[Sydney's Paralejo's POV]
Pagkatapos namin mag-usap ni Kiana ay pumasok na ako sa aming classroom no'ng nagbukas na ito. Some of my classmates looked closely at my eyes because it was swelling. Sino ba naman hindi gaganito ang mga mata kung ang dami kong binuhos na luha kanina. My hands were still trembling from what happened but I can't let anyone else know about it since I am not in the position to do so. Although, I wonder what made Kiana attempt to do that. I have been in situations wherein I was at my lowest pero ni hindi ko naisip na gawin ko 'yon. Maybe because I always had Mom beside me. Sa bawat problema, sa bawat pagsubok, ay lagi siyang nariyan sa tabi ko. I don't know what problem Kiana is currently facing, but I hope she'll be okay. Sana hindi niya na maisipan na gawin 'yon ulit at sana magiging okay na ang lahat.
When I sat down on my chair, nakikita ko sa gilid ng aking mga mata na nagbibilang si Sophia sa kanyang mga kamay at para siyang nagso-solve ng equation sa hangin. Napasimangot naman ako nang nakit ko 'yon.
"Anong ginagawa mo, Soph?" tanong ko sa kanya at bumaling naman siya sa akin.
"Oh, wala lang, Sydney. Nagpa-practice lang para sa quiz mamaya," sabi niya habang tumatawa.
Bigla ko naman naalala na may quiz pala kami mamaya at dapat mag-review rin ako dahil ang tanging laman ng utak ko ay ang panaginip ko kagabi at ang nangyari kanina.
"Okay, Soph. Ipagpatuloy mo lang 'yan," sabi ko naman sa kanya habang itinaas ang aking right thumb.
She nodded at me before reviewing all of her notes again.
Ako naman ay inilabas ang libro sa General Mathematics. Alam ko naman na ang mga formula sa nakaraang lesson namin dahil nakatulong rin 'yong pagpunta ko at pag-aaral naman sa bahay ni Sophia pero ayoko maging kumpyansa. I always have to remember that my goal here is to aim for high grades as much as I can.
Nagbasa-basa ako sa aking mga sinulat nang dumating ang teacher makalipas ang 15 minutes. Niligpit ko na ang aking notebook sa General Mathematics saka nilabas ang aking Creative Writing na notebook.
"Good morning, class," bati ni Ma'am Kara sa aming lahat.
"Good morning, ma'am," bati naman naming lahat sa kanya pabalik.
Ngumiti siya sa amin saka nagsalita, "You may take your seats," sabi niya.
Umupo na kami at nakatoon lamang ang atensyon sa kanya. Actually, this subject is interesting to me especially since I love reading books. Creative writing is all about exploring all your imaginations and letting those imaginations take over you. It's somehow a temporary escape to reality so that we could visit our fantasies in life. So far, we discussed the different famous writers last week and their masterpieces. My favorite among what we have discussed would be William Shakespeare's poem entitled, The Seven Stages of Man.
In this poem, Shakespeare described how life is an unending cycle. From infancy to being a teenager, to adulthood, to old age, and lastly death. I love how he vividly described each of the seven stages in reality most especially how he related the world to a stage and that all of us humans are merely players. We have our own exits and entrances and each of us plays our part.
I snapped out of my thoughts when our teacher called our attention for another activity. We all groaned in response.
"For this activity, class, you will think of a story that you think you can relate your life to and explain why," she said.
Think of a story? I guess this is an interesting activity after all. But I can't think of anything that I can relate to, though.
"It could be a fable or a legend, as long as it is a story. Write it on a short bond paper and pass it tomorrow. Naintindihan ba ako?" paalala niya sa amin.
I'll probably pick a fable since maikli lang ang mga kwento na gano'n at saka marami pang mapupulutan ng magagandang aral. Gagawin ko na lang ito mamaya.
"Opo, ma'am," tugon naming lahat.
"Good. I will now leave you for your next class," sabi niya sa amin.
Iyon ang huling sambit niya saka siya lumabas sa aming classroom. This has been the routine of teachers since last week. Imbis na ang mga estudyante ang lalabas para pumunta sa next subject nila ay napagdesisyunan ng paaralan na ang mga guro na lang mismo ang lalabas at pupunta para sa next class nila. Ginawa ito dahil napapansin ng aming principal na kapag next class na ay sabay-sabay lumalabas ang mga estudyante sa kani-kanilang mga silid kaya napakaingay sa mga corridors. Since iniba na 'yong ganoong setup ay mas tahimik na ang corridors dahil ang mga guro lang ang labas-pasok sa mga silid-aralan.
Nang makalabas siya sa classroom ay kinuhit naman ako ni Sophia.
"Sydney, may naisip ka na na story?" tanong niya sa akin.
Napaisip naman ako ng saglit ngunit wala talagang pumapasok sa kokote ko. I have read tons of different stories but I somehow can't think of a story to which I can relate. Maybe because the stories I read are too good to be true and I have never read a story that has the same life as mine.
"Wala pa eh. Ikaw, Soph?" tanong ko sa kanya.
"Parang meron na," sabi niya habang tumatawa
"Ang saya mo ngayon ha?" tumatawang tanong ko sa kanya.
"Kasi 'yung naisip ko ay makaka-relate talaga ako nang todo. Basta, bukas ko sasabihin sa'yo before natin ipasa. Aral muna tayo sa quiz mamaya," sabi niya habang inilabas na naman ang kanyang notebook sa General Mathematics.
"Oo nga. Bukas pa naman 'yon," sabi ko sa kanya.
Nagstudy na rin ako para naman mataas na marka ang makukuha ko mamaya.
Lunchtime came and I immediately packed my bag until hinawakan ni Sydney ang aking kanang kamay. Napabaling naman ako sa kanya.
"Sydney, if you don't mind me asking, saan ka kumakain ng lunch?" tanong ni Sophia sa akin.
"Bakit naman?" tanong ko sa kanya pabalik.
"Kasi tuwing lunch, palagi kitang hinahanap sa canteen pero wala ka naman doon sa mga tables," she said as she lowered her head.
Baka hinahanap hanap niya ako tuwing lunch dahil wala siyang kasama sa table. Sophiamay be very talkative towards me but she is very shy to other people. 'Yong tipong gusto niyang makipagkaibigan pero nahihiya siya kaya hindi niya kayang makihalubilo sa mga tao o hindi naman ay makiupo sa mga tables ng aming kaklase. Okay, now I feel sad for her.
"Ah, may sarili kasi akong spot, Sophia. Gusto mo sumabay sa akin mag-lunch doon?" I asked her.
Bigla namang napalitan ng saya ang kanyang mukha saka siya nagsalita, "Sige!"
Sinabi ko sa kanya na bibili muna kami ng ulam at kanin namin bago kami pupunta doon sa kung saan ako palagi kumakain. To be honest, I never thought of bringing someone to eat lunch with me on my favorite spot but Sophia is now an exception to that.
Nang makabili na kami ng pagkain ay naglakad kami sa hallway ng school. Ang mga boses lang namin ang naririnig aming naririnig dahil halos lahat ng estudyante ay nasa canteen.
Nakarating na kami sa pwesto ko at nauna na akong naupo doon. Napatingala naman ako kay Sophia nang hindi pa siya umuupo at nakatingin lamang sa paligid namin.
"Sydney, kung alam ko lang na dito ka kumakain sana dito na lang rin ako kasi ang sarap ng hangin dito," sabi niya sa akin na para bang nagtatampo.
I chuckled in response. "Alam mo, dito na talaga ako kumakain since junior high school pa ako. Kaya sobrang espesyal itong pwesto para sa akin," sabi ko naman sa kanya.
"I couldn't agree more. Ang tahimik dito at ang sarap sa pakiramdam," sabi niya habang lumalanghap ng sariwang hangin.
I laughed at her reaction. Para bang first time makahinga ng sariwang hangin.
"Sophia, sige na, kumain na tayo para makapag-aral ka pa ng konti bago ang quiz," paalala ko sa kanya habang binubuksan ang cellophane ng aking ulam.
"Ay hala oo nga no? Sige kain na tayo," agad niyang sambit at umupo na rin.
Muntik ko nang makalimutan na anak-mayaman itong si Sophia dahil hindi niya talaga pinapakita ito. She never talked about her family's wealth kahit na alam ko naman na sobrang yamanin talaga nila noong pagbisita ko sa kanilang bahay. Pati sa pagkain ay wala siyang pinipili kaya kapag tuwing kasama siya ay hindi ako nanliliit sa sarili ko.
We ate our lunch while talking about things. Kung saan-saan na lang napunta ang usapan namin nang tumunog ang bell ng aming paaralan. Napatagal ata ang aming usapan kaya naabutan tuloy ng tunog ng bell.
We finished our lunch saka pinagpagan ang aming sariling palda. We threw our trash on the garbage bin saka kami sabay naglakad pabalik ng classroom.
Nang makarating kami doon ay saktong nakasalubong rin namin si sir Alvin, ang aming guro sa Earth and Life Science, na pumasok sa classroom. Nagsimula agad siya magdiscuss sa bagong topic pero ang nasa utak ko ay ang mga formula para sa General Mathematics namin.
Nang matapos ang subject na iyon ay kabado kaming lahat dahil susunod na ang General Mathematics. Halos lahat ng kaklase ko ay nagbibilang sa kanilang mga kamay at may iba naman na tinuturuan ang kanilang mga kaibigan patungkol sa mga formula.
I looked at Sophia. Alam kong mataas ang makukuha niya dahil noong nag-aral kami ay madali lang siyang turuan. Nakukuha niya agad ang process at naiintindihan niya ang concept ng topic. Plus, palagi kong ni-re-remind sa kanya na saulohin ang mga formula dahil 'yon ang pinakaimportante sa lahat.
Pumasok na ang aming guro at natahimik kaming lahat.
"Good afternoon, class. As you all know, we will be having a long quiz today about our last topic. Prepare one sheet of paper para makapagsimula na tayo," sabi niya sa buong klase.
I grabbed a sheet of paper and placed it on my armrest.
Napabaling ako kay Sophia nang may sinabi siya sa akin.
"Good luck, Sydney," bulong niya
I smiled bago nagsalita. "Good luck, Sophia," bulong ko pabalik sa kanya.
The quiz was 45 minutes long dahil i-che-check pa namin afterwards. 30 items lahat-lahat at puro calculations na worth 5 points ang tig-iisa. Habang nagso-solve ay hindi ko maiwasang hindi mapakali sa oras dahil baka maabutan ako ng nito. Nasa papel ko lamang ang atensyon ko habang ang naririnig ko ay ang pagbangga ng mga ballpen sa armrest ng nasa paligid ko.
After about 35 minutes of solving everything that was written on the blackboard, napahinga ako nang malalim nang natapos kong i-solve lahat-lahat. I rechecked my paper and after 5 minutes ay huminto na ako sa aking pag-recheck. I was sure about my answers at ngumiti na lamang ako sa aking sarili. I glanced at Sydney and she was scratching her head. I hope na hindi niya nakalimutan 'yong pinag-aralan namin.
When the time was up, ipinasa na namin ang aming mga papel sa harap at ibinigay ito pabalik sa hindi may-ari para hindi mapalitan ang mga sagot. I really hope my score goes well.
Nang matapos na kaming mag-check sa mga papel ay ibinalik na ito ng mga kaklase namin sa dating may-ari. When I got my paper, a smile crept to my lips. I got a perfect score.
Bigla naman akong napabaling nang tinawag ako ni Sophia. "Sydney! 28/30 ako! Dalawa lang mistakes ko, oh my gosh, I'm so happy!" she said.
"Mabuti 'yan, Sophia," sabi ko naman sa kanya habang nakangiti. I'm really glad she got a high score.
"Ikaw rin kaya 'no! Ilan score mo?" sabi niya habang sumilip sa aking papel. "Woah! Perfect pa talaga! Nice, Sydney!" she said habang niyuyugyog ang katawan ko.
Tumawa na lang ako sa kanya. "Thank you, Sophia," sabi ko sa kanya.
"And thank you talaga dahil tinulungan mo ako mag-aral, Sydney. Ang hina ko sa math kaya minsan lang ako nagkaka-score ng ganito," sabi niya sa akin.
Agad naman ako nagsalita sa kanya. "Hindi ka mahina, Soph. Kailangan lang talaga mag-aral palagi. Ipatuloy mo 'yan ha," paalala ko sa kanya
"Oo naman," she said as she nodded to me.
The rest of the day went on as usual at noong uwian na, sabay na naman kami ni Sophia umuwi papunta ng bahay. Masaya kaming nag-uusap habang naglalakad habang nakarating na kami sa bahay at siya naman ay sinundo na ng kanyang driver.
Nang makauwi ako ay bumati naman ako kay Mama. When I entered my room, naalala ko ang assignment namin na dapat ipasa bukas. I still can't think of any story, though. Humilata na muna ako sa aking kama at tulalang nakatingin sa kisame.
"Ano kaya ang story na pipiliin ko?" I asked myself.