Chapter 32

1794 Words
[Cairo Gascon's POV] As I opened my eyes, bigla naman akong napadpad sa canteen ng paaralan namin. Nakikita ko ang aking mga kaibigan na masayang nagkukwentuhan habang kumakain sa kanilang mga pagkain. I then realized that it's a dream because, the same as before, I can't move anything of my body. Masaya silang kumakain nang biglang nagkagulo ang lahat ng estudyante at nakita ko silang nagsilabasan sa canteen. Nandoon pa kami sa loob ngunit hindi ko makita kung ano mismo ang nangyayari dahil nagtatakbuhan na ang lahat. Nanlaki ang aking mga mata nang nakita ang maitim na usok na nanggagaling sa kusina ng canteen. Nagliyab ang kulay kahel na apoy nito habang hinila ako ng mga kaibigan ko palabas. Habang tumatakbo ay hindi ko maiwasang hindi tumingin pabalik sa canteen. Halos lahat ng estudyante ay nakalabas na ngunit ang mga tindera doon ay hindi pa lumalabas dahil sinusubukan nilang patayin ang apoy. Para akong nanood ng isang movie ngunit wala akong naririnig. Alam kong nagsisigawan ang mga tao dahil kitang kita ang takot at pagkakataranta sa kanilang mga mukha. Bigla akong bumaling kay Paulo at nagtataka siyang tinignan ako. Tumango lamang ako sa kanya at tumakbo papunta pabalik sa canteen para tulungan ang mga tindera nang biglang sumabog ang buong canteen at bumulwak ang mainit na apoy. I was thrown away because of the explosion and landed on the ground. My body didn't move and all I could see was the sky. Bigla naman nagsidatingan ang mga kaibigan ko at kita ko sa kanilang bibig ta tinatawag nila ako but seconds after, I slowly closed my eyes and everything went pitch black. Bigla akong napabangon sa aking higaan at tumingin sa paligid ko. I looked around only to see that I'm in my room. My heart was beating so fast na akala mo ay galing akong tumatakbo sa isang paligsahan. I looked at my alarm clock at nakita na alas 6:30 na ng umaga. "What the-" hindi ko na tinapos ang aking sasabihin sana at dumiretso na agad sa banyo. I spent only like 8 minutes in the bathroom and immediately went out to wear my school uniform. Nang nakapagbihis na ako ay lumabas na ako agad ng aking kwarto at bumaba para kumain ng agahan sa kusina. When I arrived at the dining area, kumakain na si Dad at si Mom sa hapagkainan habang tumingala naman sila sa aking pagdating ko. "I tried knocking on your door, Cai, pero hindi ka nagising," Mom said to me as she was sipping on her coffee. "Sorry, Mom. Bilisan ko lang kumain," sabi ko naman at umupo sa hapagkainan. The moment I sat down on the chair, agad ako naghain ng kanin at ulam sa pinggan ko. Napabilis ang aking pagkain dahil nagmamadali ako. "Dahan-dahan lang, son Baka mabilaukan ka niyan," sabi naman ni Dad pagkatapos uminom ng tubig. "I'm okay, Dad. I just need to get to school early," I said after my last bite. Agad ako nagsipilyo at humingi ng allowance kay Mom para sa araw na ito. "Sige, Cai. I'll be waiting in the car," sabi niya at naunang pumunta sa garage. After brushing my teeth, I went back upstairs to get my bag. Tumingin muna ako sa salamin ng isang beses at agad ako bumaba para pumunta sa garage. Nang makarating na ako doon ay pumasok na rin si Dad sa loob ng sasakyan. We then drove off towards my school. On the way to school, I can't help but tap my shoes on the car floor for countless times because of feeling anxious. Hindi ako mapakali na baka magkakatotoo ang nasa panaginip ko kanina. "Cai, kanina ko pa napapansin na parang you're out of yourself. Is something bothering you?" Dad asked me. Bumaling naman ako sa kanya at nagsalita. "Wala po, Dad. Kinakabahan lang ako dahil may warning na ako dati na bawal ma-late," sabi ko sa kanya. "Oh. Kaya nga sinasabihan ka ng Mom mo na hindi magpuyat sa kakalaro ng video games. May time management dapat," paalala niya. "Opo, Dad. I'll do that next time," I replied. Nang makarating na kami sa paaralan ko ay lumabas na ako at nagpaalam kay Dad. "Okay, ingat ka, anak," sabi niya sa akin nang sinara ko ang pinto. "Opo. Ikaw rin, Dad," I said to him through the window. Nang makaalis si Dad ay tumingin agad ako sa aking watch kung anong oras na. I still have 10 minutes to spare. Agad akong tumakbo patungo sa canteen ngunit pagkarating ko doon ay hindi pa sila nagbukas. Gusto ko sana silang sabihan na baka biglang sasabog ang buong canteen mamaya. Although, hindi ko alam kung paniniwalaan nila ako. Hesitantly, I went to our classroom just in time for our attendance. Habang nakaupo doon ay hindi ko pa rin maalis sa aking utak ang aking panaginip. Even though it was just a dream, naramdaman ko ang pagtama ng aking katawan sa lupa noong sumabog ang buong canteen. But if I try to go to the canteen right now and tell them what's going to happen later, baka iisipin nila na nababaliw na ako. Baka hindi sila maniniwala dahil isang panaginip lang 'yon. I don't even know if it'll come true but based on what happened the other day, I refuse to believe that all of that was just a coincidence. So there's still a chance for my dream earlier to come true. I'll just have to keep an eye on the canteen's kitchen during lunchtime. Habang nagdi-discuss ang guro sa harapan ay hindi pumapasok ang kahit ano niyang sinasabi sa utak ko. Buong umaga ay ilang beses tumindig ang balahibo ko dahil ni isa sa mga tao sa paligid ko ay walang kaalam-alam sa mangyayari mamaya. I snapped back from my thoughts when Ken suddenly tapped my shoulders. "Cai, okay ka lang?" tanong niyang bigla sa akin habang tinitignan ako. "Oo. I'm okay, Ken," I assured him. "Ba't parang namumutla ka?" tanong niya sa akin nang napansing nawala ang pula sa mukha ko at napalitan ito ng puti. "Ah, wala 'to. Baka ginutom lang. Hindi kasi ako nakapag-almusal nang maayos," sabi ko sa kanya. Tumango naman siya sa akin saka nagsalita. "Kain tayo ng marami mamaya para bumalik 'yang tingkad mo. Para kang nakakita ng multo sa putla mo, Cai," pagbibiro niya. Tumawa naman ako ng konti. But on the inside, I really want to freak out right now because my thoughts are killing me. Dumating na ang pinakahihintay at pinakakatakutan ko, ang pagtunog ng bell. Lunchtime came and I walked alongside Ken, Paulo, Kurt and James habang papunta sa canteen, Masaya silang nag-uusap habang naglalakad at ako naman ay nakatingin lamang sa sahig. I must pretend like nothing's going to happen later because I still don't know if my dream is going to come true. But if it will come true, hindi ko na alam ang gagawin ko. Nang makarating na kami sa canteen ay binaha ito ng mga estudyante. Masaya silang nag-uusap habang nagpipila at ang iba naman ay nasa kanilang mga tables na at payapang kumakain, oblivious of the disaster that will happen later. When it was my turn to order for my food, napatulala lang ako sa lutuan ng mga tindera doon. I am sure that in my dream, doon nanggaling ang pagliyab ng apoy at makapal na usok. Hindi ko na tinagalan pa ang tingin ko doon at nag-order na ng pagkain. I returned back to our table at nang inilagay ko ang aking food tray sa mesa ay napansin kong kanina pa pala nakatingin silang apat sa akin. They looked at me with confusion. "Cai, okay ka lang? Kanina ka pa namin napansin na wala sa sarili mo. Hindi ka nagsasalita at palagi kang nakayuko. May nangyari bang masama?" asked Paulo. I looked into his eyes. I can see that he was sincere when he asked me that dahil nakikita ko ang concern sa kanyang mga mata. Alam ko na kapag sabihin ko pa rin sa kanila ay tatawanan lang ako ng mga ito dahil sino ba naman ang naniniwala sa mga napapanaginipan nila. And we literally joke each other all the time so I don't think they will even believe me. "Wala 'to, guys. Nawalan lang ako ng gana-" naputol ang aking pagsasalita nang biglang sumigaw ang isang tindera at paglingon naming lahat ay isang malaking apoy ang lumiliyab sa kanilang kusina. Naestatwa ako sa aking kinauupuan nang nagapagtantuhang ito nga ang eksaktong nangyari sa panaginip ko kanina. Sumigaw na rin ang ibang estudyante na nagsimulang magsilabasan sa canteen. Nakaupo pa rin ako nang biglang hinatak ni Paulo ang aking kamay habang sumisiksik sa dami ng estudyante dahil nag-uunahan na silang lumabas ng canteen. I looked at the staff of the canteen at sila mismo ay hindi alam ang gagawin kahit ang isa ay may hawak na ng fire extinguisher. Nang makarating na kami sa pintuan ng exit ng canteen ay doon ako natauhan at naalala ang mangyayari kapag lalabas ako sa pintuang 'to. Naalala ko kung paano sumabog ang buong canteen nang akma akong bumalik sa loob sa aking panaginip. I must not let that happen. Tumingin muna ako kay Paulo na nakahawak sa aking braso dahil nasa labas na siya mismo ng canteen at ako naman ay nasa pintuan. I slipped my arms away from his grip at nagulat naman siya sa ginawa ko. "Cai!" sigaw niya sa akin. "I'm sorry," I mouthed to him. Hindi na niya pa akong masundan na pumasok dahil sa lakas ng estudyanteng lumalabas ng canteen ay nahihirapan siya makatiyempo para makapasok. Nagluluha na ang aking mga mata at halos wala akong makita dahil sa kapal ng usok. Agad akong tumakbo sa kusina ng canteen at doon nakita ko na nanginginig na humawak ng fire extinguisher ang isang staff na babae. Apparently, wala silang male staff dito kaya alam kong mahihirapan talaga sila sa paggamit nito. Kinuha ko sa kanyang mga kamay ang fire extinguisher at tumingin ako sa napakalaking apoy sa harap ko. With all my might, lumapit ako sa apoy at initapat rito ang fire exitinguisher. Ramdam ko ang init ng apoy na dumaloy sa aking mga dailri ngunit hindi ako tumigil sa paggamit ng fire extinguisher kahit dumadaplis na ang apoy sa kamay ko mismo. Patuloy ako sa pagpatay nito hanggang sa tuluyang nawala ang apoy sa lutuan. Napahinga naman ako ng malalim nang nawala na ang apoy sa aking paningin at hindi ako makapaniwalang napigilan kong mangyari ang pagsabog sa aking panaginip. I looked at my hands at napansing may mga sunog doon kaya naman lumabas kaagad ako ng canteen at sinalubong nila Kurt. I was so exhausted that I collapsed but luckily James catched me just in time hanggang sa dumilim lahat ang paningin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD