ARKISHA Nakapikit ako pero naririnig ko ang mahihinang usapan sa paligid ko. Kahit hindi ako dumilat ay alam kong nasa ospital ako dahil pamilyar na sa akin ang ganitong amoy. Ganito rin ang amoy sa klinika ni Aki at ang pagtunog ng machine sa gilid ko ang nagkumpirma na ospital nanaman ang kinabagsakan ko. Narinig ko ang dalawang pamilyar na boses na ilang linggo ko ring hindi narinig. Idinilat ko na ang mata ko at iginalaw ang isang daliri ko kaya biglang tumunog ang machine na nakakonekta sa pagkilos ko. Agad naglapitan sa akin ang pamilya ko lalo na ang dalawang kaibigan kong sina Gen at Cleo. "Arkisha Rose pinagalala mo kami!" singhal sa akin ni Gen habang hawak ang kamay ko. "Kung alam mo lang paano namin halughugin ang buong Sagada mahanap ka lang na babae ka. Namuhay ka pala

