ARKISHA Halos manlabo ang mga mata ko sa pagtingin sa lalaki dahil na rin sa luha ko, nang makilala ko siya ay parang nawala lahat ng pangambang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung anong klase ang hatak niya sa akin pero kapag nakikita ko siya pakiramdam ko ay ligtas ako. "Aki..." "Tara na at nangangalay na 'ko," masungit niyang tugon na ikinanganga ko, ang bilis talagang magpalit ng mood ng isang 'to! "Ikaw ang nag-aya tapos..." kandahaba ang nguso ko ngunit laking gulat ko nang ngumiti siya, yung ngiting totoo. Ito ang unang beses na nginitian ako ng masungit na ito kaya ang puso ko parang may nagrarambulan sa loob. Matagal yata akong natulala kaya hinatak niya na mismo ang kamay ko. Dinala niya ako sa gitna kasabay ang ilang pares na nagsasayawan. Ang sayaw na ginagawa nila ngayo

