung nasaan na ngayon ang kapatid ko. She disappeared without a trace so everyone is

