XXIX

1209 Words

    Nakailang beses ata kami hanggang kanina. Kulang na kulang ang naging tulog namin pero maaga akong nagising.     Bumungad sa akin ang kanyang mukhang tulog na tulog. Nakapatong ang kanyang mga binti sa aking binti at nakayakap ang kanyang malalaking braso sa aking baywang. Kinalas ko iyon para makapagluto na ng umagahan ng lalo niya iyong higpitan at sinubsob ang kanyang mukha sa aking leeg sa sobrang antok.     Napailing ako.     "Von.. Gusto ko nang bumangon." Bulong ko pero hindi siya natinag at umungol lang sa leeg ko.     Kinurot ko iyong pisngi niya. Bumangon siya at nagmulat ng mata. Masama ang kanyang tingin sa akin. Inirapan ko siya at sinimangutan.     "Gusto ko nang bumangon. Magluluto ako ng breakfast."      Iyon ang sinabi ko at ngumisi agad siya. Tinagtag rin niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD