A/N: raw chapter. * * * ISKO POV Hanggang ngayon na nanariwa sa alaala ko ang mga nangyari ng gabing iyon. Kung paano ako nagpadala sa paligid ko, kung paano ko unti-unting sirain ang pinangarap kong pamilya. Ahh, hindi ito ang gusto ko mangyari. Nagising diwa ko nang masinagan ako ng liwanag sa muka. Nang matauhan ako, hinanap ko ang gamot ko sa bag, hindi ko na makita. “Pambihira..” Hindi ko na nga makita ang gamot ko, nakita ko na naman ang imahe ni Wendel. Nakaupo sa tabi ko. Mas malinaw na imahe kumpara dati. Lumingon ako sa kanya, “Kailan ka ba titigil? Minsan nakakasawa din na palagi kitang nakikita sa panaginip ko, pati ba naman pag gising ako?” Napabugtong hininga siya, “Napakainit naman ng ulo mo Isko. Ako nga dapat magtanong, anong ginagawa mo dito?” ngayon binalik niy

