Chapter Four

3603 Words
Third Person's POV Naalimpungatan si Red mula sa mahimbing niyang pagkakatulog nang marinig ang paulit-ulit na tunog ng doorbell. Napahilot siya sa sentido at inis na ibinaon ang mukha sa unan, pilit hinahanap ang kahit kaunting oras pa ng pahinga. Pero hindi pa rin tumitigil ang pangungulit ng nasa labas. She groaned, feeling utterly exhausted, at tamad na bumangon mula sa malambot niyang kama. Habang nakapikit pa rin ang mga mata, umupo siya nang dahan-dahan, sabay simangot. "Sinong walang hiya ang ang aga-aga eh ganito katindi ang doorbell marathon?" bulong niya sa sarili, ramdam ang pikon sa boses niya. Diyos ko, gusto ko lang naman ng tulog. Late na siyang nakatulog kagabi dahil tinapos niya ang pagre-review ng mga designs na ipinasa ng mga empleyado niya. Perfectionist siya—walang pwedeng dumaan sa approval niya nang hindi perpekto. Hindi ito simpleng trabaho para sa kanya; ito ang buhay niya. Hindi naman kasi pwede na basta na lang gawing realidad ang isang sketch. Kailangan pang dumaan sa masusing pagsusuri bago mabigyan ng go-signal ni Dana para sa production team. At dahil sa pagiging workaholic niya, ilang araw na siyang walang matinong tulog. Kung andito lang ang parents niya sa bahay, siguradong isang oras na sermon na naman ang matatanggap niya tungkol sa pagpapanatili ng healthy lifestyle. Pero wala siya sa mood makinig sa mga payo ngayon. Ang gusto niya lang ay ang makabalik sa kama. Habang patuloy ang sunod-sunod na doorbell, napansin niya ang pagbigat ng pakiramdam ng likod niya. s**t, parang kailangan ko na yata ng bagong spinal cord. Pakiramdam niya ay kinuyog siya ng isang linggong pagod—isang direktang resulta ng magdamag na pag-upo sa harap ng laptop, sinusuri ang bawat detalye ng kanilang mga upcoming designs. Kailangan niya na rin mag-set ng appointment sa kanyang doktor. Alam niyang dapat siyang uminom ng prescription meds para sa insomnia niya, pero sino ba ang may oras para doon? Mas tumindi ang pagkainis niya nang magpatuloy ang doorbell. "Bwesit! Sino ba 'to?!" asar niyang bulong, pilit na pinapakalma ang sarili pero nasa dulo na ng pasensya niya. Napipilitan siyang bumangon nang buong bigat ng katawan. She was exhausted, cranky, and not in the mood for surprises. Mabilis niyang dinampot ang bra at sinuot ito, sabay hawi ng mahaba niyang buhok. Hindi na siya nag-abala pang mag-ayos—wala siyang lakas para sa vanity ngayon. Sino man 'tong istorbo sa umaga, dapat lang may napakalaking rason kung bakit ako ginising. Galit na galit na siyang naglakad papunta sa pintuan, halos nasusunog na sa inis ang kaluluwa niya dahil hindi talaga tumitigil ang pagdo-doorbell. Dahil sa bugso ng init ng ulo niya, binilisan niya ang hakbang at agad binuksan ang pinto. "Putangina, sandali lang—!" Bago pa niya matapos ang pangungusap, halos lumuwa ang eyeballs niya sa gulat. Ang kaninang galit ay biglang napalitan ng sheer panic. Dahil sa harapan niya ngayon ay nakatayo ang dalawang taong hindi niya inasahang dadalaw sa kanya nang ganito kaaga. Her mom and dad. "My! Dy!" gulat niyang saad, kasabay ng mabilis na pagtakip sa bibig niya. Kitang-kita sa mukha ng kanyang mga magulang ang pagkaasim ng kanilang ekspresyon habang nakatitig sa kanya, tila nag-aanalisa sa itsura niya. She swallowed hard. Diyos ko, bakit ngayon pa sila dumating? Napakagat siya sa kanyang pang-ibabang labi at pasimpleng inayos ang suot niyang oversized na pang-itaas, pilit na tinatakpan ang obvious na kakabangon niya lang mula sa tulog. Pinakatitigan siya ng kanyang daddy, tapos ay matalim na umiling. "Ang aga-aga nagmumura ka na, sana hindi mo madala 'yan sa pag-aasawa mo." Napangiwi siya. Patay. Napakamot siya sa batok, pinilit ngumiti kahit na halatang hilaw. Damn, paano ko nga ba palulusutin 'to? Dahan-dahan niyang nilapitan ang kanyang daddy at mabilis itong hinalikan sa pisngi, nagbabakasakaling malambot ang puso nito ngayong umaga. "Sorry po, daddy," malambing niyang sabi, umaasang mapapalampas nito ang kanyang katarantaduhan. Hindi pa man siya nakakahinga nang maluwag, sumali na sa eksena ang mommy niya. "What are you doing these past few days, Red?" may halong pag-aalalang tanong nito habang tinitingnan siya mula ulo hanggang paa. Bago pa siya makasagot, napansin nito ang sobrang kapal niyang eyebags. "Have you seen yourself in the mirror? Halatang-halata ang eyebags mo." Napailing ito, sabay hinga nang malalim. Sa halip na sumagot agad, napalingon siya sa kanyang reflection sa malaking salamin malapit sa pintuan. At ngayon lang siya natauhan kung gaano nga siya kapangit tignan. Nakabagsak ang buhok niya, may kaunting crease pa ang pisngi niya mula sa unan, at ang dark circles sa ilalim ng mata niya ay mas malala pa sa panda. Okay, fine. May point si mommy. Pero hindi ibig sabihin na aaminin niya ito. Napangiti siya nang pilit, sabay akbay sa kanyang ina. "Busy lang po sa work, mommy. Come in," sagot niya, tinutulak na papasok ang kanyang parents bago pa sila makapagbigay ng mas mahaba pang sermon. Tahimik na sumunod ang kanyang mga magulang sa loob ng condo. May kung anong kaba ang gumapang sa kanyang dibdib—hindi pangkaraniwan ang pagbisita ng mga ito, lalo na nang hindi nagpaparamdam. At higit sa lahat, hindi sila basta-basta dumarating nang alas otso ng umaga. Para bang may nagawa siyang kasalanan. O baka may nangyari. Nagpilit siya ng mahinahong ngiti. "Upo po muna kayo. What can I offer? A coffee, maybe?" Tanong niya, sabay tayo upang pumunta sa kusina. Ngunit bago pa siya makalayo, sumagot ang kanyang ama. "Don't bother, hija. Just sit. We need to ask you something." Nagtama ang kanilang mga mata. May kung anong seryoso sa tinig ng kanyang ama, kaya kahit naguguluhan ay sumunod siya at umupo sa harapan nila. "Why didn't you tell us that you're getting married?" Malamig at diretsong tanong ng kanyang ama. Napalunok siya. Married? Halos hindi niya namalayang napanganga siya sa sobrang pagkagulat. Nagbibiro ba sila? Wala nga siyang boyfriend, tapos bigla siyang ikakasal? Kahibangan! Gusto niyang tumawa, pero nang makita ang seryosong mukha ng kanyang ama, pinigilan niya ang sarili. "Wala ba kaming karapatan para malaman iyon, anak?" Mahinahon ngunit may bigat na tanong ng kanyang ina. Pinilig niya ang ulo, pilit inaalis ang kalituhan. Saan nanggaling ang balitang ito? Halos wala na nga siyang oras sa sarili, tapos ikakasal siya? "Are you kidding, Mom, Dad?" Napatawa siya. "Halos wala na nga akong time para sa sarili ko, tapos kasal? Saan niyo naman na-chismis 'yan?" "We are serious, young lady!" Nagtaas ng boses ang kanyang ama, at napaurong siya sa kanyang kinauupuan. Ngayon lang ulit siya nakarinig ng ganitong tono mula rito, at ang bigat nito ay dumagundong sa kanyang dibdib. Huminga siya nang malalim. Ano ba talaga ang nangyayari? "Dad, hindi po ako ikakasal. Sino ba naman ang nagsabi niyan sa inyo?" Kunot-noo niyang tanong, pilit na inuunawa kung saan nanggaling ang maling impormasyon. Pero sa isang iglap, bumalik sa kanyang isip ang nangyari noong isang araw. Halos manlamig ang kanyang katawan nang isang pangalan ang agad na sumagi sa kanyang isipan. Perseus. "Me." Isang pamilyar na boses ang umalingawngaw sa silid. Napalingon siya sa pinanggalingan ng tunog, at doon, nakita niya si Perseus—nakatayo, nakangiti, at may bahagyang pilyong ningning sa kanyang mga mata. Bahagya pang kinagat nito ang kanyang labi, tila kinikilig habang nakatingin sa kanya. Samantalang siya? Halos hindi alam ang gagawin. Nakasuot ito ng simpleng trouser, puting sapatos, at puting polo. Malayo sa itsura nitong gusgusin noong una silang nagkita. Ngayon, para bang mas lalo pang lumutang ang kagwapuhan nito sa kanyang paningin. "Missed me... love?" bulong nito, puno ng panunukso. Hindi agad nag-register sa kanyang utak ang nangyayari. Paano? Paano niya nalaman kung saan siya nakatira? Paano niya nakilala ang parents ko? Anong kasal!? Sunod-sunod ang bumabangong tanong sa kanyang isipan, pero wala siyang maisip na kahit isang sagot. Ang tanging lumabas sa kanyang bibig ay isang utal na, "P-paano?" Ngumiti si Perseus at unti-unting lumapit sa kanila. "Sorry, Mom, Dad, kung natagalan ako. I called my parents so they could be here as soon as possible. Nasa Rotterdam pa kasi sila," aniya, na para bang wala lang. Mom? Dad?! Napapitlag siya. Since when did they get that close?! Parang timang na sinundan ni Red ang kilos ni Perseus, pero kahit nakatutok siya rito, tila hindi nagre-register sa utak niya ang mga nangyayari. "Hey, love." At bago pa siya makaiwas, lumapat ang labi ni Perseus sa kanyang pisngi. Napalunok siya. Kailan pa siya lumapit nang ganito!? Kahit sinusundan niya ito ng tingin, hindi man lang niya namalayan na halos magkatabi na pala sila. Naamoy niya ang pabango nito—isang uri ng amoy na matagal nang nakakintal sa kanyang alaala. Nagulat siya nang bigla nitong pisilin ang kanyang ilong, dahilan upang bumalik siya sa huwisyo. "Bakit ka nandito? Anong kasal? Are you out of your mind!?" Histerikal na tanong niya, pilit pinoproseso ang sitwasyon. Ngunit sa halip na sumagot nang maayos, tumawa lang si Perseus. "Oh, love," aniya, sabay pisil sa kanyang pisngi. "You always forget about our upcoming wedding next week. Sinabi ko na sa'yo na huwag masyadong magpa-stress sa trabaho." Wait, what?! So, tinotoo talaga nito ang sinabi niya kay Cassandra?! Hindi makapaniwala si Red. Nangyayari ba talaga ito sa totoong buhay? Daan-daang katanungan ang bumangon sa kanyang isipan, at hindi niya alam kung alin ang uunahin niyang itanong. "What the fu—" "Red!" Naputol ang sasabihin niya nang awatin siya ng kanyang ina. Napatingin siya rito, ngunit hindi niya napigilan ang iritasyon. "Mom! Dad! Baliw ang lalaking 'to! Hindi ak—" Ngunit bago pa niya matapos ang kanyang reklamo, biglang sumingit si Perseus. "Love, calm down," aniya habang hinahagod ang kanyang likod, pagkatapos ay humarap ito sa kanyang mga magulang na tila isang perpektong manugang. "Sorry po for her behavior." "Oo nga, sana hindi na niya 'yan madala kapag kasal na kayo, hijo," sabat ng kanyang ama, tila natutuwa pa sa narinig. "Mas mabuti na rin 'yan, at least ikakasal na siya. Alam mo ba, minsan hindi mapakali ang mommy niya sa kakaisip kung kumakain ba siya nang maayos." Great! Red barely stopped herself from rolling her eyes. "Excuse me po, kailangan ko lang makausap si Perseus privately," madiin niyang sabi. Ngunit bago pa siya makatayo, agad na sumagot ang kanyang ina. "You can talk to him, hija, habang nandito kami. Para na rin malaman namin ang plano niyo sa wedding. Sasabihin ko pa ito mamaya sa kuya mo, tiyak akong magtatampo 'yon sa'yo." Halos mapatampal siya sa noo. Tama nga ang mommy niya—mag-aalburoto ang kuya niya kapag nalaman nito ang tungkol dito. Kahit hindi ito madalas makipag-usap sa kanya, lagi itong concern sa kanya. "Sandali lang ito, Mom," sagot niya, bago mabilis na hinila si Perseus papunta sa kanyang kwarto. Pagkapasok nila sa kwarto, agad niyang sinara ang pinto nang mariin, halos umalog ito sa biglaan niyang kilos. Binitiwan niya ang braso ni Perseus at hinarap ito nang matalim ang tingin, ang mga braso niya'y mahigpit na nakapulupot sa kanyang dibdib. Pinipigil niya ang sarili, sinisikap manatiling kalmado kahit na gusto na niyang pasabugin ang galit sa dibdib niya. Alam niyang soundproof ang kwarto, pero hindi pa rin siya kampante—ayaw niyang marinig ng mga magulang niya ang anumang sigaw o pagsabog ng emosyon niya. Samantalang si Perseus? Para bang walang nangyayari. Walang pakialam na naupo ito sa kama niya, hindi man lang nagpaalam. Para bang nasa sariling kwarto lang ito, parang ang natural ng kilos. "So soft," bulong nito, dinadama ang malambot na kutson. "Dito na lang kaya tayo mag-honeymoon?" dagdag pa nito, may kasamang mapanuksong ngiti. Para siyang pinasabugan ng bomba sa inis. Ang pagpipigil na kanina niya pa ginagawa ay tuluyang naputol. "ARE YOU f*****g OUT OF YOUR MIND!? THERE'S NO f*****g WEDDING NA MANGYAYARI! ARGGGHHHH!!!! f**k YOU!" Sigaw niya, walang pakialam kung sobrang lakas ng boses niya. Hindi man lang natinag si Perseus. Parang hindi niya narinig ang sigaw niya, ni hindi man lang ito nagulantang. "Stop cussing," kalmado nitong sabi, para bang siya pa ang mali sa sitwasyon. Nagpanting ang tenga niya. "You don't tell me what to do! I do!" bulyaw niya, sabay sipa nang mahina sa paa nito. Pero hindi man lang ito nag-react. Sa halip, hinubad nito ang trench coat at basta na lang inihagis sa gilid, saka humiga sa kama niya. Para bang pag-aari nito ang buong kwarto! "Tumayo ka nga riyan!" halos pasigaw niyang utos. Nagkibit-balikat lang si Perseus, saka siya tinapunan ng isang tingin. Isang tingin na nagpatindig ng balahibo niya. Iba ang titig nito—parang siya ang paboritong pagkain nitong gustong ubusin sa isang kagat. Para bang may kung anong pang-aakit sa malalim nitong tingin. Napalunok siya. Anong problema ng lalaking 'to!? "Pwede bang umupo ka nang maayos?" matalim niyang tanong, pilit na nilalabanan ang epekto ng titig nito. Pasimpleng tumawa si Perseus, pero sa huli'y sumunod din. Naupo ito, pero hindi pa rin nawawala ang mapang-asar nitong ngiti. "Ngayon," panimula niya, mariing pinindot ang sentido niya na para bang tinatanggal ang stress, "I want you to tell my parents na walang kasalang magaganap! Hindi kita kilala, ni hindi ko nga alam background mo! Tapos kasal!? I know I owe you something, pero sobra naman ata 'to! Gosh, I wish I was just dreaming!" Iwinagayway niya ang mga kamay sa hangin, na parang hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyayari. Bumuntong-hininga si Perseus bago tumayo. Lumapit ito sa kanya. "Keep your distance!" babala niya, pero hindi siya pinansin nito. Patuloy ito sa paglapit, at hindi siya umatras. Hindi siya magpapatalo rito. Matapang niya itong hinarap, kahit na nang yumuko ito upang magpantay ang mukha nila, pakiramdam niya'y parang nilulunod siya ng malalim nitong titig. "You can't back out, love," bulong nito, malambing ngunit may bahid ng determinasyon. "My people already disseminated the information. Napamigay na ang mga invitations. Church, reception, everything is set." Napaawang ang labi niya. Ano raw!? Was he joking!? Paano magagawa ang lahat ng iyon sa loob lamang ng ilang araw!? Ilang araw pa lang niya itong nakilala, at ngayon, sinasabi nitong lahat ng detalye ng kasal nila ay nakaplano na!? "I don't believe you!" halos mauntog na siya sa frustration. "Paano mo nagawa lahat ng 'yan!? Ilang araw pa lang tayo nagkakilala! Nahihibang ka na ba!? I don't even know you, and you don't know me as well! Can you stop this crazy act of yours already!? Stress na ako sa buhay ko, tapos dumagdag ka pa talaga!" galit niyang tugon, mahigpit ang mga kamay na nakadiin sa tagiliran niya. Pero sa halip na sagutin siya ni Perseus, unti-unting lumitaw ang pilyong ngiti nito. At doon niya naisip—baka hindi lang ito simpleng biro para sa kanya. Maybe... Perseus was dead serious about this. For a moment, silence stretched between them. Their eyes remained locked, a silent battle of wills unfolding in the space between them. "I'm a Montanari," wika ni Perseus, inayos ang pagkakatayo, at marahang dumistansya sa kanya. She scoffed, arms still crossed in defiance. "Anong pake ko kung Montanari ka? Anong mayroon sa apelyido mo? Ginto ba 'yan?" galit niyang tanong, hindi maitago ang iritasyon. "You guess," he replied simply, his tone unreadable. Her patience was wearing thin. "Are you even for real, Mr. Montanari?!" Pinilantik niya ang kanyang dila bago nagpatuloy, ang frustration niya ay ramdam sa bawat salitang binibitawan. "Why are you doing this? Hindi mo nga ako kilala, eh! Paano kung killer pala ako? Tarantado ka ba? Paano kung ikaw pala ang killer? See? Hindi man lang ba pumasok 'yang mga tanong na 'yan sa utak mo?!" She was grasping at anything that could make him realize how absurd this was. "I want you to cancel the wedding because I am not marrying you! This is truly absurd!" Her voice cracked slightly at the last part. Naiiyak na talaga siya. Who wouldn't be? This was beyond insane. Everything was happening too fast, too unpredictably. If only she had swallowed her pride that day—kung hindi lang siya nagpadala sa emosyon—baka wala siya sa sitwasyong ito ngayon. Pinagmasdan niya si Perseus, pilit binabasa ang ekspresyon nito. Sino ba talaga ang lalaking ito? Was he just insane? Or was there something deeper she didn't understand? Perseus let out a deep breath, his broad shoulders rising and falling before he finally spoke. "Okay, I'll cancel the wedding." Nag-freeze siya. For a moment, she thought she misheard him. Then, her heart did a flip. "REALLY!?" Her voice came out in a near squeal, eyes lighting up with a sudden burst of hope. "Yes," Perseus confirmed, but his tone remained calm—too calm. "But I am sure that there's a big possibility na madadawit ang kompanya ng parents mo." Napakurap siya. "Wait, what?" "You see, our upcoming wedding is already an issue now in the business industry." His voice was steady, calculated. "A lot of investors are already investing in your parents' company by now because my name has been linked to yours." He tilted his head slightly, as if assessing her reaction. "I know you know what I am talking about, Red, because you are also in the business world. If they find out na umatras ang anak ni Damon, I'm sure na ipu-pull out nila ang investment nila. Because in the first place, they are investing in your parents' company now dahil may koneksyon ito sa akin. And they see that as a way to eventually invest in my company as well. That is their ultimate goal." He sighed, rubbing his temple as if already anticipating her reaction. "What now?" Natameme siya. Her lips parted slightly, but no words came out. Her parents' company was at stake? How could she not have known? Ilang araw pa lang ang lumipas, pero parang isang buwan na ang bigat ng lahat. She had been so focused on how insane Perseus was that she didn't even consider how deeply his influence ran. This wasn't just about her anymore. It was about her family. Her parents. Her father's company. Napakuyom siya ng kamao, frustration and helplessness swirling inside her like a violent storm. "Why me?" Her voice was quiet this time. Broken. "Anong pumasok sa utak mo?" Perseus's gaze softened. "I don't have a girlfriend. And honestly, I'm not ready for one," he admitted. "Pero as you can see, we are getting older. And whether we like it or not, we need someone who will be with us until we get old." She let out a hollow laugh, shaking her head in disbelief. "So ano 'to ngayon? Trip mo lang akong pakasalan para may kasama ka hanggang tumanda ka?" Her voice cracked again, bitterness laced in her words. "Paano ako? Paano 'yong gusto ko?" The question hung in the air, heavier than before. Something in his face shifted. For the first time, hesitation flickered in his eyes. Guilt. Regret. "I'm sorry for dragging you into this situation, Red," Perseus murmured, stepping forward. She didn't stop the tears from falling this time. And he didn't stop himself from reaching for her. Niyakap siya nito nang mahigpit, para bang takot na takot siyang pakawalan. "Let me go!" Red sobbed, struggling against his grip. She pounded weakly against his chest, her small fists landing blow after blow, but Perseus remained unmoved. Hindi man lang siya natinag. Sa halip, mas lalo pa nitong hinigpitan ang yakap, para bang kung bibitawan siya nito, mawawala siya nang tuluyan. "Shhh," he murmured, his voice barely above a whisper. His hand found its way to her back, gently rubbing soothing circles, as if that alone could mend the storm raging inside her. Ilang minuto silang nanatili sa ganitong posisyon. Red's resistance slowly waned, her exhaustion catching up to her. She gave up the fight, her trembling body melting into his warmth. Pagod na pagod na siya. Wala na siyang lakas upang ipaglaban ang sarili. At sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, his embrace felt... safe. She buried her face into his chest, her tears soaking the fabric of his shirt. "What did I do to deserve this?" she whispered, her voice barely audible between her quiet sobs. Perseus's heartbeat thundered against her ear, steady and strong, a stark contrast to the chaos inside her. "You don't deserve this," he admitted softly. "But I can fix it. We can still cancel the wedding, Red." She let out a bitter laugh, pulling back just enough to look up at him. Her eyes were red and puffy, but they still held fire. "How the f**k can I agree with you to cancel the wedding when the situation went too far?" Perseus chuckled at her outburst, finally loosening his hold on her. He took a step back, amusement dancing in his dark eyes. "So... is that a yes?" he teased, a playful smirk tugging at his lips. Red blinked at him in disbelief. "Is that how you propose to a woman?" she shot back, still breathless from crying. Perseus's smirk deepened. He turned, reaching for his trench coat that lay forgotten on the bed. She watched in confusion as he pulled something from its pocket. Then, he stepped forward again—closer this time. "Take this ring, Red," he said, his voice lower now, more serious. He took her left hand in his, his thumb grazing over her knuckles with an unexpected gentleness. "I will do my very best to make you happy." Before she could react, he slid the ring onto her finger. Red gasped, eyes widening in shock. "I didn't say yes, stupid!" she snapped, instinctively pulling her hand back. But the ring was already there, glinting under the dim bedroom light. And Perseus? He was just standing there, grinning like he had already won.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD