Alas-kuwatro na ng hapon pero hindi pa rin ako nag-aayos para sa kasiyahan mamaya. Paano ay gumugulo pa rin sa isip ko ang pinag-usapan namin ni Apo Linda kaninang umaga. Si Yvette... Kaibigan namin siya nina Genevieve mula pa noong high school. Mabait, matalino, at madalas ay tahimik lamang kaya nga nakasundo namin nina Gen at Cleo. Puro lang kami aral noon dahil nag-uunahan kaming maging valedictorian, nang makitang masigasig talaga siya ay nagbigay daan ako at naging salutatorian na lamang ng aming batch. Ipinakausap ko pa kay mommy ang Principal at ang mga teachers namin upang sa kanya ibigay ang award dahil nasabihan na ako ng adviser namin na ako nga ang top sa klase. Ayokong magtampo siya kaya ibinigay ko sa kanya ang puwesto. Gusto niya lang umano maging proud sa kanya ang mga

