ISKO POV Flashback Matapos nang usapan namin ni Wendel, hindi na siya muli nagparamdam. Hindi ko na rin siya nakikita sa school, maski sa classroom niya. Kinausap ko din sa Monica tungkol sa kanya pero wala din siyang maigay na sagot sa akin. Gusto ko siyang kausapin ng masinsinan, na kaming dalawa lang. Para malinaw ang pagitan naming dalawa at matahimik na ang isipan ko sa kakaisip sa kanya. Lalong nadagdagan nang may problemang dumating sa akin. Pauwi na sana ako sa apartment ko mula sa school nang nakapanood ako ng balita sa TV. Nalaman ko nalang na nasunog ang bahay ng mga tyuhin ko at mga pamilya niya. Kasama silang natupok sa bahay. Nangpuntahan ko ang lugar nila— wala natira ni isa. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Habang nakatingin sa bangkay nila dumaan sa ha

