Chapter 12

1267 Words
[Cairo Gascon's POV] "Ah," sagot naman ng halos nilang lahat. "Pangarap ko talaga ang makapag-aral sa malaking university balang araw sa college. Alam niyo ba 'yon?" sabi naman ni Kurt. "Oo naman. Ako rin kaya. Tapos sasali tayo sa mga varsity players ng basketball tsaka may mga tournament," masayahing sambit ni Paulo. "Ang daming manood no'n mga tol," sabi nila na ikinatawa lang namin. Tinignan ko lamang sila at bigla kong naalala ang mga dati kong kaibigan. Ganito rin ang setup namin noong nasa NDDU pa kami. We would hang out in one of the benches of the school, talk about life, about girls, and our future goals in life. We would go to the arcade in the mall and spend hours playing Tekken 6 or doon sa may mga baril-barilan. We would ride bump cars to spend our weekends and eat at Jollibee afterward. Siguro nanibago lang ako dito because there is no mall here, and no fast food chains. But what I appreciate a lot is how these people in front of me have big dreams of their own especially when they talk about their future plans in college. I miss my old friends. Nagpatuloy kaming magkwentuhan tungkol sa mga bagay-bagay. "Wala tayong pera tol, eh. Malabo na. Pati sa college, mas malaki gastusin," sabi ni Paulo. "Meron 'yan. Magagawan natin 'yan ng paraan. Sabi nga ni Cai diba na may scholarships roon. Dapat lang talaga pagsikapan natin na makakuha ng mga matataas na mga marka," sambit ni Ken. "Oo, guys. Pero para sa akin ha, wala naman 'yan sa paaralan na papasukan niyo. Dahil hindi ang eskelahan ang makakapagpa-graduate sa inyo kundi ang sarili niyo," paalala ko. If there is one thing that our teacher always tells us when we were still in junior high school, it's the fact that the school you're entering actually does not matter. Your performance does. The performance of the students is what makes the school become well-known to the public. Kung hindi matatalino at masisipag ang mga estudyante, hindi aangat ang mga passing rates ng mga schools sa iba't ibang licensure examinations. Patuloy akong nagsalita, "Ang mga estudyante ang nagbibigay ng pangalan sa eskwelahan mismo. Bale kung maganda ang performace ng mga estudyantye, maganda rin ang remarks ng mga tao sa eskwelahan kaya nagiging mas kilala ito sa iba't ibang lugar." Tumango naman sila sa mga sinabi ko. "Oo nga naman. Ang importante ay makapagtapos tayo. Makapag-hanap ng trabaho at makamit ang iba pang ating mga hangarin sa buhay," said Paulo. Tumango kaming lahat at nag-usap na naman ng ibang mga bagay ng hindi namalayan ay hindi na pala namin nagagalaw ang aming mga pagkain. "Alam niyo, dahil puro usap tayo, nilalamig na itong pagkain natin," sabi ni Kurt na ikinatawa naming lahat. "Oo nga mga tol. Kain muna tayo. Pagpapatuloy natin usapan mamaya kasi vacant naman ang susunod na klase," sabi ni James. Nang matapos kaming kumain ay nagligpit na kami sa aming kainan. Other students were finished as well at pinasalamatan ang mga tindera bago umalis ng canteen. We did the same as well and we exited the canteen afterward. Habang naglalakad, napag-isipan nila na tumambay muna kami sa bench sa may bandang soccer field. Nang nakita ko ang field ay doon ko lang nalaman na napakalaki pala ng paaralan na ito. May malalaking puno rin para hindi masinagan ng mainit na araw ang mga uupo doon. We sat down and enjoyed the breeze hitting on each of our faces. Sa paaralan namin dati, usually, napakainit sa labas kasi walang puno na makikita kaya nagkukunwari kami ng mga barkada ko na nagbabasa ng libro sa library kasi may air conditioner doon. Minsan nga ay natutulog ako at muntik na akong napagalitan ng nagbabantay roon kung hindi ako ginising ng mga barkada ko. Good old times. Nagpatuloy kami sa pag-uusap tungkol sa mga bagay sa isa't isa. Sinabi ko na mas babad ako sa paglalaro sa bahay ng video games kaysa gumala kasama ang mga kaibigan ko. Sabi naman ni James ay palagi siyang pumupunta sa dagat kasama ang papa niya para mangisda. Napahanga naman ako dahil alam kong mahirap 'yon. Sabi naman ni Ken ay madalas nasa labas siya at naglalaro ng basketball kasama 'yong mga kaibigan niya sa barangay nila. Sabi naman ni Paulo ay mahilig siyang magtugtog ng gitara at balak niyang bumili ng sarili niyang gitara balang araw dahil humihiram lamang siya sa kanyang tito. Sabi naman ni Kurt ay mahilig talaga siyang manood ng 'sabong' ng mga manok dahil may sarili silang alagang manok na siyang tinataya niya ng Papa niya saka nanalo sila. I was smiling all the time while listening to their stories. Iba-iba man kami ng estado sa buhay ay ayaw kong iparamdam sa kanila iyon. Gusto ko rin matutunan ang mga sinabi nila. Gusto kong masubukang sumama sa pangingisda, gusto kong samahan si Ken maglaro ng basketball sa barangay nila, gusto kong matuto tumugtog ng gitara gaya ni Paulo, at gusto kong manood ng sabong kasama si Kurt. I want to experience all of those things because I feel like it sounds so fun. It actually feels so nice to have your own circle of friends. Ramdam ko 'yong sense of belongingness. May kausap ako sa mga bagay-bagay at alam kong handa rin silang makinig kung may problema ako. Napasarap ang aming pag-uusapan nang mapansin namin na malapit na pala ang oras para sa next subject namin ngayong hapon. "Mga tol, malapit na pala next subject natin. Tara na baka ma-late pa tayo," sabi ni James. Tumayo na kaming lahat at nagsimulang maglakad patungo sa classroom ng next subject namin. Habang palapit na kami doon ay bigla naman nagsalita si Paulo. "Tol, si Sydney ba 'yon?" Agad akong napaangat ng tingin at sinudan ang mga mata ni Paulo. Halos hindi ko mamukhaan si Sydney nang makita siyang galit na naglakad patungo sa classroom namin. Nakatayo ang buhok niya at gusot-gusot ang uniporme niya na para bang sinabunutan siya. Nang makarating siya sa pintuan ng classroom ay agad siya pumasok. "Nakita niyo 'yon? Ano na naman kaya ang nangyari sa kanya?" tanong ni Ken. I remained silent. Naalala ko na naman ang nangyari kanina sa kanila ni Chloe. If Chloe is still the one who did this to her, she better have an explanation for this. Nang makapasok na rin kaming lima sa room na 'yon ay hindi pa dumating ang teacher. Nakita kong nakaupo si Sydney sa dati niyang pwesto at ang ibang estudyente ay nagtawanan habang nagbulungan. I walked right past them and eyed them from head to toe. I really don't like it kapag ganito ang ugali ng mga tao. We sat in our seats and the voices turned down as our teacher arrived. "Good afternoon, class," sabi niya. Tumayo naman kaming lahat at bumati pabalik. "Good afternoon, ma'am." As our teacher was having an orientation in our class, hindi ko mapigilan na lumingon sa direksyon ni Sydney. Everytime I look at her, nakatingin lang siya sa sahig at hindi gumagalaw. There was a time when she spoke to the girl beside her once but that was it. Nothing more. Even after the next classes that we took that afternoon ay ganoon pa rin siya hanggang sa nag-dismiss na ang teacher ng last period namin. Ni hindi siya kumibo at hindi siya tumingin sa mata ng aming mga kaklase and that really bothered me the most. Especially since Chloe was giggling from time to time habang kinakausap ang mga kaibigan niya. "Ano kaya ang nangyari kay Sydney?" tanong ko sa sarili ko habang pauwi sa bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD