[Cairo Gascon's POV]
We were already in our third period of the day and I sluggishly listened to the teacher's discussion. Based on what he said earlier, this subject is Personal Development so basically we will be talking about ourselves the whole year. I still couldn't get my mind out of what happened earlier. Hindi maalis sa isipan ko ang pagsampal sa kamay ko na ginawa ni Sydney. I can't blame her, though. I should've helped her in the first place before Chloe was able to come into the picture. Pilit kong inaalis iyon sa aking isipan because I really feel guilty but every minute or so ay bumabalik na naman siya sa utak ko.
"I have to make it up to her somehow," I whispered to myself.
The bell rang as it was already lunchtime. Our teacher dismissed the class and we started putting our things back in our bags. Just as I was putting my notebook in my bag, a hand appeared and waved in front of my face. Napatigil naman ako sa pag-aayos ng bag saka tumingala sa kanya nang makita ko ang isang matangkad na lalaki.
"Oy, tol. Grabe, hindi mo lang man ba tatanggapin ang kamay ko?" tanong niya.
I stared at his hand for five seconds at saka ko napagtantuhan na gusto niya pala makipag-shake ng kamay.
"Oh, I'm sorry. Ako si Cairo. You can call me Cai," sabi ko habang tarantang hinawakan ang kanyang kamay.
Tumawa naman siya saglit bago nagsalita, "Paulo naman pangalan ko. Nasabi kasi ni Ken na nagkausap kayo kanina. Gusto mong sumabay sa amin kumain sa canteen?" tanong niya.
Napaisip naman ako sa sinabi niya. Ken? I traced back who I talked to earlier at natandaan si Ken na nagpakilala kanina sa first period ng klase namin. Baka kaibigan niya rin itong si Paulo.
"Sige ah," I said as we let go of our hands.
Inayos ko munang inilagay ang mga gamit ko sa bag saka sabay kami ni Paulo na naglakad palabas ng room. I looked back once again in hope of seeing Sydney ngunit hindi ko siya nakita dahil sa mga tao na lumalabas ng silid. Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad habang kausap si Paulo patungo sa canteen.
Nang makarating doon ay hindi ko inakala na ang dami palang estudyante ang nandito. Aside from that, naghahalo ang amoy ng iba't ibang mga putahe sa ilong ko. May pila sa bandang dulo ng canteen habang nakahawak sila ng tray. Parang buffet style. May ibang mga estudyante ang kumakain at masayang nag-uusap sa mga tables at ang iba naman ay naglalaro sa kanilang cellphone. Tulala akong nakatingin sa aking nakikita nang may kumuhit sa aking balikat at nakitang si Paulo 'yon. Humarap ako sa kanya at itinuro niya naman ang kanyang daliri sa harapan ko. Pinasadahan ko naman iyon ng tingin at nakitang may mga estudyanteng puro lalaki sa isang table at itinaas nila ang kanilang kamay habang nakatingin sa amin.
"Dito, tol!" pagtatawag niya.
Ako naman ay bumaling sa likuran ko dahil baka iba ang tinutukoy niya.
"Tayo 'yon, tol. Halika, mga barkada ko sila," saka kami sabay na pumunta sa mesang iyon.
I couldn't help but look at other students who are happily eating at their tables and some are even taking selfies of themselves. Nang makarating kami ay nagsalita kaagad si Paulo.
"Mga tol, may bago tayong kasama ngayon. Magpapakilala ka," sabi niya habang nakatingin sa akin.
"Hello, guys. Ako pala si Cairo. Pwede niyo akong tawaging Cai," pagpapakilala ko.
Nagpakilala rin sila sa kanilang sarili, tatlo sila, saka kami sumali at umupo ni Paulo doon. Isa-isa silang nagtanong sa pinanggalingan ko dahil hindi naman ako rito nag-junior highschool at parang ako lang ata sa klase namin ang gano'n. Nang napansin naming kumukonti na ang pila sa likod ay saka kami pumunta at sumali na rin sa pila. Habang nasa pila ay nakita ko na nakasabit sa taas ang isang placard na may sabi na "Pay as you order". Naghanda naman agad ako ng barya para hindi ko na maabala ang mag-oorder na kasunod sa akin.
When it was already my turn to order, I stood there astonished as I could see different viands in front of me. Halos hindi ako makapili dahil bawat amoy ng pagkain ay parang masarap at gusto ko silang matikman lahat. In the end, pinili ko na lang ang pinakbet, isang cup ng kanin, at isang bote ng coke.
"Magkano po isang serve nitong pinakbet, miss? At isang serve ng kanin?" tanong ko sa tindera.
"20 pesos ang lahat ng putahe at ang isang cup ng naman ay 10 pesos," tugon niya.
"Isa po nitong pinakbet at isang cup po ng rice," sabi ko pabalik.
"Sige. 'Yan lang ba?" she said as she scooped a serve of pinakbet and a cup of rice and put both on separate plates.
"Pasama na lang rin po ng isang coke," dagdag ko nang makitang may malaking soft drink refirigerator sa likod niya.
"Sige. 10 pesos itong coke bale 40 pesos lahat-lahat," sabi niya sabay bukas ng refrigerator at kumuha ng isang bote ng 12 oz na coke.
Inabot ko naman ang isang daan at tinanggap ang isang tray na pinaglalagyan ng aking na-order na pagkain.
Umalis na ako sa harap ng tindera at dahan-dahang naglakad patungo sa table namin dahil ayokong may matapunan ng pagkain ko. Nang makita ko silang nakatingin sa akin ay napansin kong hindi pa nila ginalaw ang kanilang mga pagkain. I placed the tray of my food on the table and sat down.
"Bakit hindi pa kayo kumakain?" tanong ko naman. Nauna na silang naupo dito kanina since ang ang last na nasa pila.
"Hinintay ka kasi namin. At ngayong nandito ka na, tara kain na tayo," sambit ni Paulo habang kinukuha ang kanyang kutsara't tinidor.
Hindi ako makagalaw nang sinabi niya. Slowly, a smile crept into my lips as I started eating my lunch. Nang matikman ko ang pagkain ay lumiwanag ang aking mukha. This tastes so much better than our canteen in my older school. Bigla akong ginaganahan kumain pati ang mga kasama ko. I don't know how to describe the taste but all I can say is that it definitely satisfied my taste buds.
Habang kumakain ay marami kaming pinag-usapan. Tuwing magjo-joke si Ken ay tatawa naman kaming lahat, tuwing magkukwento si James ng mga naranasan niya sa buhay ay seryoso naman kaming makikinig, at ako naman ay nagkwento tungkol sa first impression ko sa school mismo at sa mga kaklase ko.
"Cai, naglalaro ka ba ng basketball?" biglang tanong ni Kurt sa akin habang nginunguya ang kanyang fried chicken.
"Paminsan-minsan lang. Inaaya rin kasi ako ng mga barkada ko dati," sagot ko naman pabalik.
"Nice, tol! Sama ka sa amin minsan. Tapos subukan natin sumali sa try-outs kapag may Intramurals na."
Intramurals. Naalala ko dati ang intramurals sa aming school at ni isang sports event ay wala akong sinalihan dahil hindi naman ako magaling sa basketball. Naglalaro lang ako sa bahay kasama ang kapatid ko sa backyard since may sarili naman kaming basketball ring doon.
Sometimes, I also play with my friends back then. Tuwing Intramurals ay nagsisilabasan ang mga magagaling sa iba't ibang mga patimpalak sa mga grade levels. Natandaan ko noong Grade 10 ako ay naging overall champion ang grade level namin dahil sa dami ng gold medals na nakuha ng aming batch representatives.
Sumunod naman nagtanong ay si Paulo, "Tol, sa syudad ka nag-aral noong junior high school no?"
"Oo. Sa General Santos City," sagot ko naman.
"Woah! Talaga? Saang school?" halos silang lahat ay napasambit no'n.
"Sa Notre Dame Dadiangas University?" tugon ko.
"Sa NDDU? Diba ang mahal ng bayarin doon, tol?" tanong ni Ken.
Inisip ko muna ang sasabihin ko. "Hindi naman masyado kapag junior high school ka pa lang kung ikukumpara sa senior high school at college dahil mataas na ang tuition no'n."
Nagpatuloy ako sa pagsasalita, "Pero may mga scholarships naman rin na pwede mong kunin para konti lang gagastusin sa college at kailangan mo lang i-maintain ang matataas na grado," sabi ko.
Nagpatuloy kami sa pag-uusap tungkol sa mga paaralan. Habang nagsasalita ako ay napasiip ako na mabababit naman pala ito silang apat. The fact that they approached me first is already a sign of kindness. Hindi rin naman ako bulag na hindi iisipin na baka may masama silang balak, pero sa ngayon ay wala akong ganitong nakikitang hidden agenda sa mga mukha nila.
They just want to be friends with me kaya sinali nila siguro ako sa grupo nila. I appreciate that. I don't really have that much circle of friends aside from the one I have back in the city, but it's good to meet new friends especially when you learn a lot of things about them. Gusto kong malaman kung ano ang ginagawa nilang libangan dito sa probinsya, gusto rin nilang malaman kung ano ang mga ginagawa kong libangan doon sa city.
Alam kong marami akong matututunan na mga aral galing sa kanila regarding province life dahil lumaki nga ako sa city at alam kong magiging kaibigan ko sila ng matagal.