Hindi ko na pinansin si Kuya Jian. Mukhang wala rin naman sa mood na mamansin kaya di na rin ako nag-abala pa ng magbukas ng usapan. Mabilis ang patakbo ni Manong kaya noong biglang magred lights ay mabilis na nagpreno. Napalapit tuloy si Kuya Jian sa akin. Umayos ako sa pagkakaupo kaso lalo lang akong napalapit sa kanya. Halos hindi ako nakahinga sa sobrang lapit ni Kuya Jian. Kung siguro nangyari ito noon, baka mahimatay ako sa sobrang kilig. Kaso wala na akong gusto sa kanya kaya awkward na ang nararamdaman ko. Besides, boyfriend ko na si Von at may fianceé na siya. Lumayo siya at umubo. Tumingin din siya sa labas at hindi na ako nagsalita. Nakarating kami at mabilis akong lumabas doon. Lumiko ako pero hinawakan ni Kuya Jian ang kamay ko. Napapitlag ako ng binalingan ko si

