Chapter Five

2448 Words
Third Person's POV Hindi mapakali si Red habang nakaupo sa loob ng isang mamahaling restaurant. Ramdam niya ang paninikip ng kanyang dibdib habang mahigpit na nakakapit ang mga kamay sa laylayan ng kanyang dress. Paano ba naman kasi, ngayon niya unang makikilala ang mga magulang ni Perseus—at hindi lang basta ordinaryong pagkikita. Nagmadali pa ang mga ito umuwi mula Rotterdam para lang makita siya. Para bang isang malaking deal ito sa kanila, habang siya naman ay walang kahit anong oras para mapaghandaan ang lahat. Gusto niyang kutusan si Perseus sa inis. Hindi man lang siya nito binigyan ng sapat na panahon para maghanda, mag-isip, at pag-aralan kung paano magiging maayos ang kanilang unang pagkikita. Sinipat niya ang suot niyang relo—alas sais y media pa lang, pero alas siyete ang usapan nila. Siya mismo ang nagsabi kay Perseus na dapat ay maaga silang dumating, pero ngayon, siya itong naiipit sa kaba at pagkainip. Suot niya ang isang dark blue na dress na perpektong bumagay sa korte ng kanyang katawan, pinaresan niya ito ng stilettos na may parehong kulay. Bagaman elegante ang kanyang itsura, hindi niya maiwasang isipin kung ito ba ang tamang outfit para sa ganitong okasyon. Kung sinabi lang ni Perseus nang mas maaga ang tungkol sa dinner na ito, baka mas naihanda niya ang sarili—baka mas nakapili siya ng mas angkop na damit, baka nakapag-research pa siya tungkol sa mga magulang nito, baka kahit papaano ay naihanda niya ang kanyang utak at emosyon. Pero hindi—kanina lang siya sinabihan nito, na para bang wala lang sa kanya ang bigat ng sandaling ito. Kinuha niya ang cellphone mula sa kanyang purse at binuksan ang camera. Saglit niyang pinagmasdan ang kanyang mukha sa screen, sinusuri kung ayos ba ang kanyang makeup, kung maayos ba ang bagsak ng kanyang buhok, kung hindi ba halata sa mukha niya ang kaba na unti-unting kumakain sa kanya. Hindi niya mawari kung ano ang eksaktong nararamdaman niya—kinakabahan? Na-e-excite? Natatakot? O baka halo-halo na ang lahat ng emosyon, pinagsama-sama at pilit niyang tinatago sa likod ng mahinahong ekspresyon. Naputol ang kanyang pag-iisip nang biglang magsalita si Perseus. "Calm down, love. You look beautiful," saad nito, sabay kindat na para bang wala siyang ibang dapat ipag-alala. Ramdam ni Red ang pag-init ng kanyang mukha, pero hindi niya hinayaang mahalata ito ni Perseus. Ayaw niyang bigyan ito ng satisfaction na makita siyang naiilang. Tumikhim siya, inirapan ang lalaki, at umiling. Sa ilang araw nilang magkasama, natutunan na niyang tanggapin ang pagiging diretsahan nito—walang preno kung magsalita, parang laging sinasabi ang nasa isip niya. Pero may mga pagkakataong—kahit bihira—napipigilan naman nito ang sarili. "Tumigil ka nga," iritadong sabi niya habang pinipilit na panatilihing matatag ang kanyang tono. "Kasalanan mo kung bakit hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Kung hindi ka sumulpot sa buhay ko—" Pero hindi niya naituloy ang sasabihin. "Kung hindi ako sumulpot, malamang napahiya ka na sa harapan nila Cassandra," mabilis na putol ni Perseus sa kanya. Napakurap siya, hindi agad nakasagot. Saglit siyang natigilan, habang unti-unting sumingit sa isip niya ang bigat ng sinabi nito. Napaawang ang kanyang labi, pero walang lumabas na salita. Perseus, as always, had a way of shutting her up. May punto naman si Perseus, pero hindi niya inasahan na ganito ang magiging takbo ng lahat matapos siyang tulungan nito. Akala niya, bukal sa loob ng lalaki ang pagtulong—walang hinihintay na kapalit. Pero sino nga ba ang niloloko niya? Sa panahon ngayon, bihira na lang ang taong gagawa ng isang bagay para sa iba nang walang hinihinging kapalit. "Tsaka, you can back out naman if you don't want this wedding," dagdag pa ni Perseus, na para bang wala lang ang bigat ng sitwasyon. Napairap siya. Kung ganoon lang kadali, matagal na niyang ginawa. "As if may choice pa ako!" iritadong bulyaw niya. "Kahit gaano ko pa kagustong umatras, kung abnormal ka, wala pa ring silbi!" Sa halip na matauhan, tila ba lalo pang naaliw si Perseus sa inis niya. "Oh, come on, love," sabi nito, kasabay ng isang ngiting alam niyang sadya nitong ginagamit para asarin siya. "Love, my ass!" irap niya rito, sabay iling sa frustration. Pero imbes na patulan ang galit niya, nagawa pang gawing biro ni Perseus ang sinabi niya. "Yes, I love your ass," sagot nito, habang nakangisi at may kung anong ningning sa mata. "So tempting. I'm imagining how soft it is and what it would look like after I spanked that delectable ass of yours." Hindi pa nakuntento—nagtaas-baba pa ito ng kilay, tila ba lalo pang gustong paglaruan ang inis niya. Confirmed! Talagang iniinis lang siya nito. Bumuntong-hininga siya, pilit na pinapakalma ang sarili. Napakabastos talaga ng lalaking ito! Hindi na siya nagtataka kung paano nito nagagawang banggitin ang kahit anong nasa isip nito nang walang pag-aalinlangan. Pero kung akala nito ay magpapatalo siya, nagkakamali ito. Napatingin siya kay Perseus, at sakto naman—nakatingin din ito sa kanya, nakangiti pa rin na parang isang lalaking walang balak tumigil sa pang-aasar. Ngunit sa halip na mairita, biglang sumilay ang isang pilyang ngiti sa kanyang labi. May naisip siyang pang-rebat. At sa pagkakataong ito, siya naman ang mang-aasar. "Ga..." mahina niyang sabi, sabay aktong nasasaktan at marahang sinapo ang kaliwang bahagi ng dibdib niya. Kitang-kita niya kung paano agad kumunot ang noo ni Perseus, bakas sa mukha nito ang pag-aalala. "What's happening to you?" mabilis na tanong nito, halatang seryoso. Napangisi si Red bago siya umayos ng upo. "Gago," diretsong sagot niya, sabay pilantik ng kanyang buhok na parang wala lang. Napabuka ang bibig ni Perseus, hindi makapaniwala sa narinig. All his life, ngayon lang siya naka-encounter ng isang babaeng ganito siya tratuhin. Sanay siyang purihin, sambahin, at habulin ng kababaihan—lahat sila nagpipilit makuha ang atensyon niya. Pero si Red? Iba. Siya lang ang unang babaeng walang pakialam sa kanyang kasikatan, inirapan siya, binabara siya, at higit sa lahat, sinampal pa siya. Well, Red was different. Gaya ng pangalan niya, siya ay mabangis, matapang, at hindi basta-basta. Higit sa lahat, sexy. Napailing si Perseus sa sariling iniisip. He could not wait for their honeymoon to come. Gustong-gusto niyang makita kung paano kakayanin ni Red ang sarap na ipaparanas niya rito—at siyempre, gusto rin niyang marinig ang mga ungol nito. "Hoy, ano na naman ang iniisip mo?" singhal ni Red, na agad bumalikwas mula sa upuan at nilingon siya nang may nanunuyang ekspresyon. "I'm thinking of us," sagot ni Perseus na parang wala lang. "On the bed, fucking." Halos lumuwa ang mata ni Red sa narinig. "You farty butthole! Ang bastos mo talaga!" sigaw niya, sabay tingin sa paligid para siguraduhin kung may nakarinig sa kanila. "Tsk," tutol ni Perseus, bahagyang umiling. "As if we're not going to f**k. Besides, gusto kong magka-anak para may tagapagmana na ako," dagdag niya, na para bang nagdedeklara lang ng weather forecast. Red let out a frustrated groan. Swear, magdadala na talaga siya ng packaging tape sa susunod nilang pagkikita. Paano na lang niya ito pakikisamahan? Siguradong mag-aaway sila araw-araw. Hindi nga sila kasal pero naririndi na siya sa bastos nitong bibig—paano pa kaya kapag magkasama na sila sa iisang bahay? Hindi niya alam kung paano siya mabubuhay na kasama ang isang Perseus sa buhay niya. Pero isa lang ang sigurado niya sa ngayon—mababaliw siya rito. "Nandito na sila, Mom at Dad," anunsyo ni Perseus, kaya agad siyang napalingon sa entrance ng restaurant. Mabilis ang naging reaksyon ng kanyang katawan—agad bumilis ang t***k ng puso niya, at parang nanigas ang kanyang mga paa sa kaba. Nakita niyang unti-unti nang lumalapit ang magulang ni Perseus sa kanilang mesa. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin. Dapat ba siyang ngumiti? Dapat ba siyang manatili sa kanyang kinauupuan? Pero bago pa siya tuluyang lamunin ng kaba, pilit niyang pinakalma ang sarili. Maya-maya pa, she vigilantly stood up para salubungin ang mga ito, forcing herself to wear her most beautiful smile. She took a deep breath. Here it goes. "Mom, Dad!" Masayang bati ni Perseus habang mabilis na lumapit sa dalawa. Humalik siya sa kanyang ina at niyakap naman ang kanyang ama. Halatang close silang tatlo, at kahit papaano, nabawasan ang kaba ni Red sa nakikitang mainit na pagsalubong ng pamilya nito. Pero bago pa siya tuluyang makampante, naramdaman niya ang braso ni Perseus na mahigpit na umangkla sa kanyang baywang. Napalapit siya rito ng hindi inaasahan, dahilan para dumaloy ang kakaibang init sa kanyang katawan. Damn it! Hindi siya handa sa biglaang paghapit ni Perseus. Para siyang nakuryente. "Mom, Dad, this is Red, my wife-to-be. Red, these are my parents—my mom, Via, and my dad, Hector." Pormal na pakilala ni Perseus habang nanatiling mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanya. She beamed at his parents, masking the nervousness she still felt. "Good evening po. It's a pleasure to finally meet the parents of my fiancé," malugod niyang bati, pilit na pinapanatili ang kanyang confident composure. Nginitian siya ng mag-asawa, at sa puntong iyon, unti-unting nawala ang kaba sa kanyang dibdib. Akala niya kasi, mahigpit at matataray ang mga ito, pero nagkamali siya. They were warm, welcoming, and honestly, quite adorable—lalo na ang mommy ni Perseus. Maya-maya, lumapit ang mommy at daddy ni Perseus sa kanya at magiliw na humalik sa kanyang pisngi. "You are such a fine young lady," saad ng mommy ni Perseus, kaya naman agad niyang naramdaman ang pag-iinit ng kanyang pisngi. "And beautiful too. Magaling talaga pumili ang anak ko," dagdag naman ng daddy ni Perseus habang tinatapik ang binata sa balikat nito. Napangisi si Perseus sa papuri ng kanyang ama. "Ako pa ba, Dad," sagot nito, bago tumawa nang bahagya. Pasimple siyang lumingon kay Perseus at mabilis itong kinurot sa bewang bilang ganti sa pagiging mayabang nito. Pero imbes na magreklamo, tila ba lalo pa itong natuwa at nagpatuloy lang sa pagngiti. "Come, let's have a seat," aya ni Perseus, kaya naman sabay-sabay silang umupo upang simulan ang kanilang gabing puno ng bagong alaala. Napairap siya sa isip niya nang maramdaman niyang hinila ni Perseus ang upuan para sa kanya. Hmp! Plastic. Kung hindi lang siguro kaharap nila ang mga magulang nito ngayon, hindi niya aasahang magiging gentleman ito at ipaghihila siya ng upuan. Napilitan siyang umupo, pero hindi niya napigilang magtaas ng kilay habang nakatingin kay Perseus. Wow, talaga lang ha? "What do you want to eat, love?" malambing na tanong nito sa kanya. Napakurap siya. Excuse me? Love?! Wow. Hindi niya alam na may hidden talent pala si Perseus sa pag-arte. Kung may award para sa Best Actor, panigurado—ito na ang nanalo. Bravo! Ang sarap bigwasan. Pero dahil may audience sila, she had to play along. "Anything will do, love," sagot niya, pilit na pinapalambot ang tono ng kanyang boses. Napapikit siya sandali. Yuck. Gusto niyang masuka sa sarili niyang sinabi. Hindi na lang siya tumingin kay Perseus, baka lalo lang siya mairita sa kunot-nungong itsura nito na parang natutuwa sa panggigigil niya. "Alright," sagot ni Perseus bago nagtaas ng kamay para makuha ang atensyon ng waiter at nagsimulang mag-order para sa kanilang dalawa. Pagkatapos nilang umorder, biglang nagsalita ang daddy ni Perseus, dahilan para mapunta ang atensyon nila rito. "I'm so glad na anak pala ni Damon at Lavender ang mapapangasawa nitong anak namin," masayang saad ng ama ni Perseus. Nagulat si Red sa narinig. Wait, what? "Uhm, kilala niyo na po ang parents ko?" tanong niya, hindi maitago ang pagtataka sa kanyang boses. "Yes, iha. College buddies kami ng daddy mo. Hindi niya ba iyon nabanggit sa'yo?" sagot ng daddy ni Perseus, sabay arte na parang nasaktan. "Ouch!" Natatawa siyang napailing. Mukhang may pagka-dramatic pala ang tatay ni Perseus. Napatigil ito nang biglang sumabat ang mommy ni Perseus at sinaway ang asawa nito. Agad na tumahimik ang lalaki, parang batang napagsabihan. Red bit her lip to hide her smile. Under sa misis. Cute! Napangiti siya sa isip niya. Hmm... mukhang maganda 'tong idea. Balak niya ring gawing under si Perseus kapag mag-asawa na sila. Pero knowing him? Mukhang mahihirapan siya. Baka nga siya pa ang maging under sa pasaway at sobrang lakas ng loob na lalaking ito. Challenge accepted. Habang abala siya sa pag-iisip kung paano niya matitiis ang buong hapunang ito, biglang nagtanong ang mommy ni Perseus, dahilan para mapalingon siya rito. "So, iha, saan kayo nagkakilala nitong anak ko?" tanong ng ginang, may halong interes at kislap sa mga mata. Napakagat-labi si Red. Oh, crap. Hindi niya alam kung anong isasagot. Hindi naman niya pwedeng sabihin ang totoo na napasubo lang siya sa sitwasyon at wala siyang choice kundi tanggapin ang kasal na ito. Ito na ang sinabi niya kay Perseus na dapat pinaghandaan muna nilang dalawa ang pagkikitang ito. Pero syempre, hindi siya magpapatinag. Nag-angat siya ng tingin, ngumiti nang matamis, at buong gilas na nagkwento. "Nagkakilala po kami dahil ako po iyong personal na umasikaso sa sinuot niyang suit noong um-attend siya sa birthday ng kaibigan niya." Napansin niyang bahagyang nagtaas ng kilay si Perseus. Nice. Hindi mo rin alam 'tong version ng story natin, 'no? "After that po," patuloy niya habang kinikindatan ang binata sa isip niya, "araw-araw niya na akong pinupuntahan sa opisina ko at nagpapadala lagi ng bulaklak at chocolates." She heard a sharp intake of breath. Lihim siyang napangiti nang makita ang bahagyang pagkakakunot ng noo ni Perseus. Pero hindi pa tapos ang palabas niya. "Kung alam niyo lang po kung paano niya ako paki-usapan na sagutin siya. Halos araw-araw po, nasa bahay din siya at nililigawan si Mommy at Daddy para makuha niya ang mga loob nito." Oh, God. Gusto niyang palakpakan ang sarili sa flawless na pagsisinungaling niya. Kung meron mang award para sa Best Actress, panigurado—panalo siya. Dahan-dahan niyang ibinaling ang tingin kay Perseus at ayun na nga. Nakasimangot ito, halatang hindi makapaniwala sa mga pinagsasasabi niya. HA! Karma's real, asshole. Sa gilid ng mata niya, nakita niyang mukhang namangha ang mommy at daddy ni Perseus sa mga kwento niya. Hindi sila makapaniwal sa ginawa ng anak nila upang mapasagot si Red. Natural, wala sa bokabularyo ni Perseus ang ganitong mga klase ng bagay—bulaklak, chocolates, panunuyo—so she wasn't surprised na nagmukha itong matinong manliligaw sa harapan ng mga magulang nito. She nearly burst into laughter. Kung pwede lang talaga siyang humagalpak! Pero syempre, kailangan niyang panindigan ang palabas. Ngumiti siya kay Perseus nang ubod ng tamis—isang ngiti na sigurado siyang gustong burahin nito mula sa kanyang mukha. "Right, love?" tanong niya rito, halos may panunuksong tono. She could see the murder in his eyes. Serves you right, asshole.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD