"Kislap," sabay naming banggit ni Anya sa hindi namin inaasahang bisita. Nakasuot ito ng bahag at lumabas ang magandang hubog ng katawan nito. Ang kayumangging balat nito ay tila mas makinis pa kumpara sa akin. Nakatali ang mahaba nitong buhok at umaliwalas ang hitsura nito sa kanyang ayos. Kiniliti ako ni Anya sa tagiliran at bumulong, "Tanggapin mo na... mukhang namitas pa 'yan sa hardin ni Apo Laya," humahagikgik na wika nito, lola ni Kislap si Apo Laya. Atubili kong tinanggap ang bulaklak at napangiti, ito ang unang beses na makatanggap ako ng sunflower na bagong pitas, ang sarap niya sa mata at sariwa ang amoy. Bumaling ako kay Kislap na mukhang kinakabahan, ngumiti ako ng medyo nahihiya. "S-salamat Kislap hindi mo na kailangang gawin ito, pero salamat ng marami," saad ko habang ma

