Hindi halos makaimik si Calix sa mga narinig kina Yñigo at Meng. "I know it was my fault, and I—" "Kalimutan na natin iyon. Ang importante ngayon sa akin ay ang maayos ni papa ang problemang ito," pagputol ni Calix kay Yñigo. "Maghahanda lang muna ako ng hapunan natin. Gabi na, alam kong gutom na rin kayong dalawa," saad naman ni Meng at dumeretso na ito sa kusina. Naiwan namang nagpapakiramdaman lang sina Calix at Yñigo na naiwan sa sala. Maya-maya ay tumayo si Calix at binuksan ang TV upang mabawasan ang tensiyon sa pagitan nila ni Yñigo. Eksakto namang flash report ang bumungad sa telebisyon. Pinakinggan ni Calix ang balita nang makita ang naka flash na headline na isang taxi driver umano ang natagpuang patay sa gilid ng isang kalsada malapit sa Pangasinan. Habang pinakikinggan iyon

