ARKISHA "Ayos na ba ang pakiramdam mo? Tara at ihahatid na kita, hindi puwede sa'yo ang mapuyat," diretsong saad ni Aki, hindi niya ako tinitignan at nag-aayos lang ng mga gamit niya. Nakabihis na rin siya ng walking shorts at puting t-shirt na hapit sa kanyang magandang katawan. Ngunit kinakabahan talaga ako sa ipinapakita niyang reaksyon, mula nang kapain niya ang pulso ko ay para siyang nawala sa sarili. Tumayo ako at pinamewangan siya, nang lumingon siya sa akin ay para pa siyang nagulat. "Ano ba'ng problema Dok Aki? Bakit ba parang wala ka sa sarili mo?" "I'm fine, may naalala lang ako. Tara na mahamog na," may kinuha siya sa isang cabinet at isinuot sa akin. Iniabot niya sa akin ang itim na beanie, paglabas ay tahimik kaming naglalakad. Pinagmamasdan ko lamang siya at halatang

