TAHIMIK ako na nagbabasa ngayon dito sa library ng pocket book ko. Medyo nagiging busy na kasi mga estudyante ngayon dahil malapit na ang intrams. Kaya wala kaming klase ng isang linggo ngayon. Si Sophia ay nag absent dahil wala naman daw ginagawa. Nandito lang tuloy ako at tinatapos basahin ang libro ni Nicholas Sparks. Napatingin ako sa orasan ko dahil pupuntahan ko nga pala si Mr. Galicha sa opisina niya. Naisipan ko na rin kasi na pumayag ako na tulungan si Eros. Para kasing sobrang disappointed na sakaniya yung magulang niya. Kahit hindi man i-kwento ni Eros 'yon, napapansin ko naman sakaniya. Nababasa ko naman kasi sa mga mata niya. Naiitindihan ko naman siya kahit wala akong kapatid. Nadulas kasi siya nung last time na nag usap kami. Nilapitan ko siya no'n sa field at mukhang badt

