Inilibot ni Meng ang paningin sa kabuuan ng bahay na pinagdalhan sa kanya ni Calix. Pagkapasok na pagkapasok ay sala ang bumungad kay Meng. Ayon sa lalaki, iyon na ang magiging tahanan nilang mag-asawa. Mababanaag pa rin ang lungkot sa mga mata ni Meng nang mga sandaling iyon. Matapos kasi ang nangyari sa kanila ni Irene ay agad din itong umalis at bumalik sa pinag iwanan kay Calix.
"Umupo ka na muna," nakangiting alok ni Calix sa kanya.
Sumunod naman si Meng. Umupo siya sa couch na naroon. May coffee table sa gitna at malaking telebisyon sa harapan ni Meng. Sa likuran ng telebisyon ay may makikitang hagdan. Kapag naglakad ka naman mula sa kinaroroonan ni Meng at nilagpasan ang hagdan, kusina ang bubungad at may cr din sa bandang kanan.
Maya-maya ay may inilapag si Calix sa mesa na isang bote ng mamahaling alak at dalawang kopita. Natawa pa si Calix nang biglang kunin ni Meng ang alak at sinalinan ang isang kopita pagkatapos ay agad iyong nilagok.
"Careful," napapailing na sabi ni Calix.
Napatingin pa si Calix sa suot ni Meng. Shorts na panlalaki at itim na t-shirt na maluwang. Nagpalit na kasi si Meng kanina bago pa sila tuluyang bumiyahe. Isang bag ng gamit ni Meng ang nasa sasakyan ni Calix kaya naman may nagamit pamalit ang babae sa gown nitong punit ang laylayan.
Isang oras pa ang lumipas at umiiyak na si Meng.
"Alam mo ba, mahal na mahal ko si Irene..." humihikbing sabi ni Meng habang nakatitig sa guwapong mukha ni Calix. Medyo singkit ang mga mata ni Calix na binagayan ng mahahabang pilikmata.
Nakatitig lang naman si Calix kay Meng. Wala siyang sinabi hanggang sa maya-maya ay nilapitan na nito si Meng. Napatigil naman sa pag-iyak ang babae at napatitig na lang sa guwapong mukha ni Calix. Mapupungay ang mga mata ni Calix at sobrang tangos ng ilong. Mapula rin ang may kakapalang labi nito.
Napasinghap si Meng nang dumampi ang labi ni Calix sa labi niya. Dala na rin ng tama ng alak, natagpuan ni Meng ang sariling nagpapaubaya kay Calix. Tinanggal kaagad ni Calix ang t-shirt ni Meng pati na rin ang bra nito.
"Hmmm..." mahinang ungol ni Meng nang magpalipat-lipat ang dila ni Calix sa mga u***g niya.
Mabilis namang isinunod ni Calix na tanggalin ang shorts ni Meng. Napangiti pa si Calix nang makitang brief ang suot ng babae imbes na panty. Mabilis na rin iyong tinanggal ni Calix at agad siyang sumubsob sa bumungad sa kanyang mabuhok na pag-aari ng babae. Sumubsob doon si Calix at sarap na sarap naman si Meng sa bawat pagdampi ng makakapal nguni't malambot na labi ni Calix. Nang makita ni Calix na naglalawa na ang p********e ni Meng ay tumigil na siya roon upang tanggalin naman ang kanyang kasuotan. Nang wala ng kahit anong saplot si Calix ay mabilis na siyang kumubabaw kay Meng.
"Basang-basa ka na..." anas ni Calix bago itutok ang ari sa basang-basa ng p********e ni Meng.
"I-irene..." iyon ang nabigkas ni Meng na tila nakalimutang si Calix ang kasama.
Hindi naman iyon inintindi ni Calix dahil mas nangingibabaw ang pagnanasa nito sa babae.
"You're so tight," nasisiyahang sabi ni Calix.
Napangiwi naman si Meng dahil sa kaunting kirot na sumigid sa kanya. Iyon kasi ang kauna-unahang pagkakataon na may umangkin sa kanyang lalaki. Sa edad niyang twenty ay si Irene pa lamang ang nakasiping niya.
Maya-maya ay bumilis na ang pag-indayog ng katawan ni Calix sa ibabaw ni Meng.
"Ooohhhh... ang sarap mo..." halos tumirik ang matang sabi ni Calix.
Si Meng naman ay walang pakialam sa nangyayari sa kanya. Kahit na may lalaking nakaibabaw sa kanya ay mukha ni Irene ang kanyang nakikita...
FIVE YEARS LATER
Makikita sa labas ng gate si Meng na may karga-kargang bata na nasa tatlong taong gulang. Masaya itong nakikipag tawanan sa kaharap na babae. Maya-maya ay sunod-sunod na busina ang nagpalingon sa kanilang dalawa.
"Si Calix," nakangiting sambit ni Meng sa babaeng kausap.
Agad na iniabot ni Meng ang batang karga sa babae at nagmamadaling binuksan ang gate upang maipasok na ni Calix ang sasakyan. Subali't unti-unting napalis ang ngiti sa labi ni Meng nang makitang nakasimangot at madilim ang anyo ni Calix habang ipinapasok ang sasakyan. Nakababa kasi ang bintana ng sasakyan kaya nakita ni Meng. Mabilis na niyang isinara ang gate at kumaway na lang sa babae at batang karga nito. Kapitbahay nila at madalas kakuwentuhan ni Meng ang mag-inang iyon. Matapos maisara ang gate ay lumapit na kaagad siya sa pababang si Calix.
"C-Calix, may problema ba?" alanganing tanong niya.
Sa limang taon kasing pagsasama nila ay madalang lang makita ni Meng na magkaganoon si Calix.
"Si papa," mahinang sambit ni Calix matapos iabot kay Meng ang attache case na hawak nito.
Napabuntung-hininga si Meng nang tuluyan nang pumasok si Calix sa bahay nila. Hindi na niya kailangang humingi nang mahabang paliwanag sa asawa. Alam niya na kaagad na ang tungkol sa pagkakaroon nila ng anak ang tinutukoy ni Calix.
"What are we gonna do?" tila nanghihinang sabi ni Calix habang nakaupo sa sofa sa kanilang sala. Bahagya pa nitong niluwagan ang necktie na suot.
Nasa loob na rin si Meng noon kaya naman umupo ito sa harapan ng asawa.
"Ayaw mo ba talagang magpatingin na tayo?" kalmadong sabi ni Meng.
Sa loob kasi ng limang taon na hindi pa sila nakakabuo, naimungkahi na ni Meng kay Calix na magpatingin sila.
"What if... lumabas na ako ang may diperensiya? Paano na ako?!" puno ng hinanakit na sabi ni Calix.
Naaawa si Meng sa asawa. Takot kasi si Calix na hindi nga makatanggap ng mana sa mga magulang. Paulit-ulit na ring sinabi ni Calix sa kanya na hindi nito kakayanin sakaling mawalan nga ito ng mana. Sanay na sa karangyaan ang lalaki.
"So, paano natin sosolusyonan?" tumayo si Meng at lumapit kay Calix. Hinawakan nito ang kamay ni Calix nang nakaluhod na ayos sa harapan ng lalaki, "hindi matatapos ang problema natin kung hindi natin susubukan, Calix," dagdag niya.
Tila inis naman na pinalis ni Calix ang kamay ni Meng at tumayo mula sa pagkakaupo.
"Ang daling sabihin sa'yo niyan dahil alam kong matagal ng gustong makawala sa akin para makabalik kay—
"Irene?" putol ni Meng.
Pagalit din na tumayo si Meng at pilit na iniharap ang mukha kay Calix.
"Hanggang kailan tayo magiging ganito? Ha? Tingin mo ba si Irene lang talaga ang dahilan ko kung bakit gusto ko na itong matapos?!" napataas na ang boses ni Meng.
Paiwas namang lumayo si Calix nguni't sinundan pa rin siya ni Meng.
"Gusto ko nang matapos ito dahil gusto ko ng maging tayo... yung tunay na tayo, Calix. Gusto kong parehas na tayong maging masaya sa buhay-buhay natin. Naiintindihan mo ba?" mangiyak-ngiyak na sabi ni Meng.
Nakaramdam naman ng awa si Calix sa asawa. Alam niya na kung nahihirapan siya sa sitwasyon nila ay mas nahihirapan si Meng. Tuwing magsisiping sila ay alam niyang pilit na pilit iyon sa babae. Minsan tuloy ay naisip niyang kaya siguro hindi rin sila makabuo ng bata ay dahil parehas nilang hindi gusto ang nangyayari.
"Maghahanda lang ako ng hapunan," maya-maya ay malamig na sabi ni Meng.
Habang pinagmamasdan ni Calix si Meng ay nakaramdam siya ng konsensiya...
Nakokonsensiya siya hindi lang dahil sa nahihirapan si Meng sa sitwasyon nila. Nakakaramdam siya ng konsensiya dahil sa isang lihim na hindi niya masabi sabi kay Meng...