Gulat na gulat si Meng nang marinig ang pagbagsak ng pinto sa itaas. Kasalukuyan niyang iniaayos ang hapagkainan nang gabing iyon. Nagtataka niyang tiningnan si Calix na kabababa lamang. Halos kadarating lamang ng dalawa at wala naman siyang napansin na kakaiba kaninang pinagbuksan niya ang mga ito. Pagkababa kasi nina Calix at Yñigo ay dumeretso sila sa itaas para magbihis habang inihahanda niya naman ang hapagkainan. Pero ilang sandali lang nga at narinig niya ang malakas na pagbagsak ng pinto. Hindi niya tuloy alam kung masyado lang bang okupado ni Maia ang isip niya kaya hindi niya napansin na may kakaiba na naman sa dalawa. "Calix, hindi pa ba kayo nagkakausap nang ayos ni Yñigo? O may panibago na naman kayong pinag-aawayan?" usisa ni Meng kay Calix nang lumapit na ang lalaki sa kusi

