Chapter 30

1784 Words
[Sydney Paralejo's POV] I opened my eyes and suddenly I was standing in front of the balcony of our room. It was a bright sunny morning and I was standing outside of our classroom. Ang silid naman ay nasa second floor ng building at mataas ang agwat nito mula sa first floor. Nakatayo lang ako doon sa aking pwesto. Gaya ng nangyari sa akin dati ay hindi ko magalaw ang aking katawan. Ang tanging magawa ko lamang ay tumingin sa kung ano ang nasa harap. My body isn't even moving a single bit. "This is definitely a dream," sabi ko sarili ko. There's no way this is real. Napukaw ang atensyon ko nang makita ang babae sa aking harapan. She was wearing our school uniform at halos hindi ko na makita ang kanyang mukha dahil natatabunan ito ng buhok niya. Nanlaki naman ang mga mata ko nang dahan-dahan siyang naglakad patungo sa classroom balcony at humawak sa grills nito. She looked down for a moment saka ko napagtantuhan ang gagawin niya. Agad naman ako nataranta at sinubukang pagalawin ang mga paa ko ngunit hindi man lang ito gumalaw ng kahit konti. I tried to move my hands but it won't budge as well. Nakatayo lamang ang aking katawan at nakatingin sa kanya. Halos mangiyak-iyak na ako nang itinaas ng babae ang kanyang isang paa sa ibabaw ng grills. "Huwag mong gagawin 'yan!" sigaw ko sa kanya ngunit alam ko namang hindi niya ako naririnig. I could feel my heart racing so fast nang nakatayo na siya mismo grills ng balcony. Halos hindi ako makapagsalita dahil konting galaw niya lamang ay maari siyang mahulog sa baba. And I know for sure that she will be in a crticial condition kapag nangyari 'yon dahil mataas ang mahuhulugan niya. "Stop! Itigil mo 'yan!" sigaw ko sa kanya habang patuloy na tumutulo ang mga luha ko. Nang sinabi ko iyon ay bigla siyang umupo sa grills at humawak dito gamit ang dalawang kamay. Kumalma naman ako nang ginawa niya iyon at napahawak sa aking dibdib kaya napayuko ako dahil kinapos ako sa hangin. I raised my back up to look at her and my face was distorted with fear. Nakatingin lang naman ang mga mata niya sa akin mimso habang nakaupo doon. Bigla tumaas ang mga balahibo ko likod ng aking leeg nang makita ang ekspresyon ng mukha niya. Malungkot ito. Pumupula ang mga mata niya, may mga bahid ng itim ang nasa ilalim ng mata niya, at halos natuyo na ang mga luha sa pisngi niya. Imbis na matakot ako ay bigla akong nabahiran ng lungkot dahil sa nakikita ko. Ngunit agad napalitan ang mukha ko ng gulat nang inalis niya ang kanyang mga kamay sa grills. "Huwag!" nang sinabi ko ang salitang iyon ay tumalon na siya mula sa balcony habang nakatingin pa rin ang kanyang mga mata sa akin na para bang humihingi siya ng tulong ngunit hindi na niya kaya. I bursted out in tears at biglang napasigaw sa bigat ng nararamdaman ko. Dumilat ako at napabangon sa aking higaan habang sumisigaw. I was breathing in and out heavily habang nakatingin sa paligid ko. I'm back in my room. Agad ko namang dinakma ang aking mukha at naramdaman ang basang luha na tumulo sa mga pisngi ko. Naalala ko ang nangyari sa akin noong isang araw. If my dream back then became true, then that means... Hindi ko na tinuloy po ang inisip ko at napatalon ako sa aking higaan nang tinignan ko ang orasan sa ibabaw ng aming front door. 4:45 A.M. I still have time. Kailangan kong magmadali para makapunta kaagad sa paaralan. I cooked breakfast, took a bath, and ate breakfast saka ako tumuloy na sa eskwelahan. "Sydney, ba't nagmamadali ka-" I cut her off. "Ma, kailangan ko na talagang umalis," sabi ko sa kanya at hinagkan siya sa pisngi. If my dream earlier will come true, hindi ko alam anong gagawin sa sarili ko kapag hindi ko 'yon mapigilan na mangyari. Sumakay na ako ng tricycle at pinakiusapan ang driver na bilisan ang kanyang pagmamaneho. Nang makarating sa eskwelahan ay nagbayad na ako sa driver at tumakbo agad papunta sa aming classroom. Habang tumatakbo papunta doon ay hindi ko maiwasang isipin ang aking panaginip kanina. Her eyes, the way she looked at me as if she was asking for help before she jumped off from the balcony. Hindi ko alam kung magiging totoo nga ba pero nang makita ko ang kulay ng sinag ng araw ay kaparehas ito sa kulay ng sinag ng araw sa panaginip ko. Binilisan ko ang aking pagtakbo nang makarating ako sa aming building. Nasa second floor pa ang aming silid kaya umakyat pa ako ng hagdanan. Bigla namang namali ng tapak ang paa ko kaya natumba at napayakap ako sa hagdanan mismo. Tiniis ko ang hapdi ng aking tuhod at patuloy na umakyat paitaas ng hagdanan. Nang makarating na ako sa second floor ay tumakbo paliko ng aming room at napahinto ako sa aking kinatatayuan nang makita ang babae sa aking panaginip kanina. I could hear my own breath under my voice habang nakatingin lamang sa kanya. She was sitting on the edge of the balcony habang nakatingin sa kawalan. This is the exact same scenario na nakita ko sa aking panaginip kanina. Napatingin naman siya sa akin at muntik na akong naiyak sa nakita ko. It was the same eyes that I saw in my dreams. Ang kanyang mata ay para bang ang dami na niyang naranasan sa buhay habang nakatingin ito sa akin. Hindi man lang siya nagulat nang nakita niya ako. She held unto the grills firmly dahil nakita kong lumalabas ang ugat niya sa kanyang mga kamay. Nang bigla niyang binitawan ang kanyang kamay ay doon na ako napatakbo nang napakabilis. I couldn't help but cry as I told her to stop from what she's planning to do "Stop!" sigaw ko sa kanya as I extended my hand to reach her quicker. Para bang nag-slow motion ang buong paligid ko habang tumatakbo at siya naman ay nakatingin sa akin. I was only a meter away from her when she tried to lean her body away from the balcony. Nang makalapit ako sa kanya ay agad ko namang hinablot ang kwelyo ng uniforom niya before she could even jump off. Buong lakas ko siyang hinila pabalik sa loob na ikinatumba naming dalawa at napahilata kami sa sahig. "Why would you do that?" sabi ko kaagad sa kanya habang dumadaloy ang aking luha sa aking pisngi. Hindi siya nagsalita at nanatili lamang na nakayuko. Napasapo ako ng kamay sa aking noo. Para akong nababaliw sa kaba na aking nararamdaman dahil kung hindi ko siya nahawakan ng kahit isang segundo ang lumipas ay baka mangyari nga ang nangyari sa kanya sa panaginip ko. "Muntik ka nang mapahamak sa ginawa mo!" I said to her in between my sobs. Natahimik ako nang siya naman ang biglang humagulgol sa pag-iyak. 'Yong tipong maririnig ng kabilang building ang pag-iyak niya. I tried to calm her down ngunit umiyak pa siya lalo na para bang buong buhay niyang tinago lahat ng iyak na 'yon at ipinalabas lahat ngayon. I couldn't think of anything else so I resorted to something I haven't done for the first time to anyone. Hinawakan ko ang kanyang ulo at ipinuwesto ko ito sa aking balikat. I hugged her tight at naramdaman ko ang mga braso niya na mahigpit na yumakap sa akin. It's as if she was longing for someone to hug her dahil naramdaman ko ang bawat hagulgol niya sa balikat ko na parang sigaw ang mga ito. She clenched her hands into fists habang nakahawak pa rin nang madiin sa damit ko. Hinayaan ko lamang siya na gawin iyon. This is probably her way of venting out her emotions. I have read books where characters vent their feelings like this ngunit iba pala ang pakiramdam kapag nakikita mo sila sa totoong buhay. Halong sigaw at iyak ang tanging naririnig ko habang nakayakap pa rin sa kanya. Mas humigpit ang kanyang yakap nang bumuhos na naman ang kanyang luha sa uniporme ko. After minutes of letting out all of those emotions, kumawala na kami sa isa't isa and i felt relieved as I see her start calming down. Ang kanyang mga mata ay antok na antok dahil sa sobrang pag-iyak nito. Tinignan ko ang aking kanang balikat at basang-basa ito dahil sa kanyang mga luha. Nang bumaling ako sa kanya ay nakatingin lamang siya sa mga mata ko. I waited for a couple of seconds before she responds. "Thank you. Thank you so much. And I'm sorry for soaking your uniform sa luha ko," sabi niya habang nakatingin sa balikat ko. "It's okay. How are you feeling?" tanong ko sa kanya. "I'm fine now. If you didn't show up earlier, I would've been dead by now," sabi niya at muntik na naman umiyak but she stopped herself. Tumango na lamang ako sa kanya at hindi na nagsalita. It would overhwelm her too much if I tell her right now that I dreamt about this exact scene earlier in my dreams. Napansin ko na nagsidatingan na ang ibang estudyante at saka kami tumayo dalawa at pinahiran ang mga luha namin sa pisngi. Pinagpagan namin ang aming mga damit at nagkunwaring walang nangyari. "What's your name?" tanong niya sa akin habang inaayos ko ang buhok ko. "Sydney. Ikaw?" I replied. "Kiana. From class 1-B. Thank you, Sydney. Utang na loob ko sa 'yo ang pagsagip mo sa 'kin," she said to me with utmost sincerity in her eyes. "I just did what I had to do, Kiana. And please, don't do that again. You can talk to me instead dahil makikinig naman ako," sabi ko sa kanya. I would never forgive myself if I wasn't able to grab her on time. I was only a second away from her falling from the balcony but fortunately, luck was on my side. "Thank you for the offer, Sydney. I'll always remember that," huling sabi niya habang naglakad na pababa ng hagdanan dahil nasa first floor ang classroom ng section 1-B. Nang nawala na siya sa paningin ko ay doon ko napagtantuhan na nagiging totoo nga talaga ang mga panaginip ko ngunit kaya ko ito ibahin. Kaya ko itong pigilan. Kaya kong hindi ipatuloy ang hindi ko gustong mangyari sa totoong buhay na nangyari sa panaginip ko. Naisip ko na baka nga mabuti itong ganito dahil alam ko ang mangyayari kinabukasan sa pamamamagitan ng mga panaginip ko at sisiguraduhin ko ma walang mangyayaring masama sa kahit sino man sa totoong buhay kahit na mangyari man ito sa panaginip ko. Pipigilan ko ito sa abot ng aking makakaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD