KABANATA 16

1560 Words

ARKISHA Nagpaalam ako kay Apo Linda na maglilibot ako ngayon sa Sagada, tinanong niya kung may kasama ako kaya sinabi kong si Aki ang nagprisintang maging tour guide ko. Wala sina Anya at Anissa dahil maaga silang lumuwas papuntang Baguio para bumili ng mga pasalubong pabalik ng Maynila. Ngumiti si Apo Linda ng mahiwaga bago ako lumabas ng pinto. Nagtataka man ay hindi ko na binigyan pa ng kahulugan, minsan talaga ay ganoon siya kapag may naaalalang masaya sa kanyang kabataan. Paglabas ko ng bahay ay ang mga kapitbahay ang nag-aabang sa akin, una pa si Tala na lumapit sa akin. "Arki! Kamusta ang pakiramdam mo? Pasensya ka na at hindi kita napuntahan kahapon naghahanda kami para sa kasal bukas..." wika niya habang hawak ang kamay ko. Ipinatong ko ang isang kamay ko sa kanya, "Huwag mo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD