DAKILA Pinapanood ko ang unti-unting paglayo ni Arkisha, nakita ko kung paano niya inikot ang paningin kakahanap sa akin, hindi ko siya kayang harapin agad matapos ang iniwan kong mga salita kanina. Naikuyom ko ang kamao ko nang maalala ang pagluha niya habang sinasabing mahal niya ako. Alam kong nasaktan siya sa mga sinabi ko ngunit kailangan kong sabihin 'yon upang bumalik siya ng matiwasay sa Maynila. Matigas ang ulo ng isang 'yon kaya alam kong hindi siya basta aalis dito, mabuti na lang din at walang nagsasabi sa kanya kung ano ang ibig sabihin ng palaging ibinubulong ko sa kanya. Tinanaw ko ang pagsandal niya sa kanyang kapatid at napansin ang pag-alog ng mga balikat niya, indikasyon ng pag-iyak niya. Habang paliit nang paliit ang pigura niya sa paningin ko ay mas lalong pinipili

