ARKISHA Naputol ang malalim kong pag-iisip nang maramdaman ang pagtigil ng motor. Sa dami ng tumakbo sa isip ko ay hindi ko namalayan kung nasaan na kami. Gusto kong itanong kay Dakila kung nagkakilala na ba kami noon ngunit naagaw ang atensyon ko ng mga matatandang babae na nakasuot ng mga tradisyunal na damit ng mga igorot. Maraming turista ang nagpapapicture kasama sila at nagbibigay ng mga donasyon. Nakita ko ang signage ng daan paakyat ng Marlboro Hills. Tulad lang din ito ng Mt. Kiltepan pero mas maganda ang view ng sea of clouds sa lugar na ito. Mas malawak din ito at puwedeng puwede kang magphotoshoot. Iniwan lang namin ang motor ni Aki sa isang stop over sa ibaba. Nagsimula kaming maglakad at tulad kanina ay muli niyang kinuha ang bag ko. Nakasukbit sa leeg ko ang camera ko a

