[Cairo Gascon's POV]
Nang ibinuka ko ang aking mata ay nasa loob ako ng isang silid na puti lahat ang dingding pati kisame nito. I tried to move my eyes around at nagalaw ko naman ito kaya tinignan ko ang buong paligid. I guess this is not a dream since I can move my body parts.
Tumingin ako sa aking kanan at nakita ko ang isang babae doon na nagsusulat sa kanyang desk. Nang nakita niyang gumalaw ako at sinubukang bumangon sa pagkakahiga ay agad naman siya pumunta sa akin.
"Mr. Gascon, huwag po muna kayong bumangon," sabi niya sa akin habang tinutulak pabalik ang katawan ko sa aking higaan.
Agad ko naman sinunod ang sinabi niya. She was wearing an all white uniform and a face mask.
"Nasaan po ba ako?" I asked her.
I looked around the place dahil first time kong makapasok dito. Nakikita ko sa katabi ng mesa niya ang mga bote ng medisina and that's when I knew where I am. Nasa school clinic ako. Although, hindi ko maalala kung ako ba mismo ang pumunta dito pagkatapos kong makalabas kanina sa canteen.
"Dinala ka ng mga kaibigan mo dito sa school clinic pagkatapos mong himatayin," she said to me.
Napabuntong-hininga na lamang ako. Nagpapasalamat talaga ako sa kanila dahil dinala nila mismo ako rito agad.
"Nasaan po sila?" I asked her.
"Nandiyan. Naghihintay sa labas. Papapasukin ko ba sila?" sabi niya habang nakatingin sa pintuan ng school clinic.
"Opo," I replied.
"Sige. Magpahinga ka lang diyan," she said as she walked away to open the door.
Nang binuksan niya ang pintuan ay nakita kong pabalik-balik na naglalakad si James at nang makita niya ang nurse ay agad lumiwanag ang mukha niya. May sinabi pa ang nurse tungkol sa pag-ingat sa paghawak sa akin dahil masakit pa ang katawan ko. Tumango naman silang apat saka pumasok na.
They immediately walked toward me and stood by my side.
"Cai, ano na pakiramdam mo ngayon?" tanong ni Kurt habang tinitignan ang braso ko.
"Tol, ba't ka naman nagpaiwan doon?" asked Paulo with a creased forehead.
"Alam mo ba na muntik na masunog nang buo ang kamay mo?" pangangaral ni Ken sa akin.
"May masakit ba sa katawan mo?" asked John.
I smiled at all of their reactions. I did not expect for them to wait for me outside for a couple of hours dahil akala ko mild lang 'yong mga sugat ko. But it turns out that marami akong sunog sa aking dalawang braso, lalo na sa aking mga kamay, kaya naka-bandage ito at naka-strap sa leeg ko. As for my fingers, nilagyan ito ng ointment at naka-bandage rin.
"Guys, I'm fine. Huwag na kayo mag-alala sa akin. Nga pala, may nangyari ba sa canteen?" tanong ko sa kanila.
Napasapo si Paulo sa noo niya saka nagsalita. "Ikaw na nga 'tong napahamak, 'yong canteen pa inaalala mo. Pumunta ang school faculty doon para tignan kung ano ang dahilan ng pagkasunog," sabi niya.
"That's good. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung sakaling hindi kaagad ako pumasok doon," I sad to them.
There was a 50% chance na mangyayari 'yong pagsunog at pagsabog ng canteen dahil hindi ko alam kung magiging totoo nga ba ang panaginip ko. But still I held on to that 50% chance dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nangyari ang lahat ng 'yon. It would definitely traumatize me and I would carry that guilty feeling for the rest of my life.
"Sa susunod, Cai, huwag ka agad susugod nang gano'n. Napahamak ka tuloy," Kurt said.
"Oo na, guys. Hindi ko na uulitin 'yon," I assured them. Noong time na 'yon, hindi ko talaga alam ano ang gagawin. But what's certain in my mind that time was I have to do everything to prevent the explosion and to save all of them from death.
"Tatandaan namin 'yan, Cai, ha," James said as he lifted his one pointer finger up.
Tumango na lamang ako at ngumiti sa kanila. It's nice to know that there are people who are genuinely concerned about you, who genuinely care about you, and I am so happy that I have them. At least, I know that I can lean on them in times of trouble.
"Sige na. Magpahinga ka muna diyan. Excused ka naman sa klase sabi ng guro natin. Babalik na muna kami doon," sabi naman ni Ken.
"Sige. Salamat sa inyo," sabi ko sa kanila. I can't wave my hand to them so I nodded instead.
"No problem, Cai," huling sambit ni Ken saka lumabas silang apat sa school clinic at dumiretso na sa aming classroom.
Nang hindi ko na marinig ang kanilang mga yapak ay tulala akong nakatingin sa puting kisame.
I can't believe that my dream just came true same as what happened the other day. Pero bakit? Bakit ito nangyayari sa akin? I never experienced this kind of phenomenon before so why now? I traced back everything that happened before the day that I dreamt about Sydney since it was my first dream that came true.
"Bago ko napanaginipan ang lahat ng 'yon, that day, I went to school and we had an activity in Earth and Life Science. Then our teacher told us to go to the library-" naputol ang aking pagsasalita nang bigla akong may napagtantuhan.
I realized that the day before the dream is the day that all those weird things happened to me in the library. Naalala ko noon kung paano nagkagulo ang mga libro sa loob nang binasa ko ang isang kakaibang libro sa may dulo ng library.
"The book. If my memory serves me right, there was something about dreams that were written in that book," agad na sabi ko sa sarili.
Hindi ko na pinalampas pa ang oras at humingi kaagad ng permission sa school nurse para pumunta sa library. I need to know what's written in that book aside from the poem I read.
"Nurse, can I to go to the library just a bit? May titignan lang po ako," tanong ko sa kanya habang bumabangon sa aking higaan.
She also stood up from her chair and made her way to me. "But you're currently not in a good shape, Mr. Gascon. I advise you to stay here in the clinic at ipagpabukas na lang ang pagbisita sa library," sabi niya.
"Saglit lang po ako doon, nurse. Please," pinilit ko pa siya.
Napahinga na lamang nang malalim ang school nurse saka siya nagsalita, "Sige. Pero saglit lang ha? Kailangan pa rin kitang bantayan mamaya," she warned me.
I smiled at her and bowed, "Opo, babalik po ako agad," sabi ko saka dahan-dahang umalis sa school clinic since I am still not well.
Habang papunta sa library ay hindi ko maisip na napakabagal ng lakad ko. I can't feel any pain sa hita at paa ko ngunit kailangan ko pa rin mag-ingat dahil baka madapa ako at hindi ko naman pwede itukod ang kamay ko kasi mas lalala ang aking kondisyon.
I walked toward the library for what seemed like forever at nang nakarating ako doon ay walang tao ang loob nito at tanging ang librarian lang. Probably because it's class hours and everyone is in their respective classrooms. Pumasok na ako at tinignan ako ng librarian mula ulo hanggang paa. When she saw that both of my arms are bandaged, nagsabi lamang siya na hindi muna ako mag-log in sa attendance sheet at siya na mismo ang magsusulat nito. I told her my name, grade level, and section para mailagay niya doon.
After logging into the attendance sheet, agad akong naglakad papunta sa kung saan ko nakita 'yung kakaibang libro. When I arrived at the spot, I looked at the pile of books in the bookshleves ngunit hindi ko nakita ang libro na 'yon.
"Nasaan na ba 'yon?" tanong ko sa aking sarili.
I kept looking for another 10 minutes but it was nowhere to be found. I searched the adjacent bookshelves ngunit wala akong nakitang libro na gano'n ang itsura. Nang hindi ko talaga ito makita ay sumuko na ako at naglakad na pabalik sa clinic. It feels weird because it suddenly disappeared, though. Iyon na sana ang sagot sa mga tanong ko sa utak ngunit bigla itong naglaho.
I arrived back at the clinic at humiga ulit sa kama doon. I started questioning myself if this is somehow a superpower just like in movies. Pero unlike Superman who has superhuman strength and laser eyes, ang abilidad ko ay kaya kong alamin kung anong mangyayari sa kinabukasan at kaya ko itong baguhin. Kumbaga, hawak ko ang kinabukasan ng mga tao at kaya ko baguhin ito kung gugustuhin ko man kahit kailan.
Even if it does sound cool, natatakot pa rin ako dahil napagtantuhan kong malaki ang reponsibilidad ko na nakaagapay sa abilidad na ito. I have to make sure that if bad accidents happen in my dream ay mapipigilan ko ito kinabukasan.
So much for all that thinking, naisip ko na umuwi na lang muna para doon ako makapag-isip-isip sa aking kwarto sa bahay.
"Nurse, pwede po ba ako maunang umuwi? Kailangan ko kasi sabihin ito kina Mom," I asked her.
"Of course, Mr. Gascon. Sasabihan ko lang ang guro mo. You may now go home," she said as she dialed something on her phone. Probably my teacher.
"Salamat po. Aalis na po ako," sabi ko naman sa kanya at tinulungan ako ng nurse na ilagay ang aking bag sa likod ko.
On the way home, ang tricycle na mismo ang lumapit sa akin dahil hindi ko magalaw ang aking mga kamay para pumara sa kanila. Nang hinatid na niya ako sa bahay ay pinahintay ko muna siya at pumasok ako para magpatulong kay Mom na iabot ang pamasahe sa driver.
When she saw me, kulang na lamang ay maiyak siya sa kondisyon ko ngunit sinabihan ko siya na ikukwento ko lahat-lahat pagkatapos naming iabot ang pamasahe sa driver.
The driver then went off at pinapasok na ako ni Mom. She was hysterical after seeing me and I can't blame her for that. Mom always makes sure that I don't get myself into trouble, and I rarely get into fights, so she must've thought that I was bullied at school.
"Cairo, anong nangyari sa 'yo?" she asked as she hesitated whether to touch my bandages or not.
"Mom, it's a long story," sabi ko saka pumasok kami sa loob ng aming bahay.
Nang makapasok na kami ay pinatuloy ko ang pagkwento sa kanya tungkol sa lahat ng nangyari sa paaralan.