Red's POV
"Look at this one, Ate," nakangiting saad ni Peach at tinaas ang napili niyang jellycat.
Nandito kami ngayon sa mall. Nag-aya kasi si Peach kanina sa akin para mag-shopping kasama siya. Akala ko nga ay sasama rin si Mommy, pero sabi niya busy raw ito sa kakalaga ng mga halaman. Tsk, mas marami pa siyang oras sa mga halaman niya kaysa sa mga anak niya. Pagseselosan ko na talaga iyang mga halaman niya. Baka nga isang araw maging enchanted garden na ang bahay namin kasi balak niyang palibutan ng vines iyon.
"Tsk, alam mo namang paborito ko 'yan," sabi ko at kinuha iyon mula sa kamay niya bago inilagay sa cart.
"Duh! Paborito mo naman lahat, eh," sagot niya bago tumawa.
Naalala ko tuloy noong huling beses na nag-shopping kaming dalawa. Halos bilhin ko lahat ng jellycat na nakita ko noon dahil ang cu-cute, pero kalaunan ay ibinigay ko rin sa orphanage para naman mapakinabangan ng mga bata roon. Ilang buwan na rin akong hindi nakapunta sa orphanage na ini-sponsoran ng clothing line ko, pero nagpapadala pa rin naman ako ng pera.
"Tiyaka nga pala, Ate, malapit na birthday ni Lola. Ano pang ireregalo mo sa kanya? I-design mo ako ng gown, ha," sabi niya habang patuloy na tumitingin sa mga jellycat. Nandito kasi kami ngayon sa Miniso—ang cute ng mga jellycats dito.
"Hindi ko rin nga alam, eh. Nasa kay Lola na naman din ang lahat," sagot ko na lang.
Noong nakaraang birthday kasi ni Lola, inayawan niya iyong regalo ko. Paano ba naman kasi, hindi niya tinanggap. Malay ko bang ayaw niya sa mga ahas, eh sabi niya gusto niya ng animals? Halos atakihin siya noong nakita niya ang ahas kahit nasa aquarium naman iyon. Ang mahal pa naman ng ahas na iyon—ball albino python pa!
Pagkatapos namin sa Miniso, dumiretso kami sa Korean restaurant dahil nagugutom na si Peach. Siya ang bunso sa aming tatlong magkakapatid, at ang panganay naman ay si Kuya Grey. Ang pangalan ni Mommy ay Lavender, at si Daddy naman ay Damon. Yeah, right, my mom does really love colors, kaya nga puro kulay ang pangalan naming magkakapatid. Maganda naman ang pangalan ng mga kulay, kaya hindi ko na sinisi pa si Mommy.
"Annyeong haseyo! Do you have any reservation, ma'am?" masiglang tanong ng waitress na lumapit sa amin.
"Wala po," sagot ni Peach.
"Okay po. Sumunod na lang po kayo sa akin at igagaya ko po kayo sa magiging table ninyo, Miss Red," sabi ng waitress, kaya medyo nagulat si Peach.
Ngumiti ako sa waitress, habang si Peach naman ay nakatingin sa akin na may mga tanong sa mata.
"Regular customer ako rito," sabi ko sa kanya.
"Bakit hindi mo ako sinabihan, duh?" wika niya, kaya naman kinurot ko ang bewang niya.
Nang nakarating kami sa table namin, hinayaan ko na lang si Peach ang mamili ng pagkain namin dahil iyon naman talaga ang gusto niya. Minsan kasi, kung ako ang pumipili, hindi niya nagugustuhan, kaya't mas mabuti nang siya na lang para maubos niya lahat.
Pagkatapos niyang umorder, wala na siyang ibang ginawa kundi mag-cellphone, habang ako naman ay tumitingin-tingin sa paligid dahil lowbat na ako. Hindi ko nadala ang power bank ko dahil nagmamadali ako kanina.
Habang tumitingin-tingin, nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Cassandra at Darren na dumaan sa restaurant. See-through kasi ang pader, kaya kita ang labas. Bwisit! Sa lahat ng pwedeng makita, sila pa talagang dalawa. Tsk! Ang sakit lang sa mata. Hindi naman sa bitter ako, pero kapag nakikita ko silang dalawa, parang bumabalik sa isip ko 'yong panloloko nilang ginawa sa akin.
Talagang isinapubliko na nila ang relasyon nila at walang pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Ang kapal talaga ng mukha! Mukhang wala nang kahihiyan na natira sa katawan.
Nakita ko rin kung paano naging linta si Cassandra—kung makalingkis kay Darren, parang ayaw nang kumawala. Ahas talaga. Well, hindi naman ako apektado. Nakakabad trip lang talaga, knowing na sobrang sakit ng ginawa nila sa akin, tapos makikita ko pa sila. Kung pwede lang kasuhan ang dalawa, matagal ko na sanang ginawa para man lang makaganti ako. Pero ayaw ko na rin palalain ang sitwasyon, baka pati parents ko madamay pa.
"Uy, Ate, sinong tinitingnan mo?" tanong sa akin ni Peach bago siya lumingon din sa direksyon na tinitingnan ko.
Nakita ko kung paano tumalim ang tingin niya sa dalawa, para bang handang sumugod sa kanila. Hindi ko siya masisisi sa nararamdaman niya dahil isa siya sa mga nakasaksi kung paano ako nagdusa sa ginawa nina Darren at Cassandra.
"That b***h!" Akmang tatayo na siya nang pigilan ko.
Ayaw ko nang gumawa ng eksena. Ayaw ko na ring madikit pa ang pangalan ko sa kanila. Sapat na siguro ang nangyari sa nakaraan para hindi ko na sila bigyan ng atensyon—maaaksaya lang ang oras ko.
"Hayaan mo sila," sabi ko sa kanya nang mahinahon.
Nakita ko kung paano siya napangiwi sa sinabi ko—halatang disappointed. Kahit kailan talaga, napaka-war freak ng batang ito. Bumalik siya sa pagkakaupo niya, inayos ang damit, at bumalik sa pagce-cellphone niya.
Ilang sandali lang, dumating na ang order namin. Bago kami kumain, nagdasal muna kami. Pagkatapos, kumuha pa si Peach ng pictures ng pagkain at inabot sa akin ang cellphone niya para kunan ko siya ng litrato. Napabuntong-hininga na lang ako. Sigurado akong puno na naman ang IG story niya mamaya.
Pagkatapos naming kumain, nag-order pa siya ng dessert. Hinayaan ko na lang—mahilig naman talaga siya sa matatamis.
Habang hinihintay namin ang dessert, nanatiling nakatuon ang pansin ni Peach sa kanyang cellphone. Samantalang ako naman ay tumayo at tinungo ang cellphone kong naka-charge sa loob ng restaurant. Nang makita kong hindi pa rin ito fully charged, bumalik ako sa mesa namin.
Napangiti ako nang may pumasok na kalokohan sa isip ko. Agad akong lumipat sa tabi ni Peach, pero hindi man lang siya natinag sa ginagawa niya.
"Peach," tawag ko sa kanya.
"What?" sagot niya nang hindi inaalis ang tingin sa cellphone.
"Open your browser," utos ko.
"Why?" tanong niya, bahagyang sumulyap sa akin.
"Just open it and type 'x'," sagot ko, pilit na hindi ipinapakita ang kapilyuhan sa mukha ko.
Bagaman nagdadalawang-isip, sinunod niya pa rin ang utos ko. Habang tinatype niya ang "x," bigla siyang tumigil at bumaling sa akin, kita sa kanyang mukha ang pag-aalinlangan.
"X what?" tanong niya, halatang nagdududa na.
"Basta 'x' lang i-type mo," sagot ko, pigil ang tawa.
Hilaw siyang tumawa, sabay ilayo ang cellphone na para bang pinoprotektahan ito mula sa akin.
"Anong x nga? Just tell me the site," hirit niya, sabay taas ng kilay.
Hindi ko na napigilan ang pagtawa ko. "Ikaw ha," saad ko, sabay singkit ng mata sa kanya.
"I need to know how s****l intercourse works because I am a nursing student," pangangatwiran niya, dahilan para mas lumakas pa lalo ang tawa ko.
"May sinabi ba akong may kinalaman ang s****l intercourse? Wala naman, ha," sagot ko, pilit na pinipigil ang natitirang tawa.
Inirapan lang niya ako saka ako tinulak pabalik sa dati kong upuan. Habang bumabalik ako sa pwesto ko, hindi ko siya tinigilan ng tingin, kaya sinaway niya ako at nagsimulang magsabi ng kung ano-ano.
Maya-maya, dumating na rin ang order niyang dessert. Agad niya itong sinimulang kainin, habang ako naman ay nakatingin lang sa kanya, natatawa pa rin sa aming usapan kanina.
Habang kumakain, nagkwentuhan kami tungkol sa mga nangyayari sa buhay namin. Nakasanayan na namin ni Peach na magbahagi ng mga kwento sa isa't isa—ganito kami kalapit. Iba lang talaga si Kuya Grey, na sadyang secretive sa buhay niya.
Dumagsa ang mga rant ni Peach tungkol sa kanyang mga assignments at performance tasks. Sumabay na lang ako sa kanya, kahit alam kong procrastinator siya at nagkakaganyan lang kapag malapit na ang deadline.
Matapos naming kumain, hindi muna kami agad umalis. Nag-stay pa kami ng ilang minuto para magpahinga, nang biglang nag-ring ang cellphone ni Peach.
"I'll take this call," paalam niya, sabay tayo. Tumango lang ako bilang sagot.
Ilang minuto lang ang lumipas bago siya bumalik—pero halatang nagmamadali na siya.
"Ate, I'm sorry, but I really need to go. Pinapatawag ako ni Mommy eh," sabi niya, sabay pilit ng isang ngiti na halatang may pag-aalinlangan.
"Bakit daw?" tanong ko, hindi maitago ang iritasyon.
Alam naman ni Mommy na sister's day namin ngayon, tapos papauwiin niya si Peach?
"Nakita ata ni Mommy 'yong video ko sa t****k," sagot niya, at napansin kong namumula na ang mga mata niya, para bang pinipigil ang pag-iyak habang inilalagay ang mga gamit sa shoulder bag niya.
"Ano namang video 'yon?" tanong ko, napakunot ang noo. Para siyang timang na hindi mapakali.
"Iyong 'Ang baby ni Mama, ang baby ni Mama' na TikTok... tapos hinahampas ko ng hanger 'yong mga halaman niya," sagot niya, halatang litong-lito at balisa. "Wala namang t****k si Mommy eh, kaya paano niya nakita 'yon?"
Napailing ako, pilit na pinipigilan ang tawa ko. Kung meron mang bagay na hindi dapat ginagalaw sa bahay, iyon ang mga halaman ni Mommy.
"Mauna na ako, Ate, ha," dagdag niya, mukhang nagmamadali na.
Tumango na lang ako. "Sige lang. Send my regards to Mom and Dad, and tell them that I'll pay a visit this coming Sunday," sabi ko, sabay ngiti. "Good luck sa palo ni Mommy," pahabol ko, sinadyang takutin siya.
"Okay, Ate. Pinapakaba mo lang ako ng husto! Bye na!" sagot niya, sabay beso sa akin bago tuluyang umalis.
Naiwan akong mag-isa sa mall. Mukhang solo flight na lang ako sa paglilibot. Wala rin akong balak umuwi agad sa condo dahil siguradong mababato lang ako roon.
Matapos kong magbayad, naglakad-lakad ako nang walang direksyon, sinusulit ang oras ko sa mall. Napansin ko ang isang claw machine sa tabi ng arcade kaya nilapitan ko ito.
Noong bata pa ako, palagi akong nasasabik subukan ang ganitong laruan. Gusto kong makuha ang mga stuffed toy sa loob, pero malas ata talaga ako. Kahit kailan, ni isang beses, hindi ako nanalo.
Napailing ako habang inaalala ang mga nabigo kong pagtatangka. Sa huli, ngumiti na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.
I froze when I saw Cassandra and Darren coming near me. What the f*****g f**k!? Aalis na sana ako, but it was too late—tinawag na ako ng bruhang Cassandra. Oh, no.
"Red!" tawag niya sa akin.
Humarap ako sa kanila at ngumiti nang matamis. Oras na naman ng pagpapanggap sa harap ng dalawang ito. Ayokong isipin nila na bitter pa rin ako sa nangyari. Ayokong magmukhang kawawa—lalo na sa harap nila.
Nagkita na kami noon sa isang event, and they already knew I was "okay." Well, okay naman talaga ako.
"Oh, hi!" bati ko, making sure my smile was as plastic as hers.
"Grabe, ang tagal na rin nating hindi nagkita. I missed you!"
"Ohhh, I missed my best friend too," sagot ko, sabay ngiti.
No, I don't miss you, b***h.
Nilingon ko ang aso sa tabi niya—a.k.a. Darren—at ngumiti rito.
"Hi," I chirped at the moron beside her.
"Hey," sagot niya, tinitigan ako na para bang may pangungulila sa kanyang mga mata.
Oh? Ang galing naman.
"Wala ka bang kasama? Oh, don't tell me hindi ka pa rin naka-move on sa nangyari? Wala ka pa ring boyfriend after Darren broke up with you? Akala ko ba okay ka na last time na nagkita tayo?" Natatawa niyang sabi, na parang sinadya pang idiin ang bawat salita.
Napangiwi ako habang pinipigilan ang matawa. Lalong lumantad ang sobrang kapal niyang lipstick—mukhang tinatalo pa ang kakapalan ng pagmumukha niya.
"Correction, ako ang nakipaghiwalay sa kanya. And actually, I have a boyfriend—been together for quite some time now," I smirked.
Nakita kong kumunot ang noo ni Darren matapos kong sabihin iyon. Para bang may gusto siyang sabihin sa akin pero natatakot kay Cassandra. Tsk. Typical. Hindi ako nagpatinag. Pandidiri lang ang nararamdaman ko sa kanya ngayon.
"Dapat lang din naman. Nasaan ba ang boyfriend mo? I wanted to invite you for coffee sana. Wait—does your boyfriend even let you shop alone? I don't see anyone around with you," tanong niya, lumilinga-linga sa paligid as if naghahanap ng ebidensya.
"Uhm..."
I scanned my surroundings, panicked internally, and regretted every decision I made in life up to this point.
Bakit nga ba niya hinahanap ang 'boyfriend' ko na hindi naman totoo!?
Pwede ko namang amining wala akong boyfriend. Pero ayokong magmukhang kawawa.
Ano ba itong pinasok ko!? Required ba talaga na magmukhang hindi loser sa harap ng ex? I had every right to get mad at them and just walk the hell out of here. Pero no, may kung anong pumasok sa utak ko. At doon ko siya nakita.
Isang lalaking papalapit sa amin. Saktong lalagpas lang sana, pero bago pa siya makalayo, hinila ko siya papalapit.
Bull cap, hoodie, faded jeans, headphones, sneakers.
Oh, at naka-mask din siya. Perfect.
"Love! Where have you been? I've been looking around for you. Did you find the comfort room?" sabi ko, sabay yakap sa kanya.
Halos mabato ako sa kinatatayuan ko nang maamoy ko ang pabango niya—damn—nanunuot sa ilong ko sa pinaka-kaakit-akit na paraan. I've encountered so many men who drench themselves in strong cologne, pero this one? This one is different. It's warm, deep, and intoxicating—rum and vanilla, with a hint of something I can't quite place.
Naramdaman ko ang bahagyang pag-atras ng katawan niya mula sa yakap ko, siguro naguguluhan sa kung ano bang pinasok niya. Pero hindi ako papayag na mabuko ako ni Cassandra at Darren, kaya mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya. Commit to the bit, Red. Commit.
Slowly, I tilted my head up to look at him, trying to gauge his reaction—
Shit. Emerald green eyes. Did I just pull a foreigner?!
I mentally screamed while keeping my expression as neutral as possible. He was tall—siguro nasa 6'3—at mas lalo kong napansin ang well-built physique niya sa ilalim ng oversized hoodie. His grip on my waist was firm but not forceful, as if he was naturally protective.
's**t, s**t, s**t, anong ginawa ko?!'
I internally cussed myself into oblivion. My brain was short-circuiting, pero hindi ako pwedeng magpakita ng kahinaan sa harap ng dalawang traydor na 'to. We were glued to each other, locked in an accidental yet oddly intense staring contest.
There was this weird feeling inside me—something foreign yet dangerously familiar.
Kinikilig ba ako?! No! Of course not! I know what kilig feels like, and this isn't it. Right?!
I forced myself to focus. I put myself in this situation, so I might as well commit.
Taking a deep breath, I rose on my toes, moving closer to his ear. Holy hell, bakit pati mukha niya mabango?! I nearly lost my train of thought.
"Please, play along with me," bulong ko, my voice almost desperate.
I swear I have never prayed harder in my life. If this guy doesn't play along, I'm officially doomed in shame.
Then—silence.
The kind of silence that stretches just long enough to make my stomach drop.
'Putangina, wala na, wala na, exposed na ako—'
"Uhh, hello?"
Cassandra's voice cut through the tension like a blade.
Mabilis kong binawi ang kamay ko mula sa kanya, ready to bolt. Handa na akong umamin at pakawalan ang lalaking nadamay sa kalokohan ko. Pero putangina, bago pa ako makagalaw, bigla niyang hinawakan ang baywang ko.
IS HE AN ANGEL OR A DEVIL, BECAUSE WTF?!
His grip was firm—warm and steady—sending unwanted sparks down my spine. What the hell is happening?!
Then he did the unthinkable.
He squeezed my waist gently and then...caressed it.
'Tangina, hindi ko na 'to kontrolado! Abort mission!'
I felt the heat rise to my face, my entire body stiffening.
"I apologize for that," he said in a deep, husky voice.
Bakit pati boses niya ganito?! Goosebumps ran up my arms. He was dangerous.
Then, as if his voice wasn't enough to send my nervous system into overdrive, he turned his gaze to me and gently patted my head.
"I'm sorry, love," he added, his voice soft—almost affectionate.
'LOVE?!' Putangina, plano ko 'to pero ako ang natatamaan ng sarili kong strategy?!
His sweet, effortless gesture—f**k. Walang lalaking nakakaganito sa akin. Ever.
And for the first time in my life, hindi ko alam kung paano kumilos.
Then, Cassandra gasped. "Wait—Are you Perseus Howell? The owner of Montanari Group of Companies?"
Nag-freeze ako.
What.
What.
I turned to Cassandra, trying to process her words.
"Yes, I am," sagot ng lalaking naka-akbay sa akin ngayon, a small smirk playing on his lips.
Oh shoot. Look at that charismatic smile.
WTF HAVE I DONE?!
Perseus Howell. The Perseus Howell. The man Dana never shuts up about. The CEO of Montanari Group of Companies, one of the biggest business empires in the world.
At hinila ko lang siya randomly sa gitna ng mall?!
"So totoo nga na may boyfriend ka na? Ulit?" tanong ni Darren, and I could feel his gaze piercing through me, waiting for my response.
Duh. Gusto ba niyang laplapin ko pa 'tong lalaki sa tabi ko para lang maniwala siya? Mukhang tanga.
"Obviously," I said, my tone laced with confidence.
Sino ba naman ang hindi magiging proud?! Perseus Howell lang naman ang 'boyfriend' ko.
Then, Cassandra smiled sweetly. "Can I invite you two for coffee then?"
I mentally groaned. Tangina, ito na naman tayo.
Perseus turned to me, his green eyes searching mine. He was giving me a silent 'Your call, sweetheart' look.
I sighed internally and flashed my best fake smile. "Of course. Lead the way," sagot ko kay Cassandra, flipping my hair for extra effect.
As we started walking, my mind was still reeling.
I couldn't help but think—what the hell did I just get myself into?
And more importantly...
How the hell am I supposed to get out of this?