bc

MONDEÑEGO SERIES #2 :MARRIED TO MY BEST FRIEND

book_age18+
170
FOLLOW
1K
READ
possessive
second chance
pregnant
goodgirl
CEO
drama
bxg
city
first love
nurse
like
intro-logo
Blurb

He is her best friend, he is her first love.

Hanggang saan siya kayang dalhin ng kanyang pagmamahal sa kanyang matalik na kaibigan?

Being married to her best friend was her greatest dream. Pero ng maikasal sila ay nagbago ito, palaging busy sa trabaho at hangin kung ituring siya. Hindi nangyari ang masayang buhay na inaasam niya na kasama ito. She was left out at sinusunod na lang niya ang lahat ng kagustuhan ng asawa.

But enough is enough, nagdesisyon siyang iwan ito ng malaman ang totoong dahilan kung bakit siya nito pinakasalan.

Ngunit paano kung sa pagbabalik niya ito naman ang maghabol? Hahayaan niya pa ba ang dating asawa na pumasok ulit sa buhay niya? O gagantihan ito sa ginawa sa kanya dati?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1:BIRTHDAY
Avyanna "Happy birthday to you, happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday... Happy birthday to you!" nagising ako sa ingay sa paligid ko at unti unti kong minulat ang mga mata ko. Kinusot ko pa ang dalawang mata at napatingin sa paligid. "Happy birthday!" Sabay-sabay nilang bati na nakangiti. Napangiti ako sabay napaupo sa higaan ng makita ang mga bata na bumati sa akin kasama ng mga ito ang head ng orphanage. "Maraming salamat! " nakangiti kong tugon sa mga ito. "Blow your candle and make a wish!" Napatingin naman ako sa best friend kong si Alexander na may dalang cake at nakangiting nakatingin sa akin. Ang gwapo niya talaga, ang ganda-ganda ng ngiti. Bigla akong na-conscious at bila akong napatakip ng mukha ko at nagtalukbong ng kumot. Bagong gising ako, baka may muta pa ako at ang pangit kong tingnan. Sabog pa ang buhok ko. Narinig kong nagtawanan sila kaya minadali kong kinapa ang mukha ko at inayos ang buhok ko. "Come on Avyanna, it's not like hindi ka pa namin nakita. Maganda ka pa rin naman kahit ganyan ang hitsura mo ngayon ." natatawang saad nito at nagtawanan din ang mga bata. "Ate Avyanna lumabas ka na, maraming dalang pagkain si kuya Alex!" Excited nitong saad. "Ang takaw mo talaga batching!" Nagtawanan na ang mga bata at inaasar na si Batching. Lumabas na ako bago pa mag - away ang dalawa. "Oh ayan na ang ate Avyanna niyo,tumigil na kayo." saway sa kanila ni mother superior. Nagtaas baba naman ang kilay ni Alexander ng magawi ang tingin ko sa kanya. Napailing nalang ako at lumapit sa cake. Pumikit ako sandali at humiling bago ko hipan ang kandila. " Anong wish mo? "tanong ni Alexander at inilapit pa talaga ang mukha nito. " Ikaw! "biglang nabulalas ko. Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ko. Bigla naman siyang natawa kasabay ng tawanan ng mga kasama namin. " Uy, si ate Avyanna kinikilig! "dinilitan ko naman si Rose sa sinabi niya. " Ang ibig kong sabihin, ikaw. Ikaw lumayo ka nga sa akin, naduduling ako. "sabay tulak sa noo niya gamit ang hintururo ko. Natawa lang itong umayos ng tayo. Dinala na ni mother superior ang mga bata sa labas at naiwan kami ni Alexander. " Bakit namumula ka? Siguro totoong may crush ka sa akin 'no! "nakangising tanong nito. Napaikot nalang ang mata ko at hinawakan ang mukha ko. " Hindi kaya, mainit lang kaya namumula ang pisngi ko. At saka lumabas ka na nga, maghihilamos na ako!" Tugon ko dito at tinulak ko na siya palabas ng kwarto ko. Natatawa naman itong nagpatulak at biglang humarap sa akin ng nasa pinto na kami. "Bilisan mo na, naghihintay na ang mga bata sa hapag. Ikaw na lang ang hinihintay. At late ka na 'atang nagusing ngayon? " saad nito at ginulo ang buhok ko. Mabuti nalang talaga at hindi na niya hawak ang cake ngayon dahil ibinigay niya ito kay Chelsea kanina. "Oo na, layas na." Pagtataboy ko sa kanya, hindi ko na sinagot pa ang tanong niya at sinara agad ang pinto. Napasandal ako sa pinto at napahawak sa magkabila kong pisngi. Napasarap lang ang tulog, ang ganda pa naman ng paniginip ko. Oo na, may crush talaga ako sa kanya. Simula bata pa kami at hanggang ngayon hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman ko. Palalim lang ng palalim. Anak si Alexander ng may ari ng orphanage kung saan ako lumaki. Oo, wala akong mga magulang at dito na ako lumaki kasabay ng mga batang katulad ko na iniwan o hindi na kayang alagaan ng mga magulang nila. At isa si Alexander sa mga naging sandalan ko. Sa tuwing dumadalaw siya dito sa ampunan ay nawawala ang pangungulila ko. Palagi niya akong pinapasaya, kami ng mga bata dito. Maraming pagkain at mga laruan palagi ang dala nito kapag dumadalaw. At ang guwapo nito, matangos na ilong. Matangkad, makisig at mabait pa. At higit sa lahat mahal ko. Napapangiti na lang ako sa iniisip ko. Oo mahal ko na siya at hindi lang simpleng crush. Sino ba namang babae ang hindi magkakagusto sa kumag na 'yon? Sobrang bait, at hindi mo aakalain na totoo. Tumuloy na ako sa banyo at naghilamos. Matapos ay inaayos ang sarili para naman maging presintable ako sa harap niya. Ayos lang naman mangarap, kahit alam kong malayong magkagusto sa akin ang best friend ko. Napangiti ako ng makita silang nagkakagulo. At ang dami ngang pagkain ang nakahain sa mahabang mesa namin. Nakasuot na din ng party hat ang mga bata. Kumaway si Alexander sa akin kaya lumapit na ako. Pinaghila niya naman ako ng upuan at nagpasalamat ako dito. Nagsimula na kami kumain matapos magdasal. Nakatuwa tingnan ang mga bata, ang saya nila habang kumakain. Si Alexander naman panay ang lagay ng pagkain sa plato. "Kain ka pa, para magkalaman ka naman. Tingnan mo nga ang payat mo,saan ba napupunta ang kinakain mo?" sinuri pa talaga nito ang katawan ko. Natampal ko naman ang braso nito at natawa lang siya. "Huwag mong pakialaman ang katawan ko. Anong magagawa ko kung hindi talaga ako tumataba?" tugon ko dito at kumagat ng lumpia. Napailing naman ito at nagpatuloy na sa pagkain. Kumain na lang din ako at mayamaya naman ay nagsitayuan na ang iba. Lumabas na sila at kami nalang naiwan ng ibang madre kasama si Alexander. " Naku maraming salamat talaga iho. Napakalaki na ng naitutulong mo dito sa orphanage. At ngayon sinurpresa mo pa itong si Avyanna. Wala ba talagang namamagitan sa inyo?" bigla naman akong naubo sa narinig ko. Mabilis naman akong inabutan ng tubig ni Alexander at pinainom. Matapos uminom ay umuubo pa rin ako at hinahaplos ni Alexander ang likod ko. " Dahan-dahan, ano bang nangyari sa'yo? Ayos ka lang ba? "sunod - sunod na tanong nito at tumayo na sa likod ko. Tumikhim ako at medyo nawala na ang samid ko. Hinawakan ko ang kamay nito at iginiya siyang maupo na. "Ayos lang ako," saad ko dito at bumaling kay sister Yvonne. "Sister, wala pong namamagitan sa amin. At saka bakit niyo naman po naisip 'yon?" tanong ko dito at nangiti lang ito. "Wala lang, sige na at makipaglaro na kayo doon sa mga bata. Kami na ang bahala dito." tugon nito na nangingiti pa rin. Ang weird ni sister. Nabaling ang tingin ko kay Alexander na hanggang ngayon ay hinahaplos pa rin ang likod ko. "Ayos na ako, halika na." saad ko dito at tumayo. Napatayo na rin ito. "Sigurado ka bang ayos ka na?" nag-aalalang tanong nito at hinawakan ang mukha ko. "Alexander parang awa muna, lumayo ka sa'kin at baka marinig mo na ang t***k ng puso ko." piping saad ng isip ko. Napaatras ako sa kanya at napalunok. Nagtaka naman ito pero agad ko siyang hinila na palabas. Hindi pa rin matigil ang puso ko at parang lalabas na siya. Nang makarating sa labas ay agad naman na lumapit sa amin ang mga bata at hinila kami para sumali sa kanila. Naglaro kami ng tagu-taguan kahit mainit sa labas. Nagtago na kami at si Alexander ang taya. "Ate Avyanna sama ako sa'yo." bulong ni Tabatching sa'kin at nagtago na kami sa likod ng halaman. Isa-isa ng nakita ni Alexander ang iba at mukhang kami nalang dalawa ang hindi pa. "Found yah! "napatalon ako sa gulat at matutumba sana. " Ahh! " Napapikit nalang ako at hinintay na bumagsak. Pero hindi nangyari 'yon, hindi lupa ang naramdaman ko. Napadilat ako at nakita ko si Alexander. Sinalo niya pala ako mula sa likuran at sobrang lapit ng mukha namin sa isa't - isa. Kumabog ang dibdib ko at nabingi na ako sa sobrang lakas. Nakatingin lang ako sa kanya at sa labi niyang mapula. Napakagat labi ako at napalunok. Nang makitang inilapit nito ang mukha niya ay bigla akong napapikit at hinintay ang susunod na mangyayari. "Avyanna Marie!" Napadilat naman ako ng bigla ako nitong itinayo ng maayos. "Aray ha, ang sakit sa tenga. Makasigaw 'to, ang lapit-lapit lang natin eh! " sinamaan ko ito ng tingin ng tumawa lang siya. "Kanina pa kita tinatawag hindi ka naman nakikinig. And why did you close your eyes? Are you expecting me to kiss you?" nakangising saad nito at tinaas baba ang kilay. "Ewan ko sa'yo!" Nakangusong saad ko, tumalikod na ako dito at napahawak sa magkabila kong pisngi.Lakad takbo ang ginawa ko para makalayo lang sa kanya. Pumunta nalang ako sa bench at doon naupo. Narinig ko itong tumawa at tinawag ako pero hindi ko na siya pinansin pa. Paasa! Akala ko talaga, ang gaga ko naman kasi. Bakit naman ako hahalikan ng kumag na 'yon? Siguradong hindi niya ako type at maraming babae ' yan. Pero wala naman siyang naikukwento sa akin na may girlfriend siya. Maliban nalang kung ayaw niya talagang sabihin sa akin. "Hey, hindi ka na mabiro." nakalapit na pala ito at naupo siya sa tabi ko. Ginulo niya na naman ang buhok. "Ano ba, ' wag mo ngang pagdiskitahan ang buhok ko!" Tinalikuran ko ito at natawa lang siya. Nanigas ako sa kinauupuan ng maramdaman ang yakap nito mula sa likuran ko. Ipinatong nito ang baba niya sa balikat ko. Nagrambulan na naman ang bulate sa tiyan ko. Napatikhim ako ng bigla nitong isinubsub ang mukha sa batok ko. "Alexander umayos ka nga ng upo. Kaya tayo napapagkamalan eh! " Naramdaman ko itong tumawa at nanindig ang balahibo ko ng maramdaman ang hanging nagmula sa batok ko. "Just let me for a while. I'm tired." Tugon nito at ramdam ko ang pagod sa boses niya. " Kung gano'n umuwi ka na, ano ba kasing pinaggaga-gawa mo?" tanong ko at ang mga mata ko ay nasa mga bata. Mas humigpit ang yakap nito at malapit na ring mapugto ang hininga ko. Napatikhim ako at sinubukang tumayo ng kaunti pero hinapit lang ako nito. GLADYJANE |GJ

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

MAGDALENA (SPG)

read
32.0K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.8K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
104.9K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
113.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook