Flashback - 3
ASTRID POV :
Abala ang lahat ng mga tao sa mansion para sa pagdating ni Lance. Parang may fiesta dahil sa dami ng mga pagkain. Pinalinis naman ni Lola ang kwarto ng kanyang apo. Masayang masaya ang lahat. Excited ang lahat, pati ang kanyang mga kaibigan lalung lalo na si Lola Amanda na walang mapagsidlan ang tuwa. Dahil sa wakas ay babalik na sa kanila ang kanyang pinakamamahal na apo.
At siyempre si Nathalie na sabik na sabik nang makita at mayakap ang kanyang kuya Lance.
Andito rin ang lahat ng mga kaibigan niya. Sina Nick, Arries, Enzo,Macky,
Brent at si Sebastian kasama ang fianceè nitong si Samantha.
Masaya kaming nagkukwentuhan at nagtatawan sa may garden ng mansion, habang nagkakape nang may dumating na dalawang sasakyan.
Papasok na ito ngayon ng mansion at sabay nagsitayuan ang lahat ng aking mga kasama maliban sa akin.
Si Lance na nga ito.
Ewan ko kung bakit ganito ako kumakabog ang dibdib ko, at feeling ko namumutla narin ako dahil sa sobrang excitement ko. I took a deep breath, nung hilahin ako ni Nathalie palapit sa kanila.
Pagbaba ng sasakyan ay isang mala- Adonis na pigura ang aking nasilayan.
May makisig na pangangatawan,
malalaki at matitigas na mga braso.
At tindig palang nito ay talagang kakaiba na. Ang lakas ng kanyang dating.
Bakat na bakat ang kanyang dibdib sa suot nitong uniporme. Ang laki ng kanyang pinagbago.
Ang lakas ng dating niya, na kahit sino mapapalingon sa kanya.
"OMG! Is that you Lance? Ang hot mo namang tingnan. Oh,s**t! He's so yummy,at talagang makalaglag panty. Hoy! Astrid Mendez! Pinagpapantasyahan mo na ba ngayon ang isang Lance Saavedra? "
"Oh, no!This can't be happening,
hinding-hindi ako magkakagusto sa negrong ito! Over my dead body!"
"Welcome back bro!"
Isa- isang lumapit ang mga kaibigan niya at yumakap sa kaniya.
Nathalie is so happy, seeing her kuya again.
.
"Kuya namiss kita, huwag ka nang aalis ah!"
At si Lola Amanda na sobrang saya na makita ang apo. Nag-uumapaw ang saya sa mukha ni Lola.
"Lance apo,namiss kita ng sobra, huwag mo na kami iiwan ulit. Masaya ako apo na nandito kana. Kahit wala ang Daddy at Mommy siguradong magiging masaya sila sa pagbabalik mo!"
"I miss you too Lola and Nathalie, dalagang dalaga na ang aming prinsesa. May boyfriend kana ba?"
Sabay yakap nito sa dalawa.
Nagkatinginan naman kami ni Nathalie dahil sa tinuran ng kanyang kuya.
"Ikaw kuya ha, kung hindi pa naaksidente si Daddy hindi ka pa babalik sa amin." Nagtatampong wika naman ni Nathalie.
"Yeah! Nakakalungkot na iwan ang serbisyo, pero mahalaga kayo sa akin. Maybe this is the time para ako naman ang tumayo ngayon para sa ating pamilya."
Hindi ko maiwasang mapatitig sa gwapo nitong mukha. Pilit akong ngumingiti habang nakaharap sa kanila. Pero hindi man niya ako kayang tingnan. Ni kahit sulyap man lang, wala akong napala!
"Gutom naba kayo mga apo, tara na at nang makakain na tayo. Doon na lang natin ipagpatuloy ang kwentuhan.
Lance iho, pinaluto ko ang lahat ng mga paborito mo, kaya dapat kumain ka ng madami. Alam kong hindi sapat ang pagkain mo lalo na at nasa bundok kayo."
"I will Lola, thank you for the efforts! And guys thank you namiss ko kayong lahat."
"Staying for good bro?" sabi naman Aries.
"Yes bro! But I still need to report to the Headquarter's for my formal resignation." sagot naman nito.
"Yown, heheh. Makakasama kana naming gumimik ulit.Inuman din tayo bro! Alam kong namiss mo ring pumunta ng mga bar kasama ang buong tropa."
nakangiting wika naman ni Nick.
"Let's have some boy's talk bro!" saad naman ni Brent.
"You are going to be my bestman bro,
ikakasal na kami ni Sam!"
masayang sabi ni Sebastian.
"Yung iba kasi diyan, atat ng magka - pamilya, kaya ayun my little bean na.
Hahahah.." At nagkatawanan ang lahat.
Sobrang saya nila, samantalang ako tahimik na kumakain at nanonood na lang sa kanila.
Hindi man lang niya ako pinapansin.
Pasulyap-sulyap naman ako Kay Lance
pero waley ang beauty ng lola niyo. Walang epek ang pagpapaganda ko!
" Invisible ba ako? Haller pansinin mo naman ako!" Sigaw ng isip ko.
Pero wala parin, tumikhim muna ako bago ako tumayo.
"Astrid iha,tapos kana bang kumain?" tanong sa akin ni Lola.
"Bestie, bakit kaunti lang kinain mo? Hindi mo ba nagustuhan ang mga nakahain?"
"Uhhmm Lola, pasensya na po. A-ahm busog pa po ako. I just have to take this call bestie, baka importante ito." wika ko sa kanila habang nakatingin kay Lance. Umaasa ako na pipigilan niya akong tumayo pero wala parin.
Feeling ko out of place na ako dito. Hindi man lang ako tinapunan ng kahit kaunting tingin man lang ni Lance.
Bagsak ang balikat kong tumayo at umalis sa hapag. Hindi naman nila ako kailangan dito, at saka hindi naman niya ako kaibigan, para pagtuunan niya ng pansin. Sino ba naman ako diba? Hayssttt.
Diretso ako sa may garden kung saan malapit ang swimming pool. Nakaupo ako sa isang long bench, habang nakatanaw sa mga bulaklak sa hardin. Nang biglang may lumapit sa akin, may hawak hawak itong dalawang baso ng orange juice. Inilapag niya ito sa table na nasa aking harapan.
"Tahimik ka ata ngayon? Mag- Isa ka lang dito. Bakit hindi ka pumasok at maki - join sa amin. Masaya ang lahat sa loob." sabi ni Brent sa akin habang umupo ito sa katapat kong long bench.
"A-anong ginagawa mo dito? Diba dapat nasa loob ka? Huwag mo akong alalahanin, ayos lang ako dito."
walang kabuhay-buhay kong tanong sa kanya.
"Ikaw eh! Mag-isa ka lang, hayaan mo na sila sa loob. Tayo na lang ang magkwentuhan dito sa labas. Sasamahan na lang kita!"
"Ikaw ang bahala! So ano kumusta ang bagong business mo?"
"Ok naman, hilig ko talagang magluto. Alam mo naman, kaya naisipan kong magpatayo ng Resto Bar. So far, everything went well naman!" nakangiting wika nito.
Knowing Brent, ay magaling itong magluto, at magaling itong magbake. Isang magaling na Chef, at hindi magpapahuli pagdating sa mga negosyo. Sa sobrang busy nito sa negosyo ay nakalimutan na ata niyang maghanap ng mapapangasawa.