ISANG gabi nadatnan ni Hanz ang kanyang mga kaibigan na sina Maximus at Lucas sa isang bar. "Anong mayroon mga dude? Hindi maipinta yang mga pagmumukha niyo!" nakangiting bungad sa kanila ni Hanz. "Wala ito dude, na miss ko lang ang best friend ko." sabi ni Maximus sabay tungga sa hawak nitong beer. "So what's the problem with that? Tawagan mo, or maybe puntahan mo sa bahay nila. Matagal ko rin siyang hindi nakikita, si Shawn na ang pumalit sa kanya sa kumpanya!" sabi naman ni Hanz na siyang ikinatingin ng dalawa. "Wala kapa bang alam dude? Shallow is gone, matagal na siyang umalis!" nagtataka naman si Hanz sa sinabi ni Maximus. "Anong ibig mong sabihin dude? At bakit siya umalis?" parang wala sa sarili na tanong nito sa dalawa. "Dude I think, ikaw ang dahilan kung bakit siya umalis,

