MAAGA palang ay gising na si Hanz, kailangan niyang pumasok ng maaga sa kumpanya, dahil balak niyang kausapin si Shawn ng masinsinan. "Mom, Dad mauuna na po ako." pagpalaalam niya sa magulang. "Sige anak, mag-iingat ka, iwas sa gulo anak, magfocus ka sa goal mo." "Yes Mom, gagawin ko po ang lahat para makausap ko po si Shawn. Alam kong siya lang ang makakatulong sa akin ngayon." tinapik naman siya ng ama sa balikat. "Don't worry anak, may inutusan na akong mga tao para maghanap kay Shallow." sabi naman ng kanyang ama. Nagpatuloy siya ng pagdadrive hanggang makarating siya ng kumpanya. Eksaktong papasok na siya ng mabungaran niya si Shawn kasama nina Maximus at Carmela. Pagkakita niya sa kanila ay kaagad naman itong lumapit sa kanila. "Kumusta bro? Pasensya kana sa akin the other ni

