NAGLALAKAD muli ako sa gilid ng field. Mahangin at nakakalanghap ako ng sariwa na hangin sa tuwing dadaan ako rito. Iniisip ko pa rin yung ginawa ni Euros. Hanggang ngayon ay masakit pa rin saakin yung ginawa niya. He should've told me the truth. Narinig ko naman usapan nila sa phone. Nalulungkot ako na iniwan ako ni Euros sa birthday party. Mabuti nalang ay nandoon si Eros kahit napagalitan pa siya ng tatay niya. Kahit alam niya na nalulungkot ako sa pag-iwan saakin ni Euros sa party, gumawa siya ng paraan para matanggal 'yon sa isip ko. Nagkwento lang siya na nagkwento. Masaya naman pala kasama si Eros. Mukha lang kasi gago, pero mabait naman. Kaya mo naman siya pakisamahan. Napatingin muli ako sa orasan ko at malapit na yung time. Hindi na kasi gumising ng maaga. Hanggang may tampo p

