Flashback- 4
ASTRID POV :
It was almost 2 oclock in the morning,
pero hindi parin ako makatulog. Naiisip ko parin si Lance. Hindi man lang niya ako kinausap, kahit isang tingin man lang sana pero wala.
Parang hindi niya ako nakikita, pagkatapos naming maghapunan ay kaagad itong nagpaalam kay Lola na lalabas kasama sina Nick at ang buong tropa. Magba bar hopping daw ang mga ito. Naisipan kong bumaba para sana uminom ng gatas, nasa kusina na ako nang makarinig ako huni ng sasakyan.
Sino kaya ang dumating sa ganitong oras? Lumabas ako para tingnan kung sino ang dumating, nang makita ko si Lance na pababa ng kanyang sasakyan at pasuray- suray pa ito kung maglakad.
Nakainom ba siya? Tutulungan ko na nga at baka kung saan pa masubsob.
Sayang naman ang gwapo nitong mukha kung sakali. Nilapitan ko ito para matulugan, iginiya ko siya papasok ng sala. Iniakbay ko ang braso nito sa aking balikat.
"Hey! It's you again Miss Mendez, seriously you'll gonna help me? Kaya mo ba ako?" napapasinok pa ito habang nagsasalita. "At dito ka narin pala nakatira sa amin ngayon hmm?"
"Huwag kang magpabigat! Nahihirapan ako sayo ano ba!"
"At sino ba kasing nagsabi na tulungan mo ako? Kaya ko naman ah! Let go of me! Kaya ko to!"
"Ang hirap sayo, nagmamagaling ka! Akala mo kaya mo ang lahat. Wala ka paring pinagbago Mr. Saavedra, masyado kang mahangin!" inis na inis kong sabi sa kanya.
"At Ikaw! Wala ka paring pinagbago. Masungit ka parin, kaya tatanda kang dalaga dahil diyan sa ugali mo. Kung sa bagay sinong magkakagusto sayo, hindi ka naman kagandahan!" sabay tawa pa nito sa akin.
Naningkit ang aking mga mata sa kanyang sinabi.
"Hindi daw kagandahan! Akala mo naman kung sinong gwapo. n***o naman!"
"Aba-aba, inuubos mo ang pasensya ko! Kung hindi ako kagandahan bakit patay na patay sa akin ang kaibigan mo. Hoy lalake! Maraming nagkakagusto sa akin baka akala mo. Kaya malayong yang sinasabi mo! Ikaw ilang taon kana ba? Matanda ka na hoy!"
"At sino namang bulag na lalake ang magkakagusto sayo aber?"
"Ma- marami diyan! Tulad ni Brent, na kaibigan mo. Malapit ko na siyang sagutin!" seryosong sabi ko naman, pero syempre kunwari lang yon.
Natahimik ang loko, hindi na siya nakaimik.
"Tsk.tsk. Ang tigas ng ulo mo! Bahala ka diyan!" bigla ko siyang binitawan at natumba siya sa sahig.
"Ano ba! Bakit mo ako binitawan? You are so harshed Miss Mendez!"
"Ngayon ano, kasalan ko? Sabi mo bitawan kita. Sumusunod lang naman ako!" nang mapansin kong nakangiwi ito, nasaktan ata ang loko! Muli ko siyang nilapitan at dinaluhan. Tinulungan ko siyang makatayo, at inalalayan ko siya papunta ng sofa.
Naiibang Lance ang kaharap ko ngayon,
lalo siyang nag matured.
Ngayon ko lang ito natitigan ng malapitan, ang matangos nitong ilong, mga matang magaganda na tila nangungusap. At mapupulang mga labi na tila ba kay sarap halikan.
Napapalunok na lang ako sa tuwing magtatama ang aming mga paningin.
Kakaiba ang nararamdaman ko ngayon na para bang may mga nag-uunahan sa loob ng aking tiyan.
Sobra din ang t***k ng aking puso,
sa tuwing magkakadikit ang aming mga balat.
At may kung anong bolta-boltaheng kuryente ang dumadaloy sa aking kaibuturan.
Inakay ko siya papunta ng sofa
akmang ihihiga ko na sya sa mahabang sofa nang pati ako ay nawalan ng balanse. Napasubsob ako sa matigas nitong dibdib, at hindi ko akalain na dito pa talaga ako madadapa.
Ang sarap lang sa pakiramdam, at kahit nakainom ay sobrang bango parin niya. Na tila ba nakaka- adict sa ilong.
"Oh my gosh! Heto na naman siya,bakit ba ako nagkakaganito? Ang sarap ng feeling ng nakahiga sa dibdib niya!
Astrid ang harot-harot mo!"
Sigaw ng isip ko.
"If you're feeling comfortable in it, just go on baby!" At sabay ngiti pa ito ng nakakaloko.
Dali-dali akong bumangon pero hinila nya ako pabalik sa kanya.
Nagtama ang aming mga labi, nanlaki ang aking mga mata.
My God! He kissed me, my ever first kiss. Wala na, nakuha na niya. Ang sarap ng labi niya, kakaiba, matamis, at malambot. Amoy na amoy ko
ang alak na ininom niya, pero sobrang bango parin niya.
Namilog ang aking mga mata, sa nangyari, nakatulala na lang ako at para na akong napako.
Parang nawalan ako ng lakas,
di na ako makagalaw.
"Ano ba itong nararamdaman ko!? "
"Did you liked it?" Tanong ni Lance sabay tawa ng nakakaloko."Heheheh!"
At dito palang ako natauhan,
bumangon ako at sabay sampal sa kanya. Nagulat pa siya sa aking ginawa.
"Bastos! Ikaw na nga itong tinutulungan, nanakawan mo pa ako ng halik, tse! Diyan kana nga n***o!" walang lingong sabi ko sabay talikod ko dito. Napatigil ako sa paglalakad
"Miss Mendez,wait! Ikaw nga itong basta nanghahalik na lang diyan eh! Heheh. Ikaw ang lumapit sa akin, tapos ako pa ang may kasalanan ngayon!"
Narinig ko pang sabi niya sabay tawa ng malulutong.
"Ang kapal mo, yabang! Bahala ka sa buhay mo, tse!" Sabay talikod ko sa kanya. Kung sabagay may point naman siya, kung hindi sana ako lumapit sa kanya ay walang kiss na mangyayari.
Concerned lang naman ako sa kanya
mali bang tumulong?
"Hmmppp!"
"Hihihih.. Aminin mo Astrid, kinikilig ka! Kinikilig ba ako? Hay, makatulog na nga! Kung anu-ano na pumapasok sa isip mo girl, hindi ka type nun. Mga sundalo maraming babae, mga babaero ang mga iyan. Haissttt!"
Sa tagal niya sa serbisyo, imposibleng walang naging babae ang loko.
Siguro sa lahat ng lugar na mapuntahan nito ay may babae siya. Baka nga nagkalat na ng lahi ang negrong iyon.
Praning na nga ako, kung anu-ano na naiisip ko ng dahil lang sa isang kiss.
Kahit na, ninakaw parin niya ang first kiss ko! Na inilaan ko sa taong mamahalin ko. OA na kung OA, basta para sa akin ang first kiss ko ay sobrang mahalaga. Walang pwedeng magnakaw nun, pero anong magagawa ko nangyari na, ninakaw na ni Lance ang tamis ng aking unang halik.
"Charrr!"
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
Continuation on the next chapter