Third Person's POV
Red groaned in frustration as she made her way toward the nearest supermarket from her condo. She had no choice but to walk because her grocery stock had completely run out, and waiting for a ride was proving to be a hopeless endeavor. Paano ba naman hindi siya mabubwisit? She had been standing by the roadside for what felt like ages, but not a single jeepney had an available seat. The ones that did pass by were already overflowing with passengers—some even clinging to the railings for dear life.
She wasn't about to cram herself into a tight space just to sit on half a seat while still paying the full fare. No way! That was daylight robbery. It was better to walk since the supermarket wasn't that far, but hell, the heat was unbearable. Occupied din lahat ng taxi na dumadaan. The sun blazed mercilessly, and she could practically feel it biting at her skin. She could already imagine the tan lines forming. Ugh.
By the time she reached the supermarket, she was in a sour mood. She grabbed a shopping cart a little too forcefully, making it rattle against the stack of other carts, then let out an exasperated sigh before pushing it into the aisles.
Her first stop was the fruit section, where she loaded her cart with her favorites—grapes, strawberries, oranges, apples, and mangoes. As she tossed the last fruit in, she suddenly thought of her younger sister. If only she were living with her, she was sure these groceries wouldn't last a week. That girl could eat through an entire fridge's worth of food without breaking a sweat.
Then, as she eyed the plump, juicy grapes displayed in a box, a mischievous idea popped into her head. She looked around, scanning for store employees or security cameras. When she saw no one was paying attention, she swiftly plucked two grapes from the bunch and popped them into her mouth.
A triumphant giggle escaped her lips as she chewed. This reminded her of when she got caught sneaking food inside a supermarket back in high school. If there were cameras around, she was sure she would've been called out by now. But lucky her, it seemed she got away with it this time.
"I've been dancing in my room, swaying my feet~" she hummed softly, pushing the cart toward the frozen section.
When she arrived, she nearly gagged at the sight of endless frozen food options. Sure, they were convenient, but too much processed food could send her straight to an early grave. As much as she hated cooking for herself, she still had to be mindful of what she ate.
"Hmm... alin ba rito ang masarap?" she murmured to herself, squinting at the labels.
"Honestly, all of them are delicious," a deep, amused voice answered.
She turned her head, and her breath hitched slightly. A man had just arrived beside her, his sharp features framed by messy yet effortlessly stylish hair. He smirked at her, as if he had just caught her doing something she wasn't supposed to.
And just like that, her grocery trip had taken an unexpected turn.
The man casually grabbed a pack of frozen food and dropped it into his cart, completely unbothered. Red arched a brow, unimpressed. She wasn't used to random people butting into her personal monologues. In her book, answering a question that wasn't directed at you was a major offense—something she called kahihiyan.
"I'm not asking you," she snapped, rolling her eyes at him.
The audacity of this guy! She had met plenty of men who tried lame tactics to catch her attention, and this was definitely one of them. Seriously? Answering a question that wasn't theirs? That was so overused. Could men not come up with anything better? She sighed in exasperation.
Bulok na naman na pagpapakita ng motibo.
But instead of backing off, the guy had the nerve to act innocent.
"So, sino kausap mo riyan?" he asked, feigning cluelessness, making her glare at him even harder.
"Sarili ko. Hindi naman ikaw ang tinanong ko, bakit ka sumagot?" she shot back.
Red could already feel her patience wearing thin. 'Wag lang talagang painitin ng lalaking ito ang ulo ko, kasi kahit anong lamig ng supermarket, nagbabaga na ang sungay ko.'
Why were some people like this? Did they not understand the concept of privacy? Or even basic respect? Just because someone spoke out loud didn't mean they were inviting a conversation. Sometimes, people just liked talking to themselves.
But no, this guy had to keep pushing.
"Ang sungit mo naman, ganda," he teased, flashing a cocky grin before sending her a playful wink.
Red grimaced. 'Eh kung dukutin ko kaya yang mata mo at gawin kong fishballs? Feeling gwapo.'
"I'm Raigel," he introduced himself, extending a hand toward her like they were about to become best friends.
She simply stared at his hand before lifting her gaze back to him with a deadpan expression.
"Pake ko?" she said with the utmost disinterest, before turning on her heel and marching away.
Nope. She was not dealing with this nonsense today.
Nakatanaw ang lalaki sa papalayong bulto ni Red tsaka napailing dahil sa inasta nito sa kanya. Ang sungit naman. He just answered her, pero para sa babae, parang nakagawa siya ng napakalaking kasalanan. Ano bang problema niya? She should be thankful—kung hindi niya ito sinagot, baka magmukha siyang siraulo sa mga taong dumadaan. Sino nga ba naman ang kumakausap sa sarili nila sa isang public place?
Ngunit sa kabila ng pagsusungit nito sa kanya, hindi pa rin nawawala ang pagkamangha niya sa gandang taglay nito. Simula nang pumasok ito sa supermarket, nakuha na agad nito ang atensyon niya. Kahit napakasimple lang ng suot nito—isang plain white shirt at fitted na denim jeans—tila ba may kakaiba itong dating na hindi niya maipaliwanag. The way her long, dark hair cascaded over her shoulders, the way she walked with confidence kahit medyo iritable ito, and the way her lips slightly pouted every time she frowned—it was all intriguing to him.
Raigel smirked as he continued to watch her. Women like her weren't easy to come by—those who didn't melt under his gaze, those who didn't giggle when he spoke. He had met so many women before, but this one? She was different. And he liked it.
Samantala, nang matapos magbayad si Red sa kanyang pinamili, muling natanaw niya ang lalaking sumagot sa kanya kanina. Napansin niyang mabilis itong naglakad papunta sa direksyon niya kaya agad siyang bumilis sa paggalaw. Hindi na siya nag-aksaya ng oras—hinablot niya ang mga plastic bags ng groceries at halos nagmamadaling lumabas ng supermarket.
Bakit ba kasi iniwan ko pa 'yung kotse sa bahay ni Mama at Papa?
Oh well, kasalanan niya rin naman. She drank herself into oblivion last night at si Kuya pa ang nagmaneho pabalik sa condo niya. Ngayon, siya rin ang nagdurusa. Kung sinabi niya lang sana sa Kuya niya na huwag na siyang ihatid at doon na lang siya natulog sa bahay ng mga magulang nila, edi sana hindi na niya kailangang maranasan ang sampung elepanteng nagju-jumping jacks sa ulo niya.
Nang makalabas na siya, mabilis niyang sinulyapan ang paligid, naghahanap ng taxi. She wasn't in the mood to walk back home, lalo na at sobrang init. Ilang minuto siyang naghintay bago may humintong taxi sa harapan niya. At last!
Mabilis siyang tinulungan ng driver sa pagpasok ng pinamili niya sa loob ng sasakyan. Pero bago pa siya makapasok, isang pamilyar na boses ang narinig niya mula sa likuran.
"Hey, I have a car. Baka gusto mong sumabay na lang sa akin, you can save pa."
Napapikit siya saglit, huminga nang malalim, at pilit na kinalma ang sarili bago humarap sa lalaki. She was already tired, her head was pounding, and now this guy was testing her patience.
Dahan-dahan niyang binuksan ang mga mata at tinitigan ito.
"Leave me alone."
At walang kahit anong pag-aalinlangan, agad siyang sumakay sa taxi. Hindi na siya nag-abala pang lingunin ito.
The nerve of this guy!
"Ma'am, saan po tayo?" tanong ng driver habang nililingon siya sa rearview mirror.
"Sa Fuentes Condominium po." sagot niya, mas marahang tono na ngayon ang gamit niya.
Nang umandar ang sasakyan, she finally allowed herself to rest. She leaned her head against the headrest, massaging her temples in an attempt to ease the throbbing pain in her head.
Ang sakit talaga...
Napatingin siya sa mga grocery bags sa tabi niya. Ang dami niyang binili, pero hindi naman niya sigurado kung may gana siyang kumain mamaya. Maybe she should just order something. Or maybe magluto nalang siya ng sinigang?
She sighed. 'Kung nandito lang si Kuya, at least may magluluto sa'kin ng kahit ano para gumaan ang pakiramdam ko.'
She closed her eyes for a moment, hoping that by the time she arrived at her condo, her headache would have lessened. But deep inside, she had this unsettling feeling—na hindi pa tapos ang pangungulit ng lalaking iyon.
Nang nakarating na sila sa condominium ay pinabuhat niya sa manong driver ang mga dala niya patungo sa condo unit niya. She was suffering a severe hangover and she felt that any moment her head will popped. Binuksan niya ang pinto ng condo niya at iginaya ang driver sa kusina para ilagay ang mga pinamili niya. Bumunot siya ng isang libo sa pitaka at binigay sa driver nang matapos na ito sa paglagay.
"Keep the change po. Thank you," nakangiti niyang saad habang inaabot ang bayad sa driver.
Malapad na ngiti ang isinukli sa kanya ng matanda, halatang labis ang pasasalamat. "Salamat po, ma'am! Ingat po kayo," anito.
Napangiti si Red sa inasta ng driver. Naalala niya bigla ang kanilang family driver na si Mang Tino. Kung sana lang pumayag ang parents niya na palipatin ito sa kanya para doon na magtrabaho, edi sana hindi na siya nahihirapan mag-commute o maghanap ng masasakyan sa t'wing aalis siya. Ngunit tulad ng inaasahan, tutol ang mga magulang niya.
They were against the idea of her living alone in a condo. Gusto ng parents niya na manatili siya sa bahay nila—under their roof, where they could always watch over her. Pero syempre, hindi siya pumayag. She wanted her own space, her own life, at higit sa lahat, gusto niyang patunayan na kaya niyang tumayo sa sarili niyang mga paa.
Pumasok siya sa loob ng condo at sinara ang pinto, saglit na natigilan habang pinagmamasdan ang kabuuan ng unit niya. Sa tuwing natatapos siya sa pag-go-grocery, pakiramdam niya ay parang bagong lipat na naman siya rito. Malinis ang lugar, pero kapag wala nang laman ang ref at mga cabinets, nagmumukha itong abandonadong unit.
Nagpatuloy siya sa kusina at agad na kumuha ng malamig na tubig mula sa ref. Halos ma-dehydrate siya sa sobrang init ng panahon. Isang lagok lang ang ginawa niya, pero agad niyang naramdaman ang kaunting ginhawa.
Grabe ang init sa labas! Parang tinutunaw ako sa daan kanina.
Napahilot siya sa sentido nang maramdaman ang muling pagsipa ng sakit ng ulo niya.
Akalain mong kahit tapos na 'yung araw, ramdam ko pa rin ang epekto ng kalokohan ko kagabi?
Agad siyang naghanap ng gamot sa cabinet at uminom ng isang tableta, hoping that it would lessen the throbbing pain in her head.
Matapos iyon, napabuntong-hininga siya at napatingin sa kisame.
I swear, I won't drink again...
Sabay irap sa sarili. Sino ba ang niloloko niya? Ilang beses na niyang pinangako sa sarili niya 'yan, pero tuwing may inuman o party, hindi niya rin naman kayang tanggihan. Paulit-ulit niyang sinasabi na magpapakabait na siya—na iiwas na siya sa alak. Pero sa huli? Edi shot uli!
Ganun katigas ang ulo ko, eh.
Napailing na lang siya bago bumalik sa kusina upang simulan ang pag-aayos ng mga pinamili niya. Isa-isang inilagay niya ang mga prutas at gulay sa ref, inayos ang mga canned goods sa cabinet, at tinanggal ang mga plastic bags na hindi na kailangan. Nang matapos siya, napabuntong-hininga ulit siya.
Finally.
Lumapit siya sa countertop at sumandal doon, nag-iisip kung ano ang lulutuin niya para sa hapunan. Hindi siya pwedeng puro fast food na lang—kailangan niya pa rin namang kumain ng masustansya kahit papaano.
She decided to cook something simple—chopsuey. Hindi niya na rin dinamihan ang lulutuin niya dahil siya lang naman ang kakain.
Nagsimula siyang maghiwa ng mga gulay—carrots, repolyo, sayote, at bell peppers. Habang hinihiwa ang mga ito, naalala niya ang mga panahong hindi pa siya marunong magluto at laging sunog o hilaw ang niluluto niya. Tapos ngayon? Look at me, independent queen na marunong nang magluto!
Matapos ang ilang minuto, nagsimula na siyang magluto. Pina-init niya ang kawali, naglagay ng bawang at sibuyas, at hinintay na mag-golden brown ito bago ilagay ang chicken strips. Ilang sandali pa, sumunod na ang mga gulay at sabaw. Mabilis lang lutuin ang chopsuey, kaya hindi nagtagal ay amoy na amoy na sa buong condo niya ang mabangong aroma ng kanyang niluluto.
Napangiti siya habang inaayos ang mesa at naghahanda ng plato.
Minsan, na-mi-miss niya rin ang lutong bahay ng Mommy niya. Pero at least, sa mga ganitong pagkakataon, she could prove to herself that she could survive on her own.
Lumapit siya sa kalan at tinikman ang sabaw.
Perfect.
"Let's kill this love! Rampapampapampapam!"
"Ay, gago!"
Muntik na niyang mabitawan ang hawak niyang spatula nang biglang tumunog ang cellphone niya sa buong condo. Parang gulat na gulat ang puso niya sa lakas ng tunog, lalo na't tahimik na tahimik ang paligid ilang segundo lang ang nakalipas. Mabilis siyang napahawak sa kaliwang dibdib niya, ramdam ang pagbilis ng t***k ng puso.
"s**t, I should really change my ringtone," bulong niya sa sarili bago dinampot ang cellphone na nakapatong sa countertop.
Isang mabilis na sulyap sa screen—si Dana, ang sekretarya niya.
Oh no, anong problema na naman 'to?
Saglit siyang huminga ng malalim bago sinagot ang tawag.
"Good morning, Miss Red," bungad ni Dana, halatang may pag-aalinlangan sa boses. "I just want to inform you that Mrs. Villafuerte wants to see the designs, and she's so eager to meet you. I already explained the reason why we cannot set an appointment with her, but she is so persistent."
Napapikit si Red at dahan-dahang inikot ang mga mata.
Diyos ko, hindi pa nga nagsisimula ang araw ko, stress agad?
"Bakit ba ang atat ng balyenang 'yan!?" hindi na napigilang sagot ni Red habang tinakpan ng isa niyang kamay ang noo niya. "Bakit? Ngayon na ba niya susuotin ang gowns?! Sabihin mo sa kanya na sa Pasko pa naman gagamitin iyon and for pity's sake! July pa lang ngayon! Can't she give me enough time?! May mga mas nauna pa sa kanya! Buti nga at naisipan ko pang ako mismo ang gagawa!"
Sa sobrang frustration, nilapag niya nang may diin ang spatula sa countertop. "Sabihin mo sa kanya na kapag ako ang nainis, ibabasura ko lahat ng orders niya," dagdag niya, puno ng inis.
Ang dami ko nang iniisip, dumagdag pa siya sa stress ko!
May ilang segundong katahimikan sa kabilang linya. Malamang ay nagulat si Dana sa pagsagot niya. Hindi naman kasi siya laging ganito kung hindi na siya talagang mabwisit.
Pagkatapos ng ilang saglit, naglakas-loob si Dana na muling magsalita.
"Should I cancel her orders, Miss Red?" maingat na tanong nito.
Huminga ng malalim si Red, pilit pinapakalma ang sarili. Ayaw niyang magdesisyon nang dala ng galit, pero sa totoo lang, wala siyang pake kung mawala si Mrs. Villafuerte bilang customer.
"If she can't wait, then cancel it," matigas na sagot niya. "I don't need an impatient client. Hindi siya kawalan."
"Noted po," sagot ni Dana, halatang hindi na nag-atubili pa.
Pagkatapos ng tawag, napasandal si Red sa countertop, ramdam ang bigat sa balikat niya.
Nakakapagod. Bakit ba ang hirap pakisamahan ng ibang tao?
Sinulyapan niya ang kawali kung saan nakasalang pa rin ang niluluto niya. Buti na lang at hindi pa sunog. Muli niyang dinampot ang spatula at inihalo ang gulay, pilit ibinabalik ang focus niya sa pagluluto.
"I really need a vacation," bulong niya sa sarili, napapailing habang iniisip kung saan siya pwedeng mag-relax at iwasan ang toxic na mga customer.
"Is that all?" tanong ni Red, bahagyang iritable ang tono.
"Actually, marami pa po, pero iiwan ko na lang sa table niyo. Hindi po ba kayo papasok ngayon?" sagot ni Dana, may alinlangan sa boses.
Napahilot si Red sa sentido bago sumagot. "Nakalimutan kong sabihin sa'yo—hindi ako papasok ngayon. Masakit ang ulo ko. Ikaw na muna ang bahala sa office, at kung may maghanap sa akin, sabihin mo na lang na busy ako."
"Oh, right. Pasensya na po sa abala," sagot ni Dana, tila nag-aalangan. "Gusto niyo po ba dalhan ko kayo ng gamot?"
"Hindi na, marami pa akong gamot dito. Ikaw na rin, umuwi ka nang maaga para makapagpahinga. Salamat." At bago pa makasagot si Dana, pinindot na ni Red ang end call.
Naglakad si Red papuntang living area at ibinagsak ang cellphone niya sa couch habang napabuntong-hininga siya. Isa sa pinakaayaw niya ay ang mga client na masyadong atat. Hindi ba nila alam kung paano maghintay? Alam naman nilang matatapos ang mga order nila, pero gusto nilang unahin kahit may mas nauna pa sa kanila. Oo, marami siyang designers, pero kapag siya mismo ang gumagawa ng disenyo, inaabot ito ng oras. At kung gusto nilang siya ang personal na gumawa, dapat handa silang maghintay.
Napailing siya habang minasahe ang sentido. Pakiramdam niya ay lalo lang tumindi ang sakit ng ulo niya sa stress. Tumayo siya at naglakad papunta sa kusina, umaasang makakatulong ang isang tasa ng tsaa para maibsan ang pagod at inis na nararamdaman niya.
"Bwesit na balyenang iyon," himutok ni Red bago nagsimulang magsandok ng kanin at ulam. Dinala niya ang pagkain sa living room at doon na kumain.
Kinabukasan, maaga siyang nagising dahil kailangan na niyang pumasok sa trabaho. Hindi niya maaaring i-asa lahat kay Dana. Matapos maghanda, tinawagan niya ang kanyang kuya upang magpasundo gamit ang kanyang kotse. Mabuti na lang at tila nasaniban ito ng isang anghel at pumayag.
"You never learn," sabi ng kuya niya.
"Will work on that," sagot niya habang nakatanaw sa bintana.
"Have you eaten breakfast?" tanong ng kuya niya.
Napangiwi siya at umiling na parang bata.
"I already told you not to skip meals, Red. You're so stubborn," buntong-hiningang wika ng kuya niya. Wala siyang nagawa kundi makinig sa pangaral nito.
Bago siya hinatid sa opisina, dumaan muna sila sa isang restaurant at nag-order ng takeout dahil ayaw niyang mahuli sa trabaho.
"Thanks, Kuya," sabi niya.
"Don't skip a meal," sagot nito bago iniabot sa kanya ang susi at naglakad palayo.
Pagpasok niya sa kompanya, marami nang empleyado ang naroon, at bawat isa ay bumati sa kanya. Ngumiti siya bilang tugon bago nagpatuloy sa paglalakad. Nadaanan niya si Dana, na nakatayo sa labas ng kanyang opisina at nakangiti. Isa iyon sa mga bagay na gusto niya sa sekretarya niya—palaging nakangiti at nagbibigay ng positibong enerhiya sa paligid. Para na rin niya itong best friend dahil tila alam nito ang bawat kilos at pangangailangan niya.
Nilapag niya ang isang paper bag sa desk nito.
"A meal for you. Send me a coffee," utos niya bago pumasok sa loob ng opisina.
Kailangan niyang magtrabaho nang todo. Ilang araw din siyang nawala, at ngayon ay tambak na ang mga kailangang tapusin.
Inilagay niya ang bag sa ibabaw ng mesa at naupo sa kanyang swivel chair. Tiningnan niya ang tambak ng mga folders sa ibabaw ng lamesa, at parang kinurot ang utak niya sa dami ng mga dokumentong kailangang ayusin. Pinagsisihan niyang nag-leave siya. Humugot siya ng malalim na hininga, kinuha ang isang folder, at sinimulang basahin ang laman nito.
Makalipas ang ilang minuto, napatingala siya nang bumukas ang pinto. Pumasok si Dana, bitbit ang isang tasa ng kape. Maingat nitong inilapag iyon sa kanyang mesa bago ngumiti.
"Thank you, Dana," pasasalamat niya.
Ngumiti lang ito bago nagtanong, "Is there anything you need, Miss Red?"
Umiling siya. "You may leave. Enjoy the meal," sagot niya bago muling binalingan ang binabasa.
"Thank you po," sagot ni Dana at lumabas ng opisina.
Sumimsim siya ng kape at tumayo. Lumapit siya sa bintana at pinagmasdan ang mga sasakyang bumabagtas sa ibaba. Ang daming sasakyan, ang kapal ng usok. Napailing siya.
Nang itinaas niya ang paningin, napangiti siya nang makita ang mga kalapati na nakadapo sa ibabaw ng katapat nilang building. Ang taas ng narating ng mga ibong ito. Panigurado, kung siya ang nasa lugar nila—kung isa siyang kalapati na lumipad hanggang doon—baka mamatay siya sa kaba.
Pumikit siya at huminga nang malalim. Maraming nangyari nitong mga nakaraang buwan. Nakipaghiwalay siya sa boyfriend niya matapos mahuli itong nakikipagtalik sa mismong best friend niya. Napangiti siya nang mapait. Totoo nga ang kasabihan—madalas, ang mga taong pinakamalapit sa puso mo rin ang unang wawasak at pagtataksilan ka.
Malaki ang tiwala niya sa best friend niya. Ilang taon silang magkaibigan. Palagi niya itong tinutulungan sa oras ng pangangailangan at ibinibigay halos lahat ng hiling nito—dahil gusto niyang mapasaya ito. Hindi niya alam na bago pa man dumating sa buhay niya ang ex niyang si Darren, may relasyon na pala ito sa best friend niya. Matagal na nilang nililihim iyon sa kanya, sinamantala ang kabaitan niya, pinakinabangan siya.
Hanggang sa isang araw, nahuli niya sila mismo.
(Flashback)
Nakangiting naglalakad si Red patungo sa bahay ng boyfriend niya, bitbit ang isang cake at bote ng red wine. Anniversary nila ngayon, at punong-puno siya ng saya. Who would have thought na magtatagal sila nang limang taon? Gusto niyang sorpresahin si Darren, kaya pagdating niya sa bahay nito, dire-diretso siyang pumasok.
"Ba't parang walang tao?" bulong niya sa sarili. "Baka nasa taas."
Pumanhik siya patungo sa kwarto ni Darren. Habang papalapit, may narinig siyang sigaw mula sa loob. Hindi masyadong malinaw, pero sapat na para makaramdam siya ng kaba. Napabilis ang hakbang niya. Baka kung ano na ang nangyayari kay Darren.
Pagbukas niya ng pinto, hindi niya inaasahan na siya pa pala ang masu-surpresa.
"Ah s**t, so tight... ugh, faster, Cassandra," ungol ni Darren habang walang habas na nagtataas-baba ang katawan ni Cassandra sa ibabaw nito.
Natahimik si Red. Napanganga siya, at bumitaw ang hawak niyang cake at bote ng wine. Kumalat ang cake sa sahig, at ang bote ay bumagsak na may malakas na dagundong bago nagkapira-piraso.
Napatingin ang dalawa sa kanya. Biglang natauhan si Cassandra, habang si Darren naman ay parang nabilaukan sa sarili niyang hininga.
Nanatili siyang nakatayo roon, pero hindi siya makagalaw. Nararamdaman niyang nanginginig siya, at hindi niya na napansin na bumagsak na ang mga luha niya. Sa sobrang dami ng emosyon na nararamdaman niya sa sandaling iyon, isa lang ang pumasok sa isip niya—gusto niyang isaksak sa dalawa ang nabasag na bote.
"MGA TRAYDOR! HAYOP KAYO!" sigaw niya.
Nagulat si Darren at agad niyang itinulak si Cassandra palayo.
"Ano ba, Darren!?" asik ni Cassandra, na masama ang tingin sa lalaki.
Gusto niyang sugurin ang dalawa, lapitan, pagsasampalin, at sabunutan si Cassandra. Pero kahit anong pilit niya, parang ayaw gumalaw ng mga paa niya. Ramdam niya ang mabilis na pagtaas-baba ng kanyang dibdib habang sinasakal siya ng sama-samang emosyon—galit, sakit, at pagkabigo.
"IKAW, DARREN! PINAGKATIWALAAN KITA! AT IKAW RIN, CASSANDRA!" sigaw niya, halos namamalat na sa pag-iyak. "SA DINAMI-DAMI NG BABAENG PINAGSESELOSAN KO, HINDI KO MAN LANG NAPANSIN NA IKAW PALA ANG AHAS SA AKIN! TINURING KITANG PARANG KAPATID KO NA! PAANO MO NAGAWA ITO!?"
Napaupo siya sa sahig, tuluyang nawalan ng lakas ang kanyang mga tuhod. Sa unang pagkakataon, ngayon lang niya naramdaman ang ganitong klaseng sakit.
Hindi niya alam kung ano ang susunod niyang gagawin. Gusto na niyang umalis doon dahil hindi na niya kinakaya ang sakit, pero gusto rin niyang sugurin ang dalawa at ilabas ang lahat ng galit niya. Ang kaso, pakiramdam niya ay wala rin siyang magagawa.
Tumayo si Cassandra at tinapis ang kumot sa hubad nitong katawan. Wala man lang hiya sa mukha—parang balewala lang sa kanya ang nangyari. Hindi man lang nagmukhang guilty sa harap ng best friend niya. Sa halip, mayabang pa itong naglakad papalapit kay Red, may mapanuksong ngiti sa labi.
Saan siya kumuha ng kakapalan ng mukha?
"Mas nauna siyang naging akin bago pa man naging kayo, Red. Huwag kang umasta na para bang naging iyo talaga siya." Nakangising aso si Cassandra habang binibigkas ang mga salitang iyon.
Napaawang ang bibig ni Red. Napalingon siya kay Darren, pero hindi man lang ito makatingin nang diretsahan sa kanya. Bigla siyang nabingi sa sinabi ni Cassandra. Hindi niya inakala na sa lahat ng tao, sa best friend pa niya manggagaling ang ganoong pananalita.
"Putangina."
Napatawa siya nang mapait habang patuloy na dumadaloy ang luha sa kanyang pisngi.
Isang bagay lang ang malinaw sa kanya—tinraydor siya.
"So matagal niyo na akong niloloko? Hahaha, bullshit! Matagal na pala akong naging tanga sa paningin niyong dalawa?!"
Napapailing siyang tumawa habang umiiyak, hindi alam kung galit ba o matinding sakit ang nangingibabaw sa kanya.
"Come on, Red. You are better than this. Hindi ba't palaban ka?" sagot ni Cassandra, may halong panunuya sa boses nito.
Pinunasan ni Red ang mga luha niya at pilit tinulungan ang sarili na tumayo mula sa pagkakaupo. Malalim siyang huminga bago itinama ang tingin kay Darren—na hanggang ngayon ay nakatungo, parang duwag na nagbubulag-bulagan at nagbibingi-bingihan sa lahat ng nangyayari.
"We're through."
Diretso niyang sinabi iyon kay Darren, dahilan upang agad itong mag-angat ng tingin sa kanya.
Kitang-kita niya ang takot sa mga mata nito.
"N-no," mahina nitong sambit, halatang naguguluhan, wari bang hindi alam ang isasagot o gagawin.
ANG KAPAL NG MUKHA!
"Shut up, Darren! Hindi mo siya kailangan sa buhay mo! Pinagbigyan lang kita noon na makasama mo pa siya, pero ngayong alam na niya ang lahat, sa akin ka pa rin! Ako ang nauna mong nakilala, kaya dapat sa akin ka lang!" sigaw ni Cassandra, halos hindi na maitagong pagmamay-ari niya si Darren.
Hindi niya namalayan na nakalapit na pala si Red sa kanya, dahil nakatutok lang siya kay Darren. Isang malakas na sampal ang tumama sa kanyang pisngi, dahilan upang mapaatras siya sa gulat.
Halos masiraan siya ng loob sa ginawa ni Red kaya't akma siyang gaganti ng sampal, ngunit bago pa man niya ito magawa, biglang itinaas ni Red ang hawak niyang basag na bote.
"Subukan mo."
Diretsong banta iyon mula kay Red, ang boses niya ay malamig at puno ng pananakot. Saglit siyang tumingin sa kamay niyang isinampal kay Cassandra, saka napailing.
"Ang sakit ha? Tangina, ang tigas pala talaga ng pagmumukha mo. Noon, mataas ang tingin ko sa'yo, Cassandra. Pero ngayon? I just realized you're nothing but a brainless, stupid motherfucker."
Dumilim ang mga mata ni Red, pero mabilis siyang tumawa nang mapait.
"Hindi ako makikipag-agawan sa'yo, Cassandra. Alam mo kung bakit? Because I am way better than you. Sino ka ba? Pinulot lang naman kita kung saan, remember?" Mayabang na saad niya bago tumalikod at naglakad patungo sa pinto.
Bago pa siya lumabas, muli siyang lumingon, may matalim na ngiti sa labi.
"Since kayo naman na pala, ano? I ordered a Rolex under Darren's name. Hindi pa 'yon bayad. Have fun canceling it—kung pwede pa. Or better yet, bayaran niyo gamit ang lahat ng perang in-invest ko sa inyo."
Lumapit siya sa may pinto at ngumiti nang matamis.
"Happy Anniversary."
Saka siya tuluyang lumabas.
"YOU b***h!"
Rinig niyang sigaw ni Cassandra mula sa loob, pero hindi na niya ito pinansin. Sa halip, tuloy-tuloy siyang bumaba sa hagdanan—matikas, hindi man lang lumilingon.
(End of Flashback)
Napangiti siya nang mapait habang bumabalik sa alaala ng masakit na pangyayaring iyon. Cassandra had been her dearest best friend—halos itinuring niya itong kapatid dahil sa kanilang sobrang lapit sa isa't isa. Hindi man lang sumagi sa isip niya na kayang ipagpalit siya nito, at mas lalong hindi niya inakala na ang dahilan ay isang lalaki. Noon pa man, nangako silang dalawa na hinding-hindi mag-aaway dahil lang sa pag-ibig.
At ngayon? Ang pangakong iyon ay mistulang abo na itinangay ng hangin.
Naputol ang kanyang pag-iisip nang marinig ang katok sa pinto.
"Come in," aniya, bumalik sa kasalukuyan.
Pumasok si Dana, kaya bumalik siya sa kanyang pagkakaupo.
"Mrs. Fuentes, the owner of Fuentes Condominium, would like you to design her gown for the upcoming auction, Miss Red. Our designers are fully booked due to the pending work from last summer. Are we going to accept it?" tanong ni Dana.
Sandali siyang nag-isip bago sumagot.
"Mrs. Fuentes is a friend of mine. Whenever she orders again, please accept it no matter how busy we are. Pwede naman natin 'yang ihabol."
Tumango si Dana bilang sagot at nagpaalam bago lumabas ng opisina.
Pagkatapos ng usapan nila, muling nagbalik si Red sa kanyang ginagawa. Kailangan na talaga niyang simulan ang pagde-desenyo. Nitong mga nakaraang araw, tila nawalan siya ng gana sa trabaho. Hindi pa rin niya lubos na matanggap ang ginawa sa kanya ng dating best friend at ex-boyfriend niya. Masakit pa rin ang lahat, at kahit anong pilit niyang kalimutan, may bahagi pa rin ng puso niya ang nagrereklamo sa sakit ng pagtataksil.
Pero ano pa nga bang magagawa niya? Nangyari na ang dapat mangyari.
Sa isang malalim na buntong-hininga, sinubukan niyang iwaksi ang negatibong emosyon.
"Come on, Red. Leave the past for what it was. They are not even worth thinking about," bulong niya sa sarili, bago muling itinuon ang atensyon sa trabaho.