Chapter 29

2141 Words
[Sydney Paralejo's POV] Habang nasa loob kami ng sasakyan ay hindi ko maiwasang tumingin sa labas. So this is the feeling of riding a car. Hindi ko naranasang sumakay sa kahit anong sasakyan maliban na lamang sa tricycle simula noong pagkabata ko. And now that I am here right, I won't deny that it feels comfortable. The air conditioner of the car is turned on. Bumaling ako kay Sophia na ngayon ay nasa kanyang cellphone. Nagtaka naman ako dahil parang hindi na kumukurap ang mata niya sa kakatutuok sa kanyang cellphone. "Anong ginagawa mo, Soph?" tanong ko naman sa kanya out of curiosity. "Ah, wala lang 'to, Sydney. Nag-scroll scroll lang ako sa f*******:," sabi naman niya sa akin saka ibinalik ang mga mata sa kanyang cellphone. Tumango na lamang ako saka tumingin ulit sa labas. It was already dim outside and I hope isinara na ni Mama ang mga pintuan at bintana sa bahay dahil siya lang mag-isa ang nandoon ngayon. I felt a tap on my shoulder and I glanced at Sydney looking at me with concerned eyes. "Okay ka lang, Sydney?" tanong niya sa akin. I flashed a smile at her saka nagsalita, "Oo naman. Okay lang ako, Soph," sabi ko kanya. "No, really. We can go back sa bahay niyo if you want-" sabi niya but I cut her off. "Sophia, I'm fine. Inalala ko lang si Mama dahil siya lang mag-isa sa bahay ngayon," sabi ko naman pabalik sa kanya habang umiiling. Tumingin sa akin ang driver gamit ang rear view mirror at inilingan ko rin tio. "Oh. Pwede mo naman siyang tawagan dito. Here," she said as she offered her phone on her hand. Agad ko naman inilayo ang kanyang cellphone papunta sa kanya, "Sophia... wala siyang cellphone. Neither do I. But it's okay. Uuwi naman ako mamaya kaya okay lang ako, Soph," I assured her. Yumuko muna siya saka huminga nang malalim at nagsalita. "Okay, Sydney," sabi niya saka humarap na pabalik sa daan. Sophia never asked why I didn't have a phone and that actually touched my heart. Hindi naman sa nahihiya akong sabihin na wala akong cellphone dahil 'yon ang totoo, ngunit kung ibang tao pa ang nakarinig ng mga salitang iyon sa akin ay baka tatanungin nila agad kung bakit wala akong cellphone, and others will even say that it's too bad that I don't have a cellphone. Unlike those people, Sophia didn't ask anything further about me not having a cellphone. Habang nakasakay kami sa loob ng sasakyan ay nag-usap kami sa mga lesson na na-discuss kanina sa paaralan. We were talking about the different rocks as what we tackled during our Earth and Life Science subject nang biglang suminag ang napakasilaw na ilaw sa bandang harapan namin. Napatabon naman ako ng aking mga mata at si Chloe naman ay parang wala lang. Nang nawala na ang sinag ay tumingin ako sa harap at nakita ang napakalaking gate na may nakahawak na dalawang lalaki. Sabay nila itong binuksan at pumasok na ang sasakyan. As soon as we entered the gate, napamangha naman ako nang sumalubong sa amin ang iba't ibang mga kulay ng bulaklak at may mga ilaw na nakapaligid sa mga ito. May mga maliliit rin na mga tanim ang nakalinya sa may daanan. Iba't ibang hugis ng mga puno ang nakikita ko and I was so amazed that I didn't even know na nakaawang na pala ang bibig ko. Nang makarating kami sa dulo ay mas umawang pa lalo ang bibig ko nang makita ang napakalaking bahay na halos puti lahat ang kulay nito at nagniningning dahil sa dami ng ilaw. Ang harapan ng bahay ay may hagdan na sobrang lapad at may mga tanim naman na nakalatag sa mga gilid nito. "Soph... Bahay niyo 'to?" tanong ko naman agad sa kanya. "Oo, Sydney. Bakit naman?" she answered my question as if it was nothing. "I had a hunch back then that your family are rich but I didn't know na ganito kayo kayaman, Soph. Parang mansion na nga 'tong bahay niyo sa laki," I said in astonishment. "Hoy, Sydney, hindi kami mayaman 'no. Pinamana lang itong bahay sa amin ng lolo ko na pinamana rin sa kanya ng tatay niya," paliwanag naman niya. "Oh, ancestral," I squinted my eyes at her. "You got that right," she said as she squinted her eyes back at me as well. Tumawa na lamang kaming dalawa sa aming pinagsasasabi. The car stopped at the front of the house at parang nanliit ako sa sarili ko. Did I make the right decision na pumayag kay Sophia na turuan siya kung kailangan ko pang pumasok sa bahay na 'to? "Halika na, Sydney," sabi niya sa akin na nagpaalis sa akin sa isipan ko. "Soph, nakakahiya naman pumasok. Tingnan mo pa naman ang sahig, oh, naka-tiles 'yan tapos naka tsinelas akong papasok. Pwede bang iwan 'to sa labas?" sabi ko naman sa kanya habang nakatingin sa aking tsinelas. Nakakahiya tumapak sa tiles nila na kumikintab. "Oh my gosh, Sydney. It's totally fine kaya halika na kasi we don't have a lot of time. Baka mapagalitan ka pa ng Mama mo," sabi niya sa akin habang hinihila ang kamay ko kaya wala na akong magawa kundi sumunod sa kanya. "Soph, ilang floors 'tong bahay niyo," sabi ko habang nakatingin sa hagdanan nilang paikot-ikot papuntang itaas. "Tatlo, Sydney. 'Yong sa top floor ay ang rooftop namin," she said casually. We made our way up through the staircase at dumiretso kami sa second floor ng bahay nila. Pagkarating ko doon ay hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Kung sinabi ko kanina na maraming mga bulaklak sa harapan ng bahay nila ay mas marami ang mga bulaklak na nasa harapan ko ngayon. Nakahilera ang mga magkasingkulay at sa dulo ay nakikita ko ang isang babae na may hawak na isnag watering can at itinapat ito sa mga tanim. "Soph, if I knew na ganito bahay niyo, sana nagdamit ako nang maayos-," she immediately cut me off. "Ano ka ba, Sydney? Okay na 'yang damit mo at kahit pa magpambahay ka pumunta dito ay walang problema 'yon sa 'kin," sabi naman si Sophia sa akin habang hinahawakan ang dalawang balikat ko. "Salamat, Soph," I said as I looked into her eyes. Tumango siya sa akin at nagsalita, "Kaya halika na," huling sabi niya before yanking me away towards the person that I saw earlier. Habang papalapit kami sa kanya ay hindi ko maipaliwanag ang nararamdan ko dahil sa kaba. "Soph, kinakabahan ako," sabi ko naman sa kanya habang pinipigilan siya sa paglalakad. She looked back at me for a second saka patuloy na hinila ako, "Hindi nangangagat ang Mom ko 'no kaya chill lang tayo. Let's go," biro niya sa akin pero hindi pa rin iyon tumalab na mawala ang kaba sa katawan ko. Nang sa wakas ay makalapit na kami sa kanya ay bumaling naman ito sa amin. Believe me or not but I was literally starstruck when she turned around to see us. Kumikinang ang suot niyang kwintas sa leeg, mga hikaw at ang kanyang mga singsing sa daliri na kumbaga nagpapaligsahan ang mga ito kung alin sa kanila ang pinakakumikinang. "Nakauwi ka na pala, Sophia. Oh, and who do we have here?" she said as she put the watering can down on the ground. "She's my friend, Mom," sagot naman sa kanya ni Sophia. "Magandang gabi po. Ako po si Sydney," sabi ko naman sa kanya at muntik na nang mabilaukan dahil sa sarili kong laway. "It's nice meeting you, Sydney. You can call me Tita Rochelle. Thank you for being friends with Sophia. It has been a long time since she last brought someone here and I'm glad she finally brought one again," she said as she smiled at me. Nawala naman ang mga ngiti sa labi ko at ngayon ay bumaling kay Sophia na nakayuko lamang. Matagal na panahon na pala since she brought a friend over to her house? Sophia always tells me that she doesn't have friends, to begin with, but I didn't expect that she would be this lonely. Itinaas ni Sophia ang kanyang ulo saka bumaling sa kanyang ina, "Mom, sa kwarto ko lang po kami. I asked her kasi na magpapaturo ako tungkol sa lesson naming at umoo naman siya," paliwanag niya. "Okay. I'll just call the two of you to come down if dinner's ready," her Mom said to us. "Opo. Thanks, Mom," sabi niya sa kanya before she grabbed my arm and yanked me away back towards the house. Hindi na ako nagsalita pa tungkol sa sinabi ng kanyang ina dahil alam kong hindi kumportable si Sophia na pag-usuapan iyon. Hihintayin ko na lang whenever she's ready to talk to me about it dahil ayoko siyang madaliin. There are things that people can't share to others and we should respect that. Each of us have our own personal lives after all. Nagsimula na kaming mag-aral ng topic namin sa General Mathematics kanina which were all about linear, exponential and quadratic functions. Tinuro ko sa kanya kung ano ang mga formula sa pagkuha ng bawat isa at binigyan siya ng example para pag-aralan niya. Sinabi ko sa kanya na dapat saulohin ang lahat ng mga formula dahil madali na lang ang pag-solve kapag alam mo na ang formula at susbstitution na lang sa given values ang gagawin mo saka mag-compute ng answer. We studied for an hour and a half straight at masaya naman ako dahil sa tuwing makukuha ni Sophia ang tamang sagot ay tumatalon ito sa saya. I can see that she's learning so fast at madali niya nakakabisado ang mga formula sa mga equations. Saktong natapos kami sa pag-re-review ay biglang may kumatok sa pintuan. "Soph, pinapatawag na kayong dalawa sa baba para sa hapunan," sabi ng boses ng isang babae habang pinasok ang ulo nito sa kwarto. "Opo, Aling Delia," sagot naman niya pabalik. Nang lumabas ulit si aling Delia ay nagsalita agad ako kay Sophia. "Soph, sa bahay na lang ako kakain," Napasimangot agad siya sa sinabi ko. "Ano ka ba, Sydney? Sabay na tayo dito sa bahay." "Hindi na, Soph. Okay lang talaga. Kasi sabay kami ni Mama kumakain tuwing 8:00 P.M. at baka hinihintay na niya ako ngayon habang hinahanda ang pagkain sa mesa," paliwanag ko naman sa kanya. Nanlaki ang mga mata ni Sophia dahil sa sinabi ko. "Hala, oo nga 'no. Sige, halika na. Papahatid tayo sa driver namin ngayon rin para makauwi ka na sa inyo." "Thank you, Soph," sabi ko pabalik habang inaayos ang aking mga gamit na dinala. At first, her Mom insisted that I would have dinner with them instead but Sophia explained to them what I said earlier to her. Pumayag naman sila at saka sinabi na next time na lamang ako sasama sa kanila sa hapagkainan. Though, I don't really think that's likely to happen dahil hindi ako sanay na kumakain sa ibang bahay. Dumating na ang sasakyan at pumasok na kami ni Sophia sa loob. Madaliang nagpaandar ang driver saka dumiretso na kami sa bahay namin. On the way home, I kept reminding her to review all of the things that we studied earlier para hindi niya makalimutan kinabukasan. Nakarating na kami ng bahay at lumabas na ako ng sasakyan. "Thank you talaga, Sydney, ha. Pagbalik ko sa bahay mamaya, mag-re-review ulit ako tungkol sa pinag-aralan natin kanina para sa quiz bukas," sabi niya habang bumababa ako. "No problem, Sophia. At tsaka, huwag ka mahihiyang magtanong sa akin kapag may hindi ka maintindihan sa lesson ha?" I told her sincerely. "Oo, Sydney. Sige, ingat kayo diyan at kita na lang tayo sa school bukas," sabi niya naman sa akin habang sinasara ang pintuan ng sasakyan. "Sige. Bye, Sophia," I waved at her. "Goodbye, Sydney," she said as she waved her hand through the door's window. Nang bumulhot na paalis ang sasakyan nila ay pumasok na ako ng bahay at nakita si Mama na nakaupo at nanood ng TV sa sala. Nang nakita niya ako ay napatayo naman siya at agad pumunta sa akin. "Sydney, mabuti naman at nakauwi ka na hindi pa alas otso," sabi niya habang niyayakap ako. "Oo naman, Ma. Ako pa?" biro ko naman sa kanya. Nagtawanan kami at naglakad naman siya papunta sa kusina. "Kain na tayo, anak," she said as she sat down sa upuan kaharap ang inihanda niyang pagkain. I smiled at her habang siya naman ay nakatingin lamang sa akin. I knew Mom would wait for me to come home before she'll eat dinner dahil alam kong iniisip niyang hindi siya kakain kapag hindi ako nakakakain. Lumapit na ako sa kanya at nagsimula na kaming kumain ng hapunan. When everything else was all done, pumunta na ako sa aking kwarto at isinampa ang aking katawan sa aking kama. Minutes later, I drifted myself to sleep.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD