ARKISHA Nakatulala ako ng ilang segundo sa kawalan paglabas ni Dakila ng silid. Nakarinig ako ng mga nagtatakbuhang yabag hanggang sa umingay dahil sabay sabay na nagsasalita ang mga bagong dating. "Aki, kumusta si Arkisha? Maari ba namin siyang makita?" sa hinhin ng pananalita at banayad na tinig ay alam kong si Mutya 'yon. Wala akong narinig na sumagot ngunit narinig ko ang nagmamadaling mga yabag palapit sa silid na kinaroroonan ko. Napangiti ako nang maisip kung sino ang mga iyon. Hindi nga nagtagal ay lumitaw si Mutya kasama sina Tala, Elena, Emma, Paham, Kislap, maging si Anya na umiiyak pa. "Arki!" magkakasabay nilang sigaw bago ako dinumog ng yakap. Natatawa na lang ako sa pag-aagawan nila na mayakap ako, muntik pa akong hindi makahinga dahil may yumapos sa akin ng mahigpit. "

