MATAGAL ako napatitig sa kaniyang kamay na nakalahad sa harap ko. Tumingin muli ako sa likod na umaasa na si Euros ang magyaya saakin sumayaw sa dancefloor. Slow music pa ang pinapatugtog. "I'm waiting..." he said. I bit my lips. "Baka kasi dumating na bigla si Euros." Bahagya hinilig ang kaniyang ulo habang tinitingnan ako. Kahit hindi ko makita ang mukha niya ngayon alam kong nakangisi siya. Napansin ko na parehas pa kami nakakulay puti dalawa. "Hindi ka naman isasayaw no'n," aniya. "Ako nalang magsasayaw sa'yo." Napalunok ako. Dahan dahan umangat ang kamay ko at hinawakan ko na ang kamay niya. Napakurap ako nung hinatak niya na ako papunta sa ng dancefloor. Nandoon ang Abuelo at Abuela sa harapan at nakaupo sila habang pinagmamasdan ang mga tao. Hindi binibitawan ni Eros yung kamay

