A/N: raw update * * * ISKO POV Flashback Hindi ko alam kung paano ko sila nakilala. Napansin ko nalang na may mga tao nang nakadikit sa akin at nagsimulang kumausap. Wala naman akong pakielam sa kanila dahil darating din ang araw— mawawala din sila sa tabi ko tulad ng mga magulang ko. Kaya nanatili akong tahimik. Nabigla ako nang may humawak sa balikat ko, “Isko! Anong ginagawa mo d'yan?” tanong niya. Ugh, nakakainis. Palagi n'ya ako tinawag na Isko. Hindi isko pangalan ko. Gusto ko sabihin iyon, pero hindi ako kumibo. Umupo siya sa tabi ko at saka umakbay, “Wag ka tumambay dito sa bangin, delekado baka malaglag ka.” hindi ko siya nilingon, nakatingin lang ako sa malayo, “Hindi kaba natatakot na mahulog?” tanong niya ulit. Tumingin ako sa ibaba ng inuupuan ko ng bato. Sa totoo

