Makailang lunok muna ang ginawa ni Maia bago ito nakapagsalita. Tumayo siya at lumapit sa asawa ng nakangiti. "Hayssss... Bakit ba kasi hindi kaagad kita narinig na dumating daddy eh," umpisa ni Maia at niyakap ang asawa, "mapipilitan pa tuloy akong sabihin." "Ano ba kasi iyon? May hindi ka sinasabi sa akin?" seryosong tanong ni Dr. Saavedra. "Kasi nga, gusto ko sanang makatulong sa 'yo. Ayaw ko na kasing parang palamuti lang ako rito sa bahay. Kaya sumubok akong maghanap ng trabaho. Pero hindi naman ako natatanggap," napahalakhak pa si Maia. "Ginawa mo iyon?" natawa na ring sambit ni Dr. Saavedra. "Oo nga! Tapos ayun, dahil hindi nga ako natatanggap, tinigilan ko na muna at balak ko sanang sabihin sa 'yo na bigyan mo na lang ako ng something na mapagkakaabalahan. Like any business,"

