A/N: raw chapter * * * WILBERT POV Umikot ang paningin ko nang idilat ko ang mata ko. Natagpuan ko ang sarili ko na nakasandal sa pader, ang damit ko puno ng dugo. “Ang dungis ko na.” Ilang sandali lang, hindi ko mapigilang mangiti sa mga nangyayari. a** Nagawa niyang makatakas, kahit hawak ko na siya. Ginagawa niya talagang mahirap ang lahat sa akin, ang batang iyon. Hanggat nakasipsip parin siya kay Steven na parang linta, hindi ko magagawa ang mga plano ko. Hindi kalayuan, nakita ko ang isa sa mga alaga ko— Ang dahilan kung bakit nakatakas ang isa sa mga espesyal kong alaga. Hindi ko mapigilang mangiti, “Ha.. haha— hahhahahah.. isa ka din pala sa mga inutil na kilala ko— Pero nakakamangha, napabagsak mo mga alaga ko.” Nagawa niyang makatakas sa red room, at ngayon pinakawalan ni

