[Sydney Paralejo's POV]
The afternoon came and we all went home after our classes. As usual, Sophia and I were walking down the road under the orange sky. Flocks of birds were chirping just right above us as the afternoon breeze felt like feathers touching our skin. There are fewer to no vehicles na dumadaan dito kaya masasabi mo talagang hindi maingay sa daanang ito. This is what I really love when I am walking towards my home. Everything is peaceful, everything is beautiful, and I get to clear my thoughts out of my head in the meantime.
Habang pauwi kami ni Sophia ay itinanong ko ang tanong ko dati na naudlot dahil may nangyari noong isang araw kay Mama at no'ng babae na biglang sumulpot sa bahay.
"Sophia, I have something to ask you," sabi ko ko sa kanya sa gitna ng aming pag-uusap.
"Okay. What is it, Sydney?" tanong niya na ikinasalubong ng kanyang mga kilay. I was about to ask this the other day if it wasn't for that woman with who we argued back at home.
"Noong isang araw, diba sabay tayo umuwi no'ng hinatid mo ako sa bahay?" tanong ko sa kanya habang nakatingin sa kanyang mga mata.
"Yeah. And?" sagot naman niya sa akin.
"After you started walking off on your own paalis ng bahay, sinundan kita," I stopped for a moment before saying the last two words.
Habang naglalakad kami ay napansin kong ang naririnig ko na lamang ay ang aking mga yapak at lumingon ako sa kanya. She was right there, standing right behind me, with a shocked face. As expected.
"S-sinundan mo ako?" utal-utal niyang sabi sa akin.
Bumuntong-hininga naman ako saka lumapit pabalik sa kanya, "Oo. But not because I was spying on you or something. I just want to make sure you made it home safely. But it turns out..."
Yumuko na lamang siya saka ako nagsalita. Nagpatuloy kami sa paglalakad ngunit ngayon ay mas mabagal kaysa kanina.
"May sasakyan naman pala kayo. And a personal driver at that," sabi ko sa kanya, "so I was relieved and went home afterward."
"Yeah. Our driver sends me to school and then also picks me up after school," sabi niya habang nakayuko pa rin.
Napansin ko na kahit sinabi na niya iyon ay nakayuko pa rin siya. Sa tuwing tinatawag ko ang pangalan niya sa usapan namin ay hindi siya tumitingin sa aking mga mata.
"Oo. Ba't naman nakayuko ka?" I asked her.
"I didn't want you to know about it because then... you'll probably ask why I still walk home with you if we have a car," sagot naman niya sa akin.
"Well, you're right. Bakit nga ba?" tanong ko naman sa kanya pabalik. Why does she still go home with me if they already have a car, though?
Huminga siya nang malalim saka nagsalita. "I don't have anyone to talk to sa bahay. Kaya sumasama ako maglakad sa 'yo kasi masaya kang kausap, Sydney," she said to me in a cracked voice na para bang nahihiya siya na sabihin ito.
Doon ko napagtantuhan na pati pala sa bahay nila Sophia ay wala siyang nakakausap. I don't know if it's true though but if it is true, nakakalungkot lang isipin ang buhay niya. The fact that she tries to be friends with our classmates only means that she lacks attention from other people. Which is why maybe she always talks to me. I can sense it that whenever she talks to me about the things she likes, parang ang saya niya. Parang first time niya magkwento ng buhay niya sa isang tao and I want her to know that I appreciate everything that she shares with me. Because that means she trusts me.
Regarding sa sinabi niya tungkol sa wala siyang kausap sa kanilang bahay, I don't want to ask furthermore about why she said that because that's clearly their business and I don't want to mind their business. I have my own business as well and she doesn't put her nose in it so I have to respect her boundaries as well.
"Thank you. Wala naman na akong problema doon. Pwede tayo sabay umuwi anytime," I assured her.
Tumango lamang siya at bumalik ulit ang sigla sa kanyang mukha.
On our way home, we talked about the activity earlier and I also told her about what I and my partner talked about kanina sa activity.
So much for that, nakarating na ako ng bahay and Sophia called her driver to come and pick her up. Hindi muna ako pumasok ng bahay nang hindi dumadating ang sasakyan nila dahil ayaw ko na bigla na lamang siyang iwan dito. Hindi pa naman siya familiar sa lugar na 'to.
When her driver arrived, I waved goodbye at her at pumasok na sa aming bahay. My Mom greeted me with a huge grin on her face. Yumakap naman ako sa kanya at tinanong kung bakit ang laki ng ngisi niya.
"Ba't ang saya niyo ata ngayon, Ma, ah?" tanong ko sa kanya habang nilalagay ang bag ko sa upuan.
She usually do not smile this much wide pero iba ang ngiti niya ngayon. 'Yung parang nanalo ka sa lotto at nakuha mo 'yung jackpot prize. Gano'n ang ngiti niya ngayon sa akin.
"Ang saya ko lang anak dahil may tumanggap sa akin na maglabada raw doon sa kanto na may malaking bahay. Narinig kasi niya 'yong nangyari noong isang araw at pumunta siya rito kanina para kumbinsihin ako na magtrabaho na lang sa kanila kaysa doon sa bar," she said excitedly.
"Ma, sigurado ka ba diyan? Baka niloloko ka lang niyan," pinahalahanan ko naman siya. Looks can be decieving and I don't want her to fall for that.
"Hindi, anak. Sinabihan ko nga na hindi ko tatanggapin ang alok niya pero siya ang nagpumilit kaya sinabi ko na pag-iisipan ko na lang muna. Mukha rin kasi siyang mabait na tao, anak," pagpapaliwanag niya sa akin.
Just as I said, looks can be deceiving. Hindi natin alam kung ano ang buong pagkatao niyan kaya dapat pa rin tayong mag-ingat. Hindi na lang 'yong basta-bastang tatango sa kung anong iaalok nila sa atin.
"Sino po ba nag-alok sa inyo, Ma? 'Yong amo mismo?" I asked her.
"Hindi, anak. Tauhan niya lang dahil 'yong amo raw ay may importanteng pupuntahan," she replied.
Nang sinabi niya 'yon ay mas lalo akong nagdadalawang-isip kung sasang-ayon ako sa desisyon ni Mama. It looks sketchy to me.
"Ma, 'wag ka magpapadala sa mga ganyan. May mga tao na mukhang mabait pero hindi naman pala," I said to my Mom.
Ngayon ay umupo na siya sa isa naming upuan. "Kaya nga, anak. Pero ayoko na talaga magtrabaho doon sa bar kaya nag-resign na ako kaagad no'ng pumunta ang manager ko dito tungkol sa nangyari noong isang araw," sabi niya sa akin.
Tumango na lang ako at nagsalita, "Mabuti na 'yan, Ma, na nakaalis ka na roon. Baka guguluhin na naman tayo ng ibang mga tao kahit trabaho lang naman sana ang pakay mo doon,"
"Oo nga, anak. Tatandaan ko 'yan at pag-iisipan ko 'yong mga sinabi niya," Mom said to me.
I felt relieved that she took my advice. Lalo na at hindi namin kilala kung sino 'yong tao na 'yon at baka mapahamak pa kami dahil sa isang maling desisyon. Hindi natin alam kung baka ang taong iyon ay nagpapanggap lamang at tauhan pala iyon ng babaeng nagsabunot kay Mama noong nakaraang araw. Based on her outfit the other day, masasabi ko na mayaman sila. And even if they are rich ay hinding-hindi ako papayag na basta-basta na lang nila kami apihin.
Dumiretso na akong pumasok sa aking kwarto at nagbihis ng pambahay. Naghanap ako ng damit na kumportable akong makagalaw at lalo na sa pagtulog. After we ate dinner ay nagpaalam ako sa Mama ko na nasa kwarto ko lamang ako dahil I have to review for our long quiz tomorrow sa Earth and Life Science. Bumalik na ako sa aking kwarto at inilabas ang aking mga naisulat na notes kanina habang nagdidiscuss si sir. Knowing him, halos sa kanyang mga quiz ay essays dahil gusto niyang malaman kung nakinig talaga kami at naintindihan namin 'yong concept ng lesson niya.
I studied for 30 minutes straight saka ako nagpahinga muna dahil sumakit nang konti ang aking mga mata.
Habang nagpapahinga muna ako sa pag-review ng aking notes ay bigla kong naalala ang lahat ng nangyari kaninang umaga. Hindi ko alam kung coincidence nga lang ba na biglang naging totoo 'yong panaginip ko pero imposibleng mangyari lahat ng iyon sa totoong buhay. Bakit kaya 'yon nangyari?
Napakamot ako sa aking ulo habang nag-isiip kung bakit nga ba naging totoo iyon. Sa gitna ng aking pag-iisip ay bigla kong naalala na magre-review pa pala ako. Agad-agad ako nag-ayos ng upo at patuloy na nag-study para sa quiz bukas.
After an hour, I was done reviewing all of my notes and I could feel my eyes falling out off of my face dahil sa antok na nararamdaman ko. Personally, I do not have a phone kaya hindi ko ma-check kung anong oras na at tinamad na rin ako lumabas para tignan ang wall clock namin.
Instead, inayos ko na ang aking mga gamit sa bag para bukas ay hindi ako magtataka kung may nawawala ba nito. I tucked myself to bed at pilit na ipinikit ang aking mga mata. Bigla naman akong napadilat nang naalala ko na naman ang nangyari kanina.
Kung totoo ngang nagkakatotoo ang mga panaginip ko, does that mean kung ano ang mapapanaginipan ko mamaya ay magkakatotoo rin ito kinabukasan? May kapangyarihan ba akong kayang manipulahin kung ano ang mangyayari bukas? Paano kung may mangyayaring masama? Paano kung may mapapahamak?
These thoughts were bugging me the whole night to the point where I decided not to sleep.
"Kapag hindi ako matutulog, wala akong mapapanaginipang masama. Kung wala akong mapapanaginipang masama, walang masamang mangyayari bukas," I said to myself.
Kada minuto ay pinipisil ko ang aking mga braso nang napakasakit para manatili akong gising. I have to stay awake for the rest of the night if I don't want anything bad to happen tomorrow. An hour later, my eyelids were at the center of my eye dahil hindi ko na kayang bukain ito. Yong mismong ang mata ko na ay parang bibigay at pinipilit ko pa rin ito bukain dahil natatakot ako na may mangyayari na masama. It was then that I couldn't take it anymore at napapikit na lamang ng aking mga mata.
The moment I closed my eyes, nakatulog agad ako nang mahimbing.