[Sydney Paralejo's POV]
Mahimbing akong natutulog nang biglang isa-isang naririnig ko ang mga tilaok ng manok sa labas. I scrunched my face out of discomfort dahil napakaingay ng mga ito at inaantok pa ako. Hindi nagtagal ay wala akong choice kundi bukain ang aking mga mata para makagising. I sat on my bed and stretched my arms as wide as I can. Usually kapag gigising ako ay hindi na ako nakakaramdam ng antok pero iba ito ngayon kasi kahit anong buka ko sa aking mga mata ay pilit itong sumasara nang kusa na para bang gusto pa ng katawan kong matulog.
I suddenly widened my eyes nang naalala kong nakatulog nga pala ako. I jumped out of my bed and stared at it for a couple of minutes.
"Ano ang panaginip ko kagabi?" Paulit ulit kong tanong sa aking sarili habang pinipilit na alalahanin ang aking panaginip kagabi.
Habang nakapamaywang ako ay hindi ako mapakali na paikot-ikot sa loob ng aking kwarto dahil wala talaga akong naalala na napanaginipan kagabi.
Does this mean may mangyayari ngayon na hindi ko alam? Hindi. Saka lang nagkakatotoo ang mga pangyayari kapag napapanaginipan ko ito.
I tried to remember what my dream was last night ngunit wala talaga. Tanging itim lamang ang nakikita ko sa aking utak.
I then gave up trying to remember it and went out of my room nang makita kung anong oras sa aming wall clock.
6:30 A.M
I only have an our left to make breakfast, take a bath, and prepare for school kaya hindi na ako nagsalita pa at dali-dali akong nagsaing ng kanin.
Bakit napaka-late naman na ako nagising? Hindi naman ako ganitong oras nagigising tuwing may pasok?
I went to the bathroom afterwards to do a quick bath and immediately changed to my uniforms in my room. Paglabas ko ay basang-basa pa ang aking buhok habang nagluluto ng noodles para sa amin ni Mama.
Muntik na nga akong mapaso nang alisin ko ang lalagyan ng noodles kung hindi ko napansin na wala pala akong suot na mittens. Pagkatapos kong kumain ay inihain ko na ito sa hapagkainan saka saktong lumabas si Mama sa kanyang kwarto. Tumingin siya sa wall clock at nakita niyang 7:20 na ng umaga.
"Anak, diba dapat ganitong oras ay nag-aantay ka na ng tricycle sa labas papuntang eskwelahan?" tanong niya sa akin habang kinakamit ang likod ng ulo niya.
"Oo, Ma. Kaya lang na-late ako ng gising kaya dinalian ko na lang lahat. Pero hindi itong ulam ha. Sinigurado ko 'yang naluto, Ma," sabi ko naman sa kanya.
Pagkatapos kong sabihin iyon ay inaya ko na si Mama na kumain ng agahan. I finished my breakfast for 4 minutes at saka nagsipilyo na rin pagkatapos. Nagpaalam na ako sa kanya saka ako dumiretso papunta ng eskwelahan. On the way to school, I kept trying to remember kung ano nga ba talaga ang napanaginipan ko kagabi. It seems like wala akong maalala at blanko lamang nag nasa isipan ko last night.
Does this mean walang mangyayaring kakaiba ngayong araw? Or is my theory wrong? Na coincidence lang talaga ang lahat ng iyon at hindi totoo na nagkakatotoo ang mga panaginip ko? Ilang beses iyong nagtatakbo sa utak ko.
I can feel like my eyes were about to give up dahil kulang na kulang ang tulog ko. Sino ba naman ang hindi antukin sa umaga kung ang tanging ginawa ko kagabi ay pilitin na manatiling gising para hindi makapagpanaginip ng masama?
Pumasok na ako sa aming room na lutang pa rin at umupo sa aking silya with Sophia looking intently at me.
"Sydney, you don't look so great," sabi niya sa akin habang paupo ako.
"Let me guess, I have dark circles around my eyes?" tanong ko pabalik sa kanya habang inilabas ang aking notebook galing sa bag.
"Pretty much. Hindi ka ba nakatulog kagabi?" tanong na naman niya sa akin.
"It's a long story, Sophia," sabi ko pabalik.
If I try to explain everything to her from the start, baka siya mismo ay malito sa mga sasabihin ko. I don't even know where to start and I don't know how to explain it to her na maiintindihan niya kaya huwag na lang.
The day went on as usual. Pero sa General Mathematics, may bago kaming topic na halos hindi maintindihan ng aking mga kaklase, lalo na rin ako kasi nakakalito ang formula. He then gave us an assignment to be passed on tomorrow at nagpaalala sa amin to review dahil may quiz kami sa kanya bukas.
Hindi ko makuha ang sagot sa examples at first pero ilang ulit kong sinubukan ito at nakuha ko rin ang tamang solution sa wakas. While I was solving, nakita ko na kumakamot si Sophia sa kanyang ulo habang nasa bibig niya ang kanyang mga kuko.
Gusto ko siyang tulungan ngunit gusto ko rin na siya mismo ang makakuha ng sagot sa mga examples ng aming guro. At isa pa, humihingi lang ng tulong si Sophia sa akin kapag hindi na niya kaya at kailangan na niya ng taong magpapaliwanag nito sa kanya. I appreciate that she first tries to solve the equation to see if she can solve it on her own before asking for help from anyone para turuan niya nito. Iba kasi 'yong satisfaction kapag ikaw mismo sa sarili mo ang makakakuha ng tamang sagot lalo na sa mga mathematical equations. Nagpapatunay lang na naiintindihan mo 'yong concept at proseso kung paano kukunin ang tamang sagot na 'yon.
Bumaling ulit ako sa aking papel saka ipinatuloy ang pagsagot aa mga equations na naiwan dito.
After the long day, natapos na lamang ang huling klase namin at walang masamang pangyayari ang nangyari. I actually expected something horrible or something great will happen dahil hindi ko maalala ang napanaginipan ko kagabi. But it turns out, it was just a simple day. Nothing much happened.
The bell rang and nagsiuwian na kami pagdating ng hapon at kasabay ko pa rin si Sydney pauwi.
Habang naglalakad ay napansin ko na hindi masyadong nagsasalita si Sophia sa tabi ko. She's usually not like this because whenever we walk every afternoon, siya ang unang nagsasalita sa akin at magkwento ng kung ano-ano. But now, parang ang tahimik niya.
Huminto ako sa paglalakad at bumaling sa kanya na nakayuko at nakapanatili ang mata sa mga paa niya.
"Sophia, okay ka lang?" tanong ko sa kanya.
Nabigla naman siya at mabilis na napatango sa akin.
"Okay lang ako, Sydney. Marami lang akong iniisip," sagot niya sa akin.
Nagpatuloy kami sa paglalakad habang ako ay tinatanong pa rin siya.
"Iniisip na ano?" I asked her.
Hindi muna siya nagsalita at akmang bubukain ang bibig niya nang tinikom niya ulit ito. Naramdaman ko na parang gusto niyang sabihin ito pero baka nahihiya siya o nagdadalawang isip siya na sabihin ito sa akin.
"Soph, pwede mo namang sabihin sa akin if kumportable ka. Baka makatulong ako," sabi ko naman sa kanya.
Huminga siya nang malalim at nagsalita. "Naalala mo kanina sa General Mathematics, Sydney? 'Yong topic ng guro natin?" tanong niya sa akin.
"Oo naman. Bakit?" I replied.
"Kasi diba sabi niya may quiz tayo bukas at may ipapasa na assignment. Tapos kanina, I tried to solve lahat ng examples na ibinigay niya pero ni isa wala akong masagot na tama," paliwanag niya nang hindi makatingin sa akin nang diretso.
"Mahirap ba para sa 'yo 'yong topic kanina?" I asked her genuinely.
Tumango naman siya agad, "Oo. Sinubukan ko talaga tapos ayon na-frustrate ako sa sarili ko kanina hanggang ngayon. Nakakalito kasi," sabi niya.
There was a moment of silence in between us bago ko napagdesiyunang magsalita.
"Is there any way I could help?" I asked her.
She hesitated at first but then she replied. "Kung papayag ka, Sydney, magpapaturo sana ako tungkol sa lesson kanina," aniya.
"Okay, then. Pero paano 'yan? Malapit na ang gabi?" sagot ko agad.
It took her a minute to think of a way to study together.
"Ganito na lang. Okay lang ba sa 'yo na sa bahay namin tayo mag-aaral? Magpapahatid tayo sa driver namin, I swear," sabi niya habang nakataas ang kanyang kanang kamay.
Sa bahay nila? I've never actually been into other people's houses.
"Soph, kailangan ko muna magpaalam sa Mama ko if papayag siya. Okay lang ba sa 'yo na samahan mo muna ako maglakad sa bahay?" sabi ko sa kanya since hindi na lamang dapat ako sasang-ayon nang hindi alam ni Mama. Baka mag-aalala pa sa akin 'yon.
"Oo naman!" she said excitedly.
Nang nakarating kami sa aming bahay ay huminto kami sa harapan nito.
"Hintayin mo lang ako saglit," I said to her as I started walking towards our front door ngunit hinila ako niya bigla.
"Teka, sasama ako sa 'yo, Sydney. Baka kasi magtaka ang Mama mo kung sino kasama mo," sabi niya at tumango na lamang ako. Tama nga naman. Mom would really question me kung sino ang kasama ko kaya mas mabuti na ang sasama si Sydney sa akin para magpaalam sa kanya.
"Magandang hapon, Ma," I said as I opened our door.
"Magandang hapon, anak. May bisita pala tayo," sabi naman niya sa akin nang lumabas siya galing sa kusina.
"Magandang hapon po. Ako po si Sophia. Kaibigan po ni Sydney," said Sydney as she introduced herself to Mom.
"Mabuti naman at may kaibigan na itong si Sydney. Kamusta kayong dalawa sa paaralan?" sabi ni Mama habang pinapaandar ang aming TV.
"Okay lang po. Um, Ma, magpapaalam po sana ako," sabi ko sa kanya habang kinakabahan ako.
"Ano 'yon anak?" she replied without looking at me.
"Tungkol kay Sophia po. Kailangan po kasi niya ng tulong tungkol sa lesson namin kanina na hindi niya maintindihan. Mag-aaral raw po kami sa bahay nila at-"
"Hindi. Hindi ka pupunta doon, Sydney," she cut me off.
Nakita ko kung paano nabigla si Sophia sa reaction ni Mama kaya siya na mismo ang lumabas at naghintay sa akin sa labas ng bahay. I appreciate how she went out on her own to respect our privacy.
"Ma, naaawa po ako sa kanya dahil baka po kasi wala siyang masagot sa quiz bukas. At tsaka may maghahatid naman po sa amin at may tiwala po ako sa kanya," pagpapaliwanag sa kanya.
"Anak, ang akin lang ay baka mapahamak ka dahil gabi na," ngayon ay nakatayo na siya at lumapit sa akin.
"Ma, 'yong kaklase ko po ay kaibigan ko. Malaki po ang tiwala ko sa kanya at ihahatid naman raw po kami. Hindi po ako magtatagal doon. Promise," I said as I raised my right hand.
Napabuntong-hininga na lamang siya saka nagsalita. "Sige, anak. papayag ako pero hanggang alas otso ka lang doon. Papagalitan talaga kita kapag lagpas na alas otso at hindi ka pa nakauwi dito," paalala niya sa akin.
"Opo, Ma. Salamat po," I said as I hugged her tight.
Nagbihis muna ako ng disenteng mga damit dahil ayoko namang pupunta ako ng ibang bahay at gusot-gusot ang aking damit lalo na at hindi pa ako nakakapunta doon. After doing so, I looked at our wall clock at nakalagay doon na alas 5:45 na ng hapon.
"Alis na ako, Ma," sabi ko sa kanya habang niyayakap siya ulit. Lumabas na ako at nakita si Sydney na pabalik-balik na naglakad sa daan na para bang ang laki ng problema niya.
Nang lumapit ako sa kanya, napalingon ako sa aming kapitbahay saka napahinto sa paglalakad nang makita ang isang puting sasakyan. I squinted my eyes while looking at it at alam kong hindi ako nagkakamali.
It's the same car I saw back then. Puti at kumikintab. Ang pinagkaiba lamang ay hindi ito nakaparada sa kung saan ito nakaparada noon. Nakapwesto ito sa bandang kanan sa harap ng aming bahay. I stared at it for quite some time when Sophia suddenly tapped my shoulders.
Agad siyang nagtanong kung pinayagan nga ba ako ni Mama na pumunta sa bahay nila. I said to her that my Mom agreed but only until 8:00 PM. Biglang lumitaw ang mukha ni Sophia at masayang niyuyugyog ang buong katawan ko. I smiled at her reaction because maybe she really wants to understand and learn how to solve for the equations regarding our topic earlier ngunit hindi niya ito maintindihan.
Tinawagan niya agad ang kanyang driver and after 5 minutes passed, dumating na ito at huminto sa aming mga harapan. Just as I was about to enter the car, lumabas si Mama sa bahay at nang nakita niya kami ay nagsalita siya.
"Ingat kayong dalawa ha," sabi niya sa amin.
"Opo!" sabay naman naming tugon ni Sophia saka kami tuluyang pumsok sa sasakyan then the car drove off to Sophia's house.
Habang nakasakay sy tumalikod ako at lumingon sa sasakyan kanina. Nakatingin lamang ako doon hanggang sa nawala ito sa aking paningin nang lumiko sa kabilang daan ang aming sasakyan.
Kanino kaya ang sasakyang 'yon?