Chapter 10

1732 Words
[Sydney Paralejo's POV] "Ano 'to- ba't lumilindol?" sabi ko na nakapikit ang mga mata. I tried to stand once again as the light bulbs above me started to shatter one by one nang biglang lumagapak sa akin ang napakalakas na hangin na ikinatumba ko ulit. Parang bagyo kung makasagasa ang malakas na hangin sa katawan ko. I firmly held on the bookshlef near me to support and stop myself from being flown away. "What the h*ll is happening-" hindi ko natapos ang aking sasabihin nang may mga librong nahuhulog galing sa itaas at natatamaan ako sa aking ulo. I groaned in response. Humugot ako ng lakas para itayo ang aking dalawang paa habang sumasandal sa bookshelf. Ininda ko ang paggewang-gewang ng aking katawan dahil sa malakas na lindol at mahigpit na niyakap ang libro sa aking dibdib. Nang makatayo na ako ay hindi ko ipinalipas ang pagkakataon at sumigaw ako nang napakalakas. "Hindi naman ganito kalakas ang lindol dito! Parang mahahati ang mundo sa lakas na 'to!" bulong ko sa sarili ko. Bigla akong napaisip sa aking ginawa bago nangyari ito lahat. I was reading a book. An odd book. And after chanting those words in the poem, biglang nagsidatingan ito lahat dito sa library. Agad-agad kong binuklat ang libro na kanina ko pa yakap-yakap sa aking dibdib habang nanginginig ang mga kamay. Patuloy ang paggalaw ng sahig kaya't hindi ko masyado mabasa ang nakasulat sa libro. Nang nakuha kong ibalanse ang aking sarili ay mas nakikita ko na ang mga salita. Hinanap ko kaagad kung ano ang pwede bigkasin para tumigil ang mga nangyayari sa paligid ko. Nang makakita ako isang pangalan ay binigkas ko kaagad ito kahit malabo pa rin tignan. "Mor--" biglang naputol ang aking boses nang bumuhos sa aking ulo ang napakaraming libro na siyang dahilan para mabitawan ko ang libro. Naiiyak akong dumapa sa sahig at parang gumuho ang mundo ko nang makitang humalo ang libro na 'yon sa sandamakmak na libro na nasa sahig. This can't be happening. Seriously? On a time like this? May kadugtong pa sana 'yong pangalan ngunit nakalimutan ko. With that, agad ako nag-isip sa itsure ng librong 'yon. "Gray cover, malaki-laki ang size at medyo makapal ang mga pahina," pauli-ulit kong sambit sa sarili ko habang hinahawi ang napakaraming libro sa harapan ko. Hindi pa rin tumigil ang hangin at lindol sa paghasik ng lakas nang sa wakas ay nakita ko ang libro na nasa pinakailalim at natabunan ng sandamakmak na libro. I quickly picked the book up and held it with both hands. Halos wala akong makita dahil kung saan-saan lumilipad ang buhok ko dahil sa hangin. I used all my strength to stand up on both feet at tinapos ang pangalan na sasabihin ko sana kanina. "MORPHEUS!" I screamed on the top of my lungs habang nakahawak sa estante. The moment I said the words ay para bang nakinig ang mundo sa mga salita ko. Biglang huminto ang malakas na hangin at nakakawindang na lindol. Bigla ring nagsiliparan ang mga libro na nasa sahig at bumalik ito sa kanilang dating pwesto. Lumingon ako sa itaas at nakita ko kung paano nabuo ulit ang mga ilaw galing sa pagkakawasak nito kanina. Everything started to get fixed until naging kagaya ito ng dati. Para akong estatwa sa aking kinatatayuan habang yakap pa rin ang libro sa dibdib ko. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makapagsalita dahil sa nangyari. "What just happened..." bulong ko sa aking sarili. When I got back to my senses, binaling ko ang aking mga mata sa libro na aking hawak at sa takot ay natapon ko ito sa sahig. I took a few steps backwards at kumaripas agad ako ng takbo at agad pumunta sa desk ng librarian. I could see students looking at me suspicously but I did not bother to look back and just ran straight ahead. Hingal akong dumating sa librarian at nag-alala naman siya sa kondisyon ko. "Ms. Paralejo? Are you okay?" she asked sincerely. Imbis na sagutin ang kanyang tanong ay agad ako nag-angat ng tingin sa kanya at nagtanong, "Nakita niyo po ba 'yon?" Nagkasalubong naman ang kanyang dalawang kilay at napatingin sa likod ko. "Nakita ang alin, Ms. Paralejo?" sabi niya habang ibinalik ang atensyon sa akin. Tumingin naman ako sa likod ko at kitang kita ko na payapang nagbabasa ang dalawang estudyante sa isang table. How come they're so calm? Hindi ba sila nataranta sa nangyari? Bumaling ulit ako sa librarian at nagpaliwanag, "May lindol tapos biglang may pumasok na napakalakas na hangin tapos 'yong mga libro galing sa bookshelves ay nahulog lahat tapos 'yung mga ilaw pumutok tapos-" Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kanya ang nangyari. Ayokong magmukhang tanga dahil totoo naman talaga lahat ng sinabi ko. Pero imposible rin na mangyari iyon lahat nang sabay-sabay na para bang may galit ang mundo sa akin at sa akin lamang dahil ako lang ang nakakita at nakaranas lahat ng iyon kanina. "Sydney, kumalma ka muna, hija, dahil hindi kita maintindihan," pagpuputol niya. "Anong lindol ang sinasabi mo? Tapos hindi naman makakapasok ang hangin dito kasi sinara ko ang mga bintana," pagpapaliwanag rin niya. Tulala akong nakatingin sa kanya. This is a joke, right? This isn't true. She must be joking. Halos akala ko nga mahahati ang library dahil sa lakas ng lindol, akala ko nga mapupunit na yung kisami sa lakas ng hangin, at akala ko matutumba na 'yong mga bookshelves sa akin kung hindi kaagad ako sumigaw. Dahil hindi pa rin ako naniniwala, nagtanong pa ako, "Po? Hindi po lumindol? Halos kainin na nga po ako ng sahig kanina dahil sa lakas ng lindol at impossible po na hindi niyo nakita iyon. Even the books from the bookshelves were falling one by one," sabi ko sabay turo sa kung saan ako nakatayo kanina kahit na hindi makikita dito mismo galing sa desk niya. Sinudan niya naman ng tingin ang tinuro ko saka huminga nang malalaim. "Hija, walang lindol. Walang hangin. At mas lalong hindi natapon ang mga libro," she said clearly. This is absolutely preposterous. Does this mean ako lang ang nakakita no'n lahat? Ako lang ang nagkandrapa dahil sa lindol, hangin, at mga libro kanina? Binibiro ba ako nito? Dahil hindi pa rin siya naniniwala sa sinabi ko, nagsalita ako, "Nabasa ko itong kakaibang libro at pagkatapos kong basahin ito ay bigla na lamang nangyari 'yong lahat na sinabi ko," pagpapaliwanag ko, "Teka lang po. Kukunin ko ang libro," saka ako tumalikod at pinuntahan ang aking dating pwesto. I could hear her calling for my name pero hindi na ako mapakali at hindi ako makapag-isip ng matino. Habang naglalakad ako ay tinignan ko ang mga libro sa bookshelves at kitang-kita ko na naka pwesto ito perfectly na para bang hindi ito nagalaw. I was starting to panick as I hastened my pace at para marating ang pwesto ko noon. Nang makarating ako ay hinanap ko sa sahig ang libro kung saan ito natapon kanina. Unfortunately, I couldn't find a single trace of the book on the ground kaya hinanap ko ang kakaibang libro sa mga encyclopedia dahil dito ko ito nahanap kanina. I started to scramble the books, putting every book one by one on the ground as I am still careful not to damage it. Nakarinig ako ng mga yapak at alam kong ang librarian iyon dahil siya lamanag ang nakausap ko kanina tungkol dito. "Sydney, ano ba kasi ang hinahanap mo?" hingal niyang sambit. After minutes of searching for the book desperately, I wasn't able to find it. Or rather, it vanished na parang bula. Para akong mangiyak-ngiyak dahil alam kong nandito 'yong libro kanina at hindi ko iyon guni-guni lamang. Nag-alala na nanood ang librarian sa akin habang patuloy kong kinakalkal ang mga encyclopedia para mahanap ang librong iyon. Kung pwede ko lang baligtaran ang library na 'to ay gagawin ko para makita ko ulit iyon at maipakita sa librarian na totoo lahat ng sinabi ko. "May libro po kasi dito kanina na binasa ko. Gray ang color at medyo malaki siya. Makapal rin po ang mga pages nito. Ang pamagat po no'n ay Dreams and Wonders. May libro naman po kayo no'n dito, diba?" tanong ko sa kanya. "Dreams and Wonders? Wala akong matandaan na may libro na ganyan ang pamagat dito, hija," sabi naman niya. Nang sinabi niya iyon ay parang gumuho ang mundo ko. Nang mapagtantong nawala nga ang librong 'yon ay dahan-dahan akong tumayo at tulala na nakatingin sa mga bookshelves. May sinasabi ang librarian ngunit hindi ko masyado marinig kasi para akong nababaliw kung saan napadpad ang libro na 'yon. Napaatras ako ng tatlong hakbang bago kinuha ang dala kong bag at kumaripas na naman ng takbo palabas ng library. "I'm sorry po. Kailangan ko na po umalis," sabi ko at iniwan ang librarian doon. This is madness. Is she saying that none of them saw what happened to me? Walang nakaramdam ng lindol at malakas na hangin? Does that mean I was hallucinating? Guni-guni ko nga lang ba 'yon? Hindi ko na alam kung anong paniniwalaan ko. I walked out of the room in a fast pace. Ang mga mata ko ay nakatingin lamang sa sahig habang naglalakad patungo sa susunod na klase. Napapansin ko na tumatabi ang mga estudyante habang naglalakad ako dahil nakikita ko ang kanilang mga paa na biglang liliko sa kabilang daanan. I am sure as well that their faces are puzzled because my hair is messed up. Iniisip siguro nila na nakipagsabunutan ako during lunchtime habang sila naman ay masayang kumakain sa canteen. Wala na akong pake sa kung ano man ang iisipin nila. Ang tanging tumatakbo sa aking utak ay ang nangyari kanina. The moment I said that name, biglang huminto lahat ng nasa paligid ko. That only means that all of what happened to me earlier has something to do with that book. Napa-isip ako sa mga salita na nasa tula sa librong iyon at ang tanging maalala ko lang ay ang pangalan na Morpheus. Other than that, naalala ko rin na sinabi doon sa mga unang mahina na kabilang ako sa "the chosen ones." That's just ridiculous. The chosen one? Why? Pinili para saan? Parang sasabog ang utak ko sa dami ng iniisip ko ngayon. Instead, I shook my head at mas binilisan ang aking lakad papunta sa next class. I never want to see that book ever again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD