Chapter Three

2837 Words
Red's POV Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Paano ba naman kasi, itong lalaking katabi ko kanina pa nilalaro ang mga daliri ko habang naghihintay kami sa in-order namin. s**t, kakakain ko lang ng lunch, tapos ngayon kakain na naman dahil nag-order sila ng desserts. Bumaling ako kay Perseus, na mukhang walang pakialam sa paligid. Akmang babawiin ko na ang kamay ko nang bigla niyang hinigpitan ang pagkakahawak. Sa halip na magpumiglas, hinayaan ko na lang—baka lalo lang niyang pigain ang kamay ko. Sa totoo lang, para kaming may relasyon dahil sa ginagawa niya, na parang matagal na kaming magkakilala. Parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko mula sa kamay niyang patuloy na naglalaro sa mga daliri ko. "So, kailan naging kayo?" tanong ni Cassandra kay Perseus. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nainis. Pwede namang ako na lang ang tanungin niya, pero bakit siya pa? Bumaling ako kay Perseus at pasimpleng kinurot siya sa ilalim ng mesa—senyales na dapat ayusin niya ang sagot niya kay Cassandra. "We've been together for a couple of months now," sagot niya, pero abala pa rin sa paglalaro ng mga daliri ko. Ina-align niya ito sa daliri niya kaya napatawa ako. "Oh really? Ang bilis mo naman naka-move on, Red. Last January lang kayo nag-break ni Darren—na siya ngang boyfriend ko na ngayon," sambit ni Cassandra. Proud pa siya, ha? Proud pa siyang inahasan niya ako. Napatingin si Perseus sa kanya sandali, pero agad ding ibinalik ang atensyon sa paglalaro sa mga daliri ko—na parang wala lang sa kanya ang sinabi ni Cassandra. Bakit nga ba siya maaapektuhan, eh hindi ko naman siya kilala? "I see," maikli niyang sagot. "Anyway, our wedding is near. You two are invited. I'll send the invitation soon." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. What the hell!? Kita ko rin ang pagkagulat sa mukha ng dalawa—lalo na kay Darren, na halatang may bumalatay na sakit sa mukha niya. Ano bang kahibangan ang pinagsasabi ni Perseus!? Kung wala lang itong dalawa sa harapan namin, malamang kanina ko pa siya binugbog. "K-kailan naman?" tanong ni Darren, medyo nabasag pa ang boses niya. Napataas tuloy ang isang kilay ko. "Next week," walang kaabog-abog na sagot ni Perseus. I swear to God, sisipain ko talaga mamaya itong lalaking 'to. Knowing Cassandra, sigurado akong ikakalat niya ang balita. Instant husband lang ang peg!? Ano pa kayang mukha ang maipapakita ko sa dalawang 'to kapag nalaman nilang hindi ko talaga boyfriend si Perseus at wala namang kasalang magaganap!? OMG! Mas pinalala ko lang ata ang sitwasyon. Mas okay na siguro kung nagmukha na lang akong kawawa kanina kaysa sa gulong nangyayari ngayon. Binalingan ko si Perseus, pero sa mga daliri ko pa rin nakatutok ang atensyon niya—parang wala siyang pakialam sa tensyon sa paligid. "Sure, pupunta kami. Malapit na rin kaming ikasal ni Darren, at sana makapunta rin kayo," wika ni Cassandra. Hindi na ako nagulat. Sa totoo lang, akala ko nga kasal na sila. "We'll be there," agad kong sagot. What the—?! Ba't ko pa sinabi 'yon!? Nginitian lang ako ni Cassandra, saka muling bumaling kay Perseus, habang si Darren naman ay nanatiling tulala. Pahamak talaga ang bibig ko. Simula noong huling pagkikita naming tatlo, laging ganito na lang si Darren—tulala, halatang hindi masaya sa pinili niya. Nagsisisi na ba siya? Karma lang 'yan sa kanya. Deserve niya kung ano man ang pinagdadaanan niya ngayon kasama si Cassandra. "I really can't believe na pinatulan mo 'tong si Red. No offense ah, pero marami namang mas mayaman, mas sexy, mas maganda, at mas sophisticated kaysa kay Red," sabi ni Cassandra sabay tingin sa akin, bahagyang nakataas ang isang kilay. Akmang sasagot na sana ako nang biglang sumingit si Perseus. "I don't really care at all. And you're right—there are a bunch of women who can surpass Red, but what can I do? She's just so different and I'm crazy over her," sagot niya, puno ng determinasyon, sabay kindat sa akin ng loko. Nanlaki ang mata ni Cassandra, tila hindi makapaniwala sa sagot niya. Malamang hindi niya in-expect na may sasagot sa kanya nang ganito. Nasanay siguro siya kay Darren. Pity. Mga lalaki nga naman minsan, bobo rin eh—pipili na lang ng lalandiin, doon pa sa dehado sila. Sweet talker si Perseus. Siguradong maraming babae ang pinaiikot nito. Knowing na isa siyang tycoon, hindi na ako magugulat kung maraming babae ang naghahabol sa kanya. Gwapo siya, mayaman, may magandang pangangatawan, at masasabi ko na rin na mabait—lalo na't tinulungan niya ako sa harap ng dalawang 'to. Pero base sa mga sinabi niya kay Cassandra, masasabi ko rin na medyo... abnormal siya. "I heard the news that you were dating the supermodel named Natalia? What about that? I saw the pictures over the internet," wika ni Cassandra, sabay tingin kay Perseus na parang may tinutukso. Napatingin ako sa kanya, pero hindi ko pinansin. I didn't know that—at wala akong pake, honestly. Wala akong interes sa personal na buhay ng lalaking katabi ko, lalo na kung tungkol lang 'yon sa kung sino ang idinidikit sa kanya ng media. Mas naguguluhan ako kung bakit parang mas invested pa si Cassandra rito kaysa kay Darren, ang mismong boyfriend niya. Samantala, tumawa lang si Perseus, tila ba aliw na aliw sa tanong niya. Kulang na lang ata ay maglabas si Cassandra ng notepad at voice recorder para gawing exclusive interview ito. Ano bang pake niya sa buhay ng may buhay? Pakikiapid na lang ba talaga ang alam niya? "We were not dating. Those pictures were taken when I attended the anniversary of their company. We just had a little talk," sagot ni Perseus, walang bahid ng interest sa boses niya. Para bang hindi na bago sa kanya ang ganitong intriga. Pagkatapos, tumingin siya sa akin, isang mapanuksong ngiti sa labi. "And my baby here knows it all." Napakurap ako. Excuse me? Baby?! Sasagot na sana si Cassandra, pero inunahan ko na siya. Baka mamaya kung ano pang mapiga niya sa sitwasyong 'to at tuluyang mabuking ang charade namin ni Perseus. "Hahaha, hindi ko alam na reporter ka na pala ngayon, Cass," natatawa kong sabi, pilit na binabago ang direksyon ng usapan. Umirap siya, pero kita ko sa mata niyang hindi pa siya tapos. "I'm just asking," sagot niya, halatang defensive. Para ano? For the benefit of the doubt? Para mag-away kami ni Perseus dahil sa issue na 'yon? Come on, hindi ko kailangan ng validation. Wala akong pake kahit sabihin pa niyang may kinakama ang lalaking katabi ko gabi-gabi—dahil in the first place, hindi ko naman siya kilala. Huminga ako nang malalim, tapos pinasadahan siya ng isang matalim na tingin. "Masyado ka nang maraming tanong na para bang ka-close mo ang boyfriend ko," mariin kong sabi, nilakasan ang huling dalawang salita. She rolled her eyes, a clear sign of irritation. Kung akala niyang hindi ko iyon mapapansin, nagkakamali siya—pero mas nagkamali siyang gawin 'yon sa harap ni Perseus. Mabilis siyang sinaway nito. "Don't ever do that to my girl," malamig na saad ni Perseus, na parang isang hari na nagpaparusa sa isang alipin. Nakita ko kung paano nanlaki ang mata ni Cassandra, parang hindi makapaniwala sa tono ng boses ni Perseus. Si Darren naman, tahimik lang, pero ramdam kong may tensyon sa presensya niya. "I-I'm sorry," bulong ni Cassandra, halatang napahiya. Tsk. Hindi pa man ako tuluyang nakakangiti sa tagpong 'yon, dumating na ang waiter dala ang mga order namin. Perfect timing. Agad kong ininom ang kape ko. Mainit, tamang init lang para gisingin ang diwa ko. Medyo busog pa ako kaya hindi pa ako sumunggab sa dessert. Habang tahimik akong nagmumuni-muni, napansin kong walang imik sina Cassandra at Darren sa harap namin, abala lang sa pagkain. Buti naman. Baka sa wakas natauhan na rin. Maya-maya, naramdaman kong may itinulak sa harap ko—isang piraso ng lemon cake na may nakasandok na kutsara, diretso sa bibig ko. Napatingin ako kay Perseus, at nakita ko siyang nakangiti, mataman akong pinagmamasdan. "Try this," bulong niya, dahan-dahang inilapit ang kutsara sa labi ko. Namula ako sa ginawa niya. Hindi ba siya aware na ang daming matang nakatutok sa amin ngayon? Ilang babae sa kabilang table ang tahimik na nagbubulungan, halatang iniintriga ang interaction namin. Kahit ang waiter na nag-serve ng pagkain kanina, pasimpleng sumusulyap. Alam kong isang simpleng subuan lang 'yon, pero bakit parang ang bigat ng tingin niya sa akin? Para bang mawawala ako any minute. Wala akong nagawa kundi ang isubo ang lemon cake na inaalok niya. Matamis. Medyo maasim. Pero mas matamis pa rin ang tingin ni Perseus, na tila natutuwa sa ginawa ko. Napayuko ako, iniwas ang tingin. Biglang may tumikhim sa kabilang side ng table. Nabaling ang atensyon ko kay Darren—tahimik lang siya, pero nakatitig siya sa akin. Malalim. May kung anong emosyon sa mga mata niya na hindi ko mabasa. Bumuntong-hininga ako. Nginitian ko siya. "I'm done with you, Darren." Sinipat ni Perseus ang wristwatch niya bago lumapit sa akin, kaya naman agad akong napaatras nang bahagya. His presence was overwhelming—too close, too intense—na para bang kaya niyang basahin ang bawat emosyon sa mukha ko. Tinitigan niya ako, at sa titig pa lang niya, alam kong may gusto siyang sabihin. Para bang may tahimik siyang pakiusap sa mga mata niyang nagsasabing, "come closer, I need to tell you something." Nag-alinlangan ako, pero sa huli, lumapit din. Pagdikit ng mukha niya sa akin, ramdam ko agad ang init ng katawan niya—isang nakakakilabot na halo ng pagiging nakaka-engganyo at nakakailang. Napasinghap ako nang lumapat sa ilong ko ang nakakaadik niyang amoy—isang halimuyak na halatang mahal ang presyo. "I need to go, love. I still have a meeting to attend," bulong niya, dahan-dahang dumampi ang hininga niya sa balat ko. 'Love.' Bigla akong natulala. Bakit ako kinilig sa sinabi niya!? Hindi ko alam kung dahil sa boses niya na mababa at punong-puno ng lambing, o dahil sa mismong salitang ginamit niya. Pero teka lang—bakit love ang tawag niya sa akin kung wala namang ibang nakakarinig? Kung sana sinabi niya iyon nang may audience sina Cassandra at Darren, maiintindihan ko pa. Pero wala eh, kami lang. Ang landi niya! Nagbukas na ako ng bibig para tanungin siya, pero biglang sumingit si Cassandra. "May problema ba?" tanong niya, halatang may nais makuha mula sa amin. Napakunot-noo ako. Bakit ba parang masyadong invested si Cassandra sa buhay namin ni Perseus? "Nothing. By the way, we need to go kasi may pupuntahan pa kami," mabilis kong sagot, pilit ang ngiti. Obviously, it was an excuse. Hindi ko na rin kasi alam paano tatapusin ang eksenang 'to. Gusto ko na ring makatakas sa dalawang ito at umuwi na lang sa condo. Tama talaga iyong unang instinct ko—dapat hindi na lang ako sumama. Ano bang sumapi sa akin at nagpauto ako kay Peach? "Oh, is that so? Okay. Leave the bill to us," sabi ni Cassandra, na parang hindi naman affected sa biglaan naming pag-alis. Nang marinig iyon, agad namang umiling si Perseus. "No need to pay for it," sagot niya, walang kahit anong pag-aalinlangan. Napataas ang kilay ni Darren. "Why? We can pay the bill," may bahagyang inis sa tono niya. Ngumiti lang si Perseus bago bumaling sa kanya. "This is my café," sagot niya nang walang ka-effort-effort, pero ramdam ang dating. Napaawang ang bibig ko. Puta. Kaya pala kanina pa nakatitig sa amin ang mga staff. Kaya pala parang iba ang paggalang nila kay Perseus. I mean, alam kong mayaman siya, pero hindi ko alam na siya pala mismo ang may-ari ng café na 'to! Napa-iling na lang ako at tumayo. Sinukbit ko ang shoulder bag ko, saka hinawakan ang kamay ni Perseus—kahit na hindi ko naman alam kung bakit ko ginawa iyon. Pagdampi ng palad niya sa akin, napansin ko agad ang init nito—malambot, pero may bahagyang gaspang na parang palaging ginagamit sa trabaho. Mas malambot pa ata ang kamay niya kaysa sa akin. "We really need to go. I'll catch up with you guys some other time," sabi ko, kahit na sa totoo lang, wala naman akong balak pang makita silang dalawa. As if naman may part two pa 'to. Never na talaga! "Don't forget the invitation," habol ni Cassandra, pero hindi ko na hinayaang makasagot pa si Perseus. Baka kung ano pang kabaliwan ang sabihin niya. Hinila ko siya palabas ng café, pakiramdam ko para talaga kaming couple sa ginagawa namin. Lubusin ko na lang 'to—ang gwapo talaga eh. Sa dami ng mga matang nakatutok sa amin, lalo na ang ibang customers na halatang intrigued sa presensya ni Perseus, pakiramdam ko tuloy ako ang bida sa isang pelikula. Pagkalayo namin sa café, agad kong binitawan ang kamay niya saka humarap sa kanya. "Tanggalin mo nga 'yang bull cap mo." Utos ko, pilit na pinapakalma ang sarili ko. Hindi siya nagreklamo. "Okay, love," sagot niya, at sa isang iglap, hinila niya pataas ang bull cap na kanina pa tumatago sa mukha niya. At doon ko muling nakita ang nakakagimbal niyang kagwapuhan. Fuck, those alluring emerald eyes again! Napalunok ako. Anong lahi ba 'to? Sigurado akong hindi siya purong Pilipino. I think Italian siya—his surname says it all. Pero mas importante ngayon... paano ko tatapusin ang gulong pinasok ko? "Don't call me love because the show is over," pagsusungit ko sa kanya, pilit na pinapanatili ang matigas na tono ng boses ko. Kahit na sa totoo lang, ramdam ko ang panlalamig ng mga palad ko. Naiilang ako sa presensya niya, lalo na ngayong wala na akong dahilan para makisama sa kanya. Hindi ko alam kung paano ko siya iiwan ng maayos nang hindi halatang tumatakas ako. Gusto ko nang lumubog sa lupa sa kahihiyan. First time kong gumawa ng ganitong klaseng eksena—isang nakakahiya at walang kaplano-planong palabas na hindi ko na mababawi. Pinagsisihan ko na ang lahat, pero wala na akong magagawa. Natatakot akong malaman kung ano ang magiging reaksyon niya. Ano ang gagawin niya ngayon? Tutulungan ba niya akong makalimutan na lang ang nangyari, o lalo niya lang akong guguluhin? Napakunot-noo siya at bahagyang umiling. "Ang sungit mo. You should be thankful to me because I just saved you from them," sagot niya, kaswal lang ang tono, parang wala lang sa kanya ang buong gulong ginawa ko. Napatingin ako sa kanya habang hinahawi niya ang buhok niya gamit ang mga daliri. Messy ang buhok niya dahil sa paggalaw-galaw niya kanina, pero sa totoo lang, mas lalo lang siyang gumwapo. Nakakainis. Bakit parang siya pa ang relaxed, samantalang ako, gusto nang mahimatay sa hiya? Huminga ako nang malalim. Tama na. Tapusin mo na 'to, Red. "Alright. Thank you for saving me from them and nice to meet you. I hope we'll never meet again. Ciao!" mabilis kong sabi, hindi na hinintay ang sagot niya. Bago pa niya ako mapigilan, mabilis akong tumalikod at tumakbo palayo sa kanya. Pakiramdam ko ay parang hinahabol ako ng karma sa bilis ng mga hakbang ko. Mabuti na lang talaga at naka-flat shoes ako ngayon. "Hey!" sigaw niya mula sa likuran ko, pero hindi ko siya nilingon. Hindi ko na kaya pang lumingon. Wala na. Tapos na. Hindi ko na siya kilala. Nang makarating ako sa parking lot, agad kong hinanap ng tingin ang kotse ko. Pagkapasok ko sa loob, sinarado ko agad ang pinto at sumandal sa upuan. Ramdam ko pa rin ang mabilis na t***k ng puso ko. Habang binabaybay ko ang daan pauwi, hindi ko mapigilan ang sarili kong mapailing. I would never forget him. Sa inis ko at hiya, hindi ko alam kung matatawa ako o mahihiya sa sarili ko. Nang makahanap ako ng safe spot, dahan-dahan kong hininto ang sasakyan sa gilid ng daan. Napalunok ako habang dahan-dahang tinaas ang kamay ko sa harap ng mukha ko. Shit. Bakit parang gusto kong ngumiti? Naalala ko ang ginawa niya kanina—ang paghalik-halik niya sa kamay ko at paglalaro niya rito na parang natural lang sa kanya. Napakapit ako sa manibela habang pilit na pinipigilan ang pag-init ng mukha ko. Shit! Nagba-blush ba ako?! Lalong naiinis ako sa sarili ko. May isang parte sa akin na gustong makita ulit si Perseus. Gusto ko siyang makilala. Gusto kong malaman kung paano siya magalit, kung paano siya ngumiti nang hindi ako pinagtitripan, at kung paano siya makipag-usap nang hindi ako ginugulo. Pero hindi pwede. Hindi pwedeng magustuhan ko siya. Sobrang nakakahiya ang ginawa ko. At isa pa, tycoon siya. Hindi lang basta mayaman—isang bigatin. Isang taong siguradong hindi ko dapat ginugulo. Pero bakit parang gusto ko siyang guluhin? Napalingon ako sa cellphone ko nang bigla itong tumunog. Nasa passenger seat ito, kaya mabilis ko itong kinuha at chineck ang screen. Unregistered number. Kunot-noo kong binuksan ang message. 'See you.' Napasinghap ako. Nagpalinga-linga ako sa paligid, biglang bumilis ang t***k ng puso ko. See you? Sino ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD