[Cairo Gascon's POV]
I put my backpack down sa isang upuan saka kami dumiretso ni Mom sa sala. We sat on our sofa and she kept looking at my bandage on both arms. Of course, I know that she won't let me go until I tell her everything that happened earlier.
"Tell me what happened to you. Every detail," sabi niya sa akin habang ngayon ay nakatingin sa aking mata.
Nagdadalawang-isip akong sabihin sa kanya ang tungkol sa panaganinip kaya nagapdesisyunan ko na lamang na sabihin sa kanya ang nangyari lamang kanina.
"Ganito kasi 'yon, Mom. We were having lunch at our school canteen ealier. Masaya pa nga kaming nag-uusapan," I started off with what happened before the accident.
I can remember how my friends were laughing with each other, completely unaware of what will happen seconds after.
"Tapos anong nangyari?" sabi niya sa akin.
"Biglang may sumigaw at napatingin kami lahat doon. Lumiyab na pala 'yung apoy sa lutuan sa kusina ng canteen," sabi ko sa kanya.
Naalala ko kung paano dumagsa ang mga estudyante palabas at nagsigawan dahil sa lumiliyab na apoy at makapakal na usok.
"Tapos?" tanong niya sa akin.
"Ayon tumakbo kami palabas ng kaibigan ko," sabi ko naman sa kanya.
Ngayon ay tumayo na siya galing sa pagkakaupo sa sofa at nagsalita. "Tumakbo naman pala kayo palabas pero bakit naging ganyan ang kamay mo?" sabi niya habang tinuro ang kamay ko.
"Mom, nakita ko kasi na parang nahihirapan sa paggamit ng fire extinguisher 'yong isang tindera doon. Nanginginig nga siya habang hinahawakan 'yon," paliwanag ko sa kanya. Hindi ko masisi ang tindera na hindi siya manginig ng kamay dahil baka unang pagkakataon nilang nasunugan ng gano'n.
"And then let me guess, pumasok ka doon?" she asked as she squinted her eyes at me.
"Yes..." sabi ko naman at yumuko dahil alam kong magagalit siya.
Habang kinukwento ko ang lahat ng 'yon ay bumalik lahat sa aking alaala ang nangyari kanina. It was like I was rewatching a movie since I already knew what was gonna happen next. Alam ko kung sino ang sisigaw, alam ko kung sino ang hahatak sa aking kamay palabas, alam ko kung sino ang hahawak sa fire extinguisher, at alam ko ang mangyayari kung hindi ako agad kumilos para mapigilan ito.
"My God, Cairo. Paano na lang kung napahamak ka doon?" sabi niya at bahagyang tumaas ang kanyang boses.
I can feel her fear in her voice. Hindi ko masisi si Mom na hindi mag-alala kasi sino ba naman ang hindi mag-alala na muntik na masabogan ang kanilang anak?
"Mom, wala kasing tumulong sa kanila. Kung hindi ako agad lumapit doon, baka nasunog na 'yong buong canteen o di kaya'y sumabog kasi gas tank 'yong gamit nila," I reasoned out.
I want her to understand where I am coming from. I know what I did was risky pero kung hindi ko ginawa 'yon, baka mas marami pa ang napahamak.
"Kahit na, Cairo. Napakadelikado ng ginawa mo. Tingnan mo nga kung anong nangyari sa 'yo," sabi niya habang nakatingin pa rin sa kamay ko.
"Sorry, Mom," I said to her as I looked into her eyes.
Nag-iwas naman siya ng tingin sa akin nang sandali saka ulit ako tinignan at nagsalita, "Huwag mo na gagawin 'yon ulit, anak. Baka kung mapaano ka pa niyan," pangangaral niya sa akin.
"Opo, Mom," I replied.
Tumango na lamang siya at napaupo ulit sa sofa. I can even hear her breathing heavily dahil siguro sa kaba para sa akin.
Nang tumahan na siya ay ako naman ang nagtanong sa kanya.
"Pero, Mom, may itatanong sana ako," sabi ko.
"Ano 'yon, Cai?" she said as she glanced in my way.
"Naniniwala po ba kayo na nagkakatotoo 'yong mga nangyayari sa ating panaginip?" tanong ko sa kanya.
I want to make sure if my dreams have something to do with mga pamahiin o di kaya'y mga paniniwala ng mga ibang tao. Naririnig ko rin kasi minsan na ang mga mtatanda sa sinaunang panahon ang nagsasabi nito.
"Bakit mo naman napatanong 'yan?" she asked me back.
"Wala lang po. Curios lang ako kung baka totoo talaga," nagkunwari akong hindi nagulat sa tanong niya.
She closed her eyes for a moment before she opened it again at bumaling sa akin. "Ang sabi-sabi ng mga matatanda dati, nagkakatotoo daw. Minsan nga baligtad pa ang mangyayari. Pero nasa mga paniniwala kasi ng mga Pilipino 'yan at hindi ako naniniwala sa mga ganyan."
There you have it. Mom doesn't think it is true. So I think that if I even try to talk with her about how my dreams do come true, baka hindi niya ako papaniwalaan at sasabihin lang ito kay Dad. I don't want them to worry about me, thinking that I might have gone crazy or something.
"Ah. Sige, Mom. Akyat muna ako sa kwarto ko," tugon ko sa kanya at tumayo na galing sa sofa.
"Sige, anak. Ihahatid ko lang ang pagkain mo doon," sabi naman niya sa akin habang tumayo na rin para pumunta siguro sa kusina.
"Sige po. Salamat, Mom," sabi ko pabalik. I grabbed my backpack from the chair at dumiretso na sa hagdan.
Umakyat na ako nang dahan-dahan dahil baka mahulog ako at alam ko namang bawal ko itukod ang mga kamay ko. I just hope that I could move my hands, even just my right hand, by tomorrow because I won't be able to take down any notes on my notebook during discussions kapag ganito pa rin ang kalagayan ko.
I opened my bag nang naalala ko na may assignment pala kami sa creative writing. 'Yon lang ang tanging naalala ko kanina na sinabi ng aming guro maliban sa pag-iisip tungkol sa canteen. We were tasked to search for a story in which we think we could relate our life into it. Sabi niya pwede daw kahit anong uri ng kwento.
Then, I remembered the story entitled, "The Dog and the Shadow." At the beginning of the story, a dog was walking home happily after he got a piece of bone in his mouth that the butcher tossed at him. Upon going home, the dog crossed a bridge and so he looked down at the water beneath. When he took a peek at the water, he saw a dog who also has a bone in his mouth, not realizing that it is his own reflection. Because of greed, he also wanted the bone of the dog of his own reflection and so the dog opened his mouth and snapped the bone on the water which caused the bone to fall from his mouth. Later on, he went home with a sad face because he lost his bone.
The moral of the story is to be content with what you have and not to be greedy. May mga tao talaga na hindi makuntento sa kung anong meron sila. Kapag nakita nila na may ganito, may ganiyan, ang mga kakilala nila ay gusto rin nilang may gano'n rin sila which I don't think is good because it only shows envy towards other people.
I can somehow relate to that since there are times when I want to buy more things even though I already have enough gadgets in my room. I already have a computer, so I shouldn't ask my parents for a PlayStation 5, or something even more. I already have a pricey phone, so I shouldn't ask for an iPad anymore. Instead, I should be grateful for the things I have right now and should not be greedy for more if I don't want to make the same mistake as the dog in the story.
Habang ako ay nag-iisip ay kumatok naman si Mom as aking kwarto dahil sinabi niya kanina na hahatiran niya ako rito ng pagkain. Wala akong choice kundi magpasubo sa kanya dahil hindi ko pa naman kayang gamitin ang mga kamay ko. After eating dinner, I asked my Mom to take my phone out from the bag at ilagay ito sa voice-typing mode. Naintindihan naman niya agad iyon at ginawa ito. Nagpasalamat ako kay Mom bago siya umalis ng kwarto at bumaba na sa hagdan.
I listed all of my ideas down regarding the story that I have chosen via voice-typing.
'Yon lang ang tanging naisip ko na paraan para maisulat ang aking assignment and wala namang problema since English dapat ito. Naisip ko na lang na maaga akong gigising bukas para isulat lahat ng nasa notes ko at maipasa ito since first period pa naman namin ang Creative Writing. Sana nga lang ay gagaling na at maigagalaw ko na itong kamay ko bukas.
After an hour or so, natapos ko na ang aking takdang aralin saka ako tumingin kung anong oras na.
8:45 PM
I decided to tuck myself in bed since I have to wake up early tomorrow to finish my assignment. Habang inaayos ko ang aking kama ay naisip ko na paano kung matutulog ako ngayon at baka may mapapanaginipan na naman ako na mangyayari bukas? Paano kung masamang pangyayari ito? Ako na naman ba ang dapat pumigil para hindi ito matutuloy?
All of these thoughts were running in my mind na para bang may marathon sila ngunit kailangan ko ring matulog nang maaga because then I won't be able to wake up early and write my assignment. Ayoko pa namang wala akong maipasa doon sa guro namin dahil ayokong magkaroon ng blanko sa class record niya.
Napagdesiyunan kong matulog na lamang at kung ano man ang mapapaginipan ko ay sana hindi ito isang masamang pangyayari. Dahil kahit ano pa man ang gagawin ko ay kakailanganin pa rin ng katawan ko na matulog kung hindi ko gustong mapahamak ang buhay ko sa mga sakit na dulot ng hindi pagtulog.
Inihiga ko na ang aking ulo sa unan at ipinikit ang aking mga mata. I guess I have no choice after all.